Ikaw na Minsan kong Naging Kaibigan (Part 2)

By: Korbinian Armitage

ERIC'S NARRATION

3 words, 8 letters... ang salitang pinakanakakatakot bitiwan dahil sa kadahilanang hindi lahat ng nagtatapat nito ay nakakatanggap ng sagot.
Oo isang statement na hindi naman tanong ngunit marami ang naghihintay ng sagot. Ngunit sa mga naganap at pinakita ni Jake alam kong bibigyan nya ako ng magandang

sagot pag binitawan ko ito.. Sana... Hindi pala ako sigurado. pero sana...Hindi ko na napigilan. Eto na, bibitiwan ko na...

"I love you Jake." ang sambit ko.

May katahimikan gaano katagal na ang nakalipas? parang napakahaba. Isa dalawa, tatlong segundo? parang isang oras na.. Sumagot ka Jake. Ayokong masaktan ayokong maulit

ang pagibig na humantong sa wala gaya ng pagmamahal ko kay Coby 3 years ago.

"Mahal na mahal din kita Eric.. Mahal na mahal." Sumagot sya ng pabulong. ramdam ko ang kanyang mga luha sa aking leeg.

Hindi ako nagkamali..Mahal ako ni Jake. Napakasaya ko. mahal ako ng taong mahal ko. Isang bagay na mahirap makamit pero kapag nakamit mo you could clearly say na its

worth the wait. Parang kahapon lang magkaibigan kami. Eto na kami ngayon. Nakakapanibago pero ayos lang. I never fear change. Napakasaya ko.

Nagyakapan kami ng mahigpit at pinaglapit pa lalo ang aming mga katawan. Gusto kong magtagal pa kami sa ganitong posisyon ng pagkayakap ng mas matagal pero kailangang

matapos din. Naghiwalay kami. Nagkasundo kaming kanila Jake ako matutulog tonight. Kinuha ni Jake ang kaliwang kamay ko ng kanyang kanan at hinila ako paakyat ng

kanyang kwarto. Pareho kaming nakayuko sa carpet. May katahimikhan. Parehong nahihiya na tumingin sa isat isa. Hindi alam at walang gustong magisip ano ang susunod na

mangyayari.

Nasa kwarto ako ni Jake. alas kwatro na ng madaling araw. Umaga na ng sabado. Hindi ako matulog. hindi na katabi ang taong mahal ko. Masyado pa akong naooverwhelm ng

mga pangyayari.

Natutulog si Jake ng nakaharap sa akin. Ang kaliwang kamay nya ay nasa bewang ko. Dinig ko ang napaka kalmado nyang paghinga at ramdam ko rin ang init nito.. Ang

pagtaas at pagbaba ng kanyang dibdib.. Napakgwapo ng mahal ko, katabi ko, yakap ako.

Sabi nya ay mahal nya ako. Kaya siguro ako nakatitig sa kanya. natatakot ako na kapag ipinikit ko ang mga mata ko ay malamang panaginip lang ang lahat ng ito. Ayoko

itong matapos. Natrauma na ako kay COby, ang una kong boyfriend. Kung magkakataon si Jake ang magiging pangalawa kong boyfriend at sana ay syang huli na din. Tumulo

nanaman ang mga luha ko. mahal na mahal ko si JAke. Tinanggal ko muna ang pagkakayakap nya sa akin at umupo sa kama upang punasan ang aking luha. Tinignan ko sya?

bumilis ang kanyang paghinga na parang naghahabol sa hangin.

Mabilis kong hinawakan ang kanyang kanang kamay at inilapat ang aking mga daliri sa pagitan ng kanya at ang isang kamay ko naman ay niyakap sya.Muling bumalik ang

kanyang paghinga sa normal... May nakita akong mga ngiti sa kanyang mga labi.

JULY 24, 2011

Mga alas singko na ako nakatulog nun. 8am ng kami ay nagising, parehong wala pa kami sa wisyo. medyo inaantok pa. Pareho kaming nakatingin sa ceiling ng room nya kung

saan may poster ng bandang Coldplay.

"Gusto ko din ang Coldplay.." wika ko para basagin ang katahimikan.

"Ako din..astig sila eh." wika ni Jake

"Gusto din kita.." ang sambit ko

"Ako din, gusto ko sarili ko astig ako eh.. " sagot ni Jake ng pabiro na may nakakalokong facial expression

Nagtawanan kami ng malakas.. Pagkatapos un ay may katahimikan nanaman.

