Bagyo ng Pag-ibig sa CRV

By: Neil Alvin Alonzo

Maligayang araw sa lahat ng mambabasa dito sa KM, nawa ay nasa maayos kayong kalagayan, special mention sa mga kachat ko sa site.  Lalo na yung nagtetext at tumatawag sa akin all the way from northern Luzon.  OO, salamat kahit hindi na may biglang nawawala!

Muli, this is Neil Alvin bringing you the seventh installment of the angkas series:

Bus ng Ligaya

Tricyle ng Pangarap

Bisikleta ng Kapanghasan

Balsa ng Paghihiganti

Floating Board ng sarap

at Scooter ng Pagpapaubaya

============================

Nasa ganoon akong pagmumuni-muni nang huminto ang isang pamilyar na kotse sa aking harapan.  Nasa labas na ako ng gate ng PE grounds at maglalakad na sana sa terminal ng tricycle.  Lulan ng asul na Honda Civic ang isang pamilyar na mukha, si Dave!  ang aking kaklase!

Nagtaka pa ako noon, kasi nakangiti si Dave nang ibaba niya ang bintana ng kanyang sasakyan.  Mag-iisang sem na rin kasi mula nang makasama ko sila sa PE at statistics, at never kami nagpansinan nitong si Dave.  Dahil nga irregular ang subjects ko noon, wala ako masyado na nakaclose sa kanila, bukod pa sa talagang medyo umiiwas ako at nagfocus lang sa pag-aaral.

“Pauwi ka na?” bungad niya.

“Oo” maigsi kong tugon.

“Sabay ka na” alok ni Dave. Sabay kindat at ngiti.

Siyempre hindi na ko nagpabebe. Sayang din kasi yung matitipid ko sa pag tricycle.

Medyo alangan pa akong nagbukas ng pituan ng passenger’s seat.

Mukhang sinsero naman ang alok ni Dave, kaya sige na lang.

Pagkaupo ko’y nagkwentuhan kami ng konti, kung bakit hindi daw ako nasabihan na walang klase sa araw na iyon at kung saan siya nanggaling at doon ang daan nya gayong may activity ang block section nila.  Noon ko lang din nabigyan ng pansin na  masarap palang kausap si Dave.  Masayahin at walang ere, na mali ang first impression ko sa kanya.   Mula kasi sa Chinese family si Dave.   Kaya naman ang akala ko ay may pagkasuplado, mayabang, matapobre, pero hindi naman pala.   At dahil Chinese, talaga namang napakakinis ng puting balat nya.  Chinito, mapula ang labi, itim na itim ang buhok.   May katangkaran din, maganda ang katawan...at... at... haha, mamaya ko na sasabihin kung ano pa!

Nang malapit na kami sa kanto kung saan may mga jeep na papunta sa amin, mula sa kambyo ay inabot ni Dave ang kamay ko.  Nagulat pa ako sa ginawa nya, dahil hindi naman talaga kami close.  Parang hawak ng istranghero na hindi mo talaga kakilala ang humawak sa kamay mo, pero hinayaan ko lang.  Kinilig kasi ako sa ginawa nya, saka kakaibang pakiramdam yung dinulot ng paglalapat ng aming mga kamay,mahirap ipaliwanag pero parang ang saya lang.  Naghoholding hands naman kami ng girl friend ko dati, at hindi rin naman si Dave ang unang lalaking nakahawak –kamay ko, pero panatag na panatag ang pakiramdam ko sa paghawak niya.

Nagyaya si Dave na magmeryenda.  Tumango lang ako saka isang mahinang pisil lang sa kamay nya ang tugon ko.  Instead na lumiko kami papuntang sakayan, dumerecho kami sa isang restaurant.  Well, ito yung restaurant na malapit sa campus, mukhang sosyal, pero di ‘sing mahal.  Kumuha ako ng sandwich at lasagna.  Si Dave naman ay kumuha ng pansit canton saka umorder ng dalawang halo-halo.  At siya din ang nagpatiunang magbayad sa lahat ng order namin.  Ngumiti na lang ako at nagpasalamat.

Pagkaupo namin ay hindi kami agad nag-usap.  Naiilang akong magsimula ng usapan lalo’t hindi ko naman talaga alam kung saan sisimulan.  Tipong pag-uusapan ba namin yung hawakan ng kamay kanina? Anong meron ? o kung simpleng bagay lang tulad ng anong anime ang sinusubaybayan nya?
At sa tingin ko, ay ganun din siya.  Siguro nga, dahil wala kaming alam sa isa’t isa. Natapos ko nang ubusin yung sandwich nang batiin nya, na ang bilis ko daw naubos, ngumiti pa siya at lumabas tuloy ang pantay-pantay na mga ngipin.  Kung tutuusin, gwapo talagang maituturing si Dave.   Hindi ko nga alam at hindi ko maipapaliwanag kung bakit nya hinawakan ang mga kamay ko. Nagtritrip lang ba siya?  Inaalam ba nya kung bibigay ako.   Isa na naman ba itong patibong na ikapapahamak ko?  Pero sumakay lang ako.  Go with the flow lang kumbaga.

Nung nagsimula naman siyang magkwento, mukha naman talagang sinsero si Dave.  Kaya nagtiwala ako at nakikitawa na rin kahit mga corny yung jokes nya.

“Anong pangalan ng asawa ni Mr. Bean?”  banat nya.

“hmmn. Ano?” tugon ko dahil hindi ko alam.

“Avrila!” sabi nya.

Nag-isip pa ko ng ilang minuto bago nagsink-in sa akin na joke pala yun.  At yun na pala yung punch line.

Heto pa:

“Paano maligo ang manananggal?”  tanong nya uli.

“Nagbabasa?!?” hula ko.

“Hindi. Mali ka.”

“Nagsasabon?” hula ko uli.

“Mali pa din.” sabi nya.

“umn, ok, paano?”

“e di half bath!”

Napakamot na lang ako ng batok sa mga kakornihang banat ni Dave.  Pero kahit ngayon, pag may naririnig akong joke sa radyo, o may nakakasakay na magkakilala at nagjojoke, o kahit sino na nagjojoke, siya ang naaalala ko.

Pagkatapos kumain ay sinabi ni Dave na ihahatid na daw niya ako sa amin.  Na tinanggihan ko na, kasi malayo ang bahay namin.  Ang alam ko kasi ay sa Caloocan siya uuwi, tapos ako, pa-Bulacan.   Kaya medyo hassle.  Pero pinilit nya ako, at gusto daw muna nya talaga mag-ikot-ikot.  At wala na nga akong nagawa kundi ang magpahatid.

Para na akong may instant manliligaw.  Pero ayaw kong isipin ‘yun kasi alangan kami.  Medyo malayo talaga yung bahay namin sa unibersidad kung saan ako nag-aral.  Kung magko-commute ako, aabutin ng isa’t kalahating oras hanggang dalawang oras yung byahe.  Pero isa’t kalahating oras lang siguro yun dahil sa CRV naman nya kami nakasakay.  Mahaba-habang kwentuhan ‘to.

Dun na rin nag-open si Dave sa akin.  Hindi kami nag-uusap dati, pero sa byaheng ito, ang dami kong nalaman. 

“Ilan  kayong magkakapatid?” tanong nya. 

“tatlo , puro lalaki.”  Sagot ko.

“kami, dalawa lang, pero nasa states na si kuya.  Umalis siya ng bahay kasi madaming batas.  Madaming bawal.   Madaming rules.  Para kaming nakabilanggo sa sarili naming bahay.  Malupit kasi ang Papa namin.  Gusto nga nya Business Management ang kuhanin ko, mabuti na lang at nakumbinsi ni mama.  Pero sa ngayon, nakatali naman ako sa isang arranged marriage dahil dun.” kwento nya.

Kung kanina, isang masayahing Dave ang kaharap ko sa pagkain, seryoso naman siyang nagkwento ng buhay nya.  Mga bagay na gusto nyang mangyari, at mga pagtatapat.

“Alam mo ba Neil, natutuwa ako na hindi ka nagalit sa akin nang hawakan ko ang kamay mo kanina, hindi mo ako hinusgahan at hinayaan mo lang akong gawin yun.  Alam mo bang matagal na ko nag-iintay ng pagkakataon?  Salamat.”

Hindi ko naman alam ang isasagot kaya hinawakan ko na lang uli ang kamay nya, at ngumiti.

Dugtong pa niya, “Matagal na akong may crush sa ‘yo.  Kahit nung first year pa lang tayo, kaso alam kong may girlfriend ka.  Saka magkaiba tayo ng klase,  natuwa nga ako na nagpalipat ka pa sa PE at statistcis sa klase namin.  Pero pinipilit ko ang sarili ko na iwasan ang nararamdaman ko, dahil sigurado, magagalit si Papa.  Pero ngayon, I want to take chance.  Gusto ko sumugal sa nararamdaman ko.  Ngayong hawak mo ang kamay ko, pakiramdam ko, secured ako.”   mahabang rebelasyon ni Dave.

“Huwag nating madaliin ‘to.  Baka naguguluhan ka lang, at pagsisihan ang mga mangyayari.  Ngayon mo pa nga lang ako nakasama,  saka baka masaktan lang tayo pareho pag pinilit natin ang gusto natin”

“Sakali, sasaktan ko rin naman ang sarili mo sa pagsunod sa isang bagay na hindi ko gusto.  Wala bang pag-asa na mahalin mo rin ako? ”  saad ni Dave.

“Ngayon pa lang kita nakasama, at sa sandaling oras na kasama kita, maniwala ka, naging magaan ang loob ko sa’yo.  Masaya kang kasama.  Naniniwala ako, hindi ka mahirap mahalin, lalo pa, isa ka sa mga pogi sa klase natin.  Medyo nabigla ako sa mga sinabi mo, sa mga ipinagtapat mo, pero hindi kita gustong husgahan.”  sagot ko sa kanya.

“Salamat.”  tugon lang niya.

Mahabang katahimikan lang ang pumagitan sa amin pagkatapos niyon.  Panaka-nakang tinginan, ngiti habang magkalapat ang aming mga kamay.   Malapit na kami sa amin nang kumidlat nang sobrang talim at ilang sugundo lang ay ang pagdagundong naman ng kulog.

Umaambon na  nang marating namin ang aming bahay.  Pasado ala-siete na iyon ng gabi.  Sa halip na pagmanehohin siya mag-isa pabalik sa banta ng malakas na ulan, niyaya ko muna siyang bumaba at pumasok sa bahay, na siya naman niyang ginawa.

Nang buksan ko ang pintuan ng bahay at datnang walang tao, saka ko lamang naalala na nasa probinsya pala sina mommy at sa susunod na weekend pa ang balik.  Ang mga kuya ko naman ay parehong may trabaho sa Maynila, kaya ako lang sa bahay, well ngayon, kasama si Dave.

Sakto pagpasok namin sa pintuan, ay siya rin namang buhos ng malakas na ulan.   Mukhang hindi agad titigil ang ulan, kaya pinaupo ko muna si Dave sa sala, at naghubad lang ako ng polo nang marating ko ang kusina.  Magpeprepara muna ako ng dinner.  Pagkasalang ko ng sinaing, lumipat si Dave sa isa sa mga upuan sa kusina at pinanood ang ginagawa ko.   Kung ako lang, baka nagbukas lang ako ng de-lata, pero pasikat ako ng konti at kumuha ng porkchop sa ref, tinimplahan saka gumawa ng tonkatsu.  Saka kumuha ng ilang itlog, at gulay para sa soup, bagay sa ulan.

Mukhang effective naman ang effort ko dahil, mukhang napadami ang kain ni Dave, at pinuri ang aking talent sa kusina.  Tapos na kaming kumain at nakaligpit na ako’y ganun pa din ang panahon.  Lumipat kami sa sala at binuksan ang TV.  May bagyo pala at ilang parte na ng Maynila ang baha.   Tumawag si Dave sa bahay nila at ang mama nito ang nakausap.  Sinabi ng mama niya na may baha na sa dadaanan ni Dave at baka ma-stranded siya kung uuwi.  Nagtaka pa ako nang ipasa ni Dave ang cellphone sa akin, gusto daw akong kausapin ng mama niya.   Nakiusap ang mama niya na hayaan muna sa bahay si Dave at sakaling humupa ang lakas ng ulan saka na lang uli tumulak pa-Maynila, na siyempre sinang-ayunan ko lang.  Sabi kasi ni Dave, ay dapat mag-rereview daw kami kaya siya nasa bahay, at medyo napahaba pa ang usapan namin ng mama niya na nagbibilin at nagpapasalamat.

Ipinasa ko uli kay Dave ang cellphone at nag-usap uli sila ng mama niya.  Ako naman ay tumungo sa kwarto, nagbihis at pumili na rin ng damit na ipapahiram kay Dave.  Tapos na silang mag-usap nang bumaba ako at iabot kay Dave ang damit na ipapahiram ko.  Inabutan ko na rin siya ng tsinelas para makapaghubad ng sapatos.

Itinuro ko sa kanya yung kwarto at sinabihan na magpalit at doon siya matutulog sa amin ngayong gabi.  Nakangiti pa ang mokong na para bang binalak nya talaga na abutin ng sungit ng panahon sa amin.  Timing na timing naman kasi, na wala din akong kasama sa bahay.

Siniguro ko munang nakalock na ang mga pinto, patay na ang mga bentilador sa salas at kusina bago ako pumunta sa kwarto.  Kumatok muna ako at inantay ang sagot niya sa loob.  Nang narinig ko siyang um-oo sa loob ay akala ko, tapos na siyang magbihis, kaya naman pinihit ko na ang knob at nagulat ako sa tumambad sa aking harapan.  Nakabrief lang si Dave!  Anak ng kagaw!  Nalaglag ang panga ko sa nakita.  Umakyat din ata lahat ng dugo sa mukha ko at pakiramdam ko’y kahit na moreno ako ay namula ako ng husto. 

Balewala naman kay Dave kahit pa nakabrief lang siya sa harap ko.  Hindi naman siya nagtagal sa ganoong posisyon at nagshorts na.  Pero nilagay lang niya sa tabi yung sando, at hindi daw siya nagsusuot ng damit pag matutulog.  Binuksan ko ang TV at umere ang Majika.  Tapos na pala ang balita.  Natuwa naman si Dave na makita ang palabas. Sinusubaybayan din pala niya ang kwento ng mga salamangka, at paborito rin pala niya ang mga ganoong kwento.  Naupo siya sa gilid – paanan ng kama. 

Ako naman, sumandal at pumuwesto na sa gawing ulunan.  Nood na nood lang kami  habang nagtatagisan ng kapangyarihan ang mga pater.  Nung magcommercial, umangat sa tabi ko si Dave saka umakbay.

“Ok lang ba?” tanong niya.

“Ayos ka din, naka akbay ka na muna bago nagtanong.”  Birong banat ko, pero hinawakan ko ang kamay niya upang hindi maalis sa pagkakaakbay.

Masaya ako na ganoon lang kami.  Mabango siya.  Kahit galing sa maghapong gawain sa school, ay mabango pa din ang kilikili niya.  Medyo makapal ang buhok niya sa kilikili, at nakakadala.  Kahit ang buhok niya ay mabango din.  Humilig pa kasi siya sa aking balikat nang umere na uli ang serye.  Sa ganoong posisyon ay hindi ko naiwasang mag”flag ceremony” .  haha, at dahil nakashorts lang ako ay bumukol ang alaga ko.  Tatakpan ko pa sana ng unan para maitago, ngunit nahalata na niya pala saka biglang dinakma.

“Tigas nyan ah! Hahaha.”  Sabi nya, sabay baba ng shorts nya, “ako man o”

At sabay na kaming natawa.

Wala sana sa plano ko na may mangyari ngayong gabi, kasi hindi pa ko nakakabawi sa nangyari sa pool kasama ni sir Paulo at Nathan, ngunit, subalit, datapuwat ang aking alaga’y mukhang handa na naman.

Biglang umangat ang ulo ni Dave at sa isang iglap ay magkahugpong na ang aming mga labi.  Banayad na mga halik.  Ang sarap ng paghalik ni Dave.  Hindi rin sobrang nipis ang labi niya, kaya may laman na masarap kagat-kagatin kapag humahalik.  Nang alam niyang magpapaubaya ako, ay nagsimula na ang mas mabilis na mga kilos ni Dave.  Hindi ko na nga namalayan na wala na akong kahit anong suot sa bilis ng mga pangyayari.

Sa mga oras na iyon ay nahubad na rin ni Dave ang lahat ng suot niya at kapwa na kami hubad.  Malakas pa rin ang ulan sa labas at habang bumubuhos ang ulan ng bagyong Reming ay nagpapasasa naman kami sa katawan ng isa’t-isa.  

Swabe din ang pagromansa sa akin ni Dave.  Naglalaro paikot-ikot ang mga dila niya habang gumagapang ang paghalik niya sa aking leeg, pababa sa dibdib, papunta sa tagiliran, hanggang humalik sa bandang pusod, at binagtas pababa ang aking happy trail.  Naglalaway na ang aking alaga noon, pero kahit na may pre-cum na ako ay walang arteng sinunggaban ni Dave ang aking si junjun.  Unang sargo ay deep throat agad.  Napaungol naman ako sa ginawa niya saka pa lamang siya nagsimulang paglaruin ang dila sa aking titi.

Ibang gumalaw talaga si Dave sa kama.  At nasasarapan ako sa mga galaw niya.  Habang nagsasawa siya sa pagdede sa kargada ko, abala naman ang kaliwang kamay niya sa paghimas ng itlog ko at ang kanang kamay ay nakaabot sa kaliwang utong ko at nilalapirot ito.

Dila, subo, salsal yun ang ginawa ni Dave sa burat ko.  Sarap na sarap naman ako, lalo pag sinasagad niya ang pagsubo sabay pahigop na lalaruin ang ulo sabay paikot ng dila.   Sobrang swabe pa kasi walang sabit.

Pagkatapos mangawit ang panga niya’t hindi pa din ako nilalabasan (medyo matagal kasi hindi naman ito ang unang sex ko sa maghapon) at naglalawa nadin sa laway ang alaga ko, hinila niya ako sa gitna ng kama humalik muli siya sa akin, habang naghahalikan kami ay nararamdaman ko naman na unti-unti niyang ibinabaon si junjun ko sa kanyang butas.

Alam kong hirap siya sa ginagawa niya at, hindi siya talaga sigurado sa gagawin.  Ramdam ko din na nasaktan siya nang pumasok na ang ulo ng titi ko sa pwerta niya napakagat kasi siya sa labi ko habang unti-unti niyang inuupuan ang kargada ko. Masikip.  Mainit.  Kumikibot-kibot.

Hindi ko naman gustong masaktan siya, kaya naman sinigurado kong hindi muna ako gagalaw.  Hinayaan ko siyang masanay muna, at siyang unang kumilos pag handa na siya.  Nang medyo nakarelax na siya, ay sinubukan na naman niyang bumaba pa ng konti.  Ramdam ko ang lalim ng hininga niya sa muling pagbaon ng alaga ko, sa kalooban niya.  Ilang ulit pa na unti unting baon, hanggang sa buong pagkalalaki ko na ang nakapasok sa pwerta niya.

Medyo napapaungol siya sa sakit.  Hindi muna siya kumilos.  At muling naglaro ang mga labi niya sa aking mga labi.  Habang umiinit ang aming halikan ay unti unti naman siyang aangat, at unti-utni ring babaon muli.  Hanggang nasanay na siya sa ritmo at sinasalubong ko na rin ng ulos ang kanyang pagbaba.

Ang sarap maglabas-masok sa lagusan niya.  Nang medyo ramdam ko na ngawit na siya, ay ako naman ang umibabaw sa kanya. Walang bunutan!  Nang ako na ang may kontrol, medyo mararahas na ulos ang aking iginawad kay Dave.  Sinuklian naman niya iyon ng nakakalibog na ungol.  Sarap na sarap sa pagpasok-baon-bunot-salpak-sagad.

Tagaktak ang pawis.  Mabilis na pagkangkang at ilang sandali pa ay lalong sumikip ang pwertang aking kinakantot.  Nilabasan si Dave at ang pagkibot ng kanyang puwet ang nagdala sa akin sa rurok.  Halos sabay kaming nilabasan.  Napunta sa gawing tiyan niya ang kanyang tamod samantalang sa loob niya ako nagpalabas.   Hingal na hingal akong napadapa sa ibabaw ni Dave.  Maya-maya pa’y kusang nabunot ang ari ko sa kanyang lagusan.

“Mahal kita Neil.  Sana mahalin mo rin ako”  bulong ni Dave.

Nalilito pa ako noon kaya hindi ako sumagot.  Yumakap lang ako sa kanya ng mahigpit.  Alam kong madaling mahalin si Dave, ngunit alam ko rin na hindi magiging madali na magmahal ng isang tulad niya. Nakatulog ako sa ibabaw niya, mukha ko sa kanyang pisngi, kapwa walang saplot sa katawan.  Pagod pero masaya.

Tapos na ang ngingit ng hangin ng bagyong Reming nang kami ay magising kinaumagahan.  Umaatikabong kantutan ang aming naging agahan.  At kahit wala na ang hangin ay maulan pa rin.  Walang pasok sa lahat ng antas kaya naman malaya kaming dalawa sa bahay.  Baha pa rin ang papunta sa kanila kaya nanatili pa siya sa amin hanggang kinabukasan.

Naging lihim kaming mag-on ni Dave hanggang sa makatapos kami ng kolehiyo.  Masaya ang bawat sandali na aming pinagsaluhan.  Namamasyal kami sa kung saan-saan kapag walang pasok sakay ng kanyang CRV. 

Isang buwan matapos kaming makapasa sa board at makakuha ng lisensya ay isang dagok ang nagpahiwalay sa amin.  Natuloy ang kasal ni Dave.  Kapwa hindi namin inaasahan na ikakapahamak namin ang aming pagsasama sa publikong lugar at nakarating sa Papa ni Dave ang lahat.  Kapalit niyon ang naging pagsuko ni Dave sa kagustuhan nito.

Minahal ko na si Dave, alam kong dahil din sa pagmamahal niya sa akin kaya siya pumayag, ngunit wala kaming magagawa.

Pinili na lang namin na hindi na magkita.  Ang huling balita ko’y tatlo na ang anak ni Dave.  Ang panganay na lalaki at ang bunso niya’y kambal.   Nakita ko sa friendster yung picture nila noong nag HongKong silang mag-anak at ang cute ng mga anak ni Dave.  Mga anak na hindi ko maibibigay sa kanya, hindi ko siya in-add at naging masaya na lang ako para sa kanya at sa kanyang pamilya.  Kung ano man meron siya ngayon ay hindi na dapat masira pa.  Kapwa lang kami masasaktan, at madadamay lang ang mga bata pag nagkataon.

Magiging masaya din ako.  Naniniwala ako na darating din ang para sa akin.  Madami kaming alaala ni Dave na nabuo.  