JAKE'S NARRATION

Heto kami ng kaibigan ko ng tatlong taon nakahiga nakatitig sa kisame na kahapon lamang ay nagtapat ako ng pagmamahal. Pagkatapos ng halakhakan namin ay may

katahimikan..Siguro ito na ang tamang oras para pagusapan ang nangyari sa amin kahapon. Nagiisip ako ng magandang sasabihin. Nagsimula ako sa simpleng kataga..

"Natutuwa ako at mahal mo din ako Eric." wika ko

Nakikita ko sa mukha ni Eric na nagiisip sya ng isasagot ngunit mukhang hirap sa sasabihin.

"Eric unang kita ko pa lang sayo nung kakalipat namin dito sa Winterville ay alam kong ikaw ang tipo ng guy na gusto kong makasama. Minahal na kita ng pasikreto pero

hindi ko alam kung pano ko sayo ang isang bagay na hindi ako sigurado kung ganun din ang nararamdaman mo sa akin at kung kapareho ba kita..Kaya mapapansin mo lahat

dinafdaan ko na lang sa biro" ang pagtatapat ko kay Eric

May kinuwento sa akin si Eric, ang kanyang mga panaginip na tungkol sa akin..Natuwa ako.. Nakakatuwang malaman na ang taong mahal mo ay parati kang napapanaginipan.

"Nakakatuwa naman, sobrang close sa katotohanan ang mga panaginip mo Eric." sabi ko

"Natatandaan mo nung unang beses kong sabihin sayo na namiss kita at ng sabihan kita ng 'I love you' pero pabiro, deep inside Eric totoo ang lahat ng yun. Kasi kapag

sinabi ko sa iyo yon ng seryoso feeling ko hindi mo tatanggapin at babastedin mo lang ako." pahabol kong sabi kay Eric.

"Hindi jake, hindi ko gagawin yun...sigurado na sinagot agad kita ahaha." pabirong sabi ni eric

"Pero its for the best na din siguro.. Ang babata pa natin nun baka wala tayong ginawa buong araw kundi magsex na parang mga kuneho." tumatawang sinabi ni Eric

Napakacute ng mga tawa nya.. Para siyang bata na binilhan ng laruan ng nanay niya.

"Siguro nga its for the best, bata pa tayo nun sobrang libog pa natin baka hindi tayo tumigil sa pagsesex hanggat hindi lumalambot ang mga etits natin.Panigurado na

ginawa natin lahat ng mga R-18 na ginawa natin sa panaginip mo haha" pabiro ko ding sabi

Kinurot ako ni Eric sa may hita ko na parang batang naiinis sa mga biro ko.

"ARay huwag mo ako dyan kurutin, itaas mo pa haha." pabiro kong sabi "Alam mo ba sa panaginip ko, parati tayong may ginagawang R-18 na mga bagay." dugtong ko

"Hay Jake napakalibog mo." wika ni eric

"Batang malibog na mahal na mahal ka Eric." pabulong kong sabi.

Naging seryoso ang mukha ni eric, Nilapit nya ang ulo nya at inihiga sa dibdib ko. Ang ulo ng mahal ko sa dibdib ko. Napakasaya ko. Nagsalita si Eric.

"JAke...." "Mahal na mahal din kita, simula sa araw na ito wala akong ibang gagawin sa mundong ibabaw kung hindi iparamdam sa iyo na mahal kita.. Pagkatapos ng una

kong boyfriend akala ko hindi na ulit ako magmamahal ng ganito pero ayan ka.. Hayaan mong mahalin kita Jake... Mamahalin kita sa paraang hindi mo pa naramdaman dati.

Sa paraang ayaw mo ng matulog at managinip dahil masasabi mo na dumating na ang panahong ang realidad mo ay mas maganda na sa iyong mga panaginip." wika ni eric na

habang tintitignan ko ang kanyang mga mata ay wariy nagsasalita rin ang mga ito.. Punong puno ng pagmamahal ang kanyang mga mata.

Gusto kong matunaw sa sinabi ng aking pinakamamahal na si eric..Kung inaakala niya na sya lang ang magpupuno ng pagmamahal sa akin, nagkakamali siya. Dahil wala din

akong ibang ninanais kung hindi iparamdam kay Eric na magsimula sa araw na ito, hindi na siya magiisa.

Itutuloy....

Post a Comment

You need to login into your Google account to post a comment.
We will remove spams and duplicate comments.

[disqus][blogger][facebook]

Admin

{facebook#https://www.facebook.com/mencircle} {twitter#https://twitter.com/mencircleph} {google-plus#https://plus.google.com/+Mencircle} {youtube#https://youtube.com/mencircle} {instagram#https://instagram.com/mencircle}

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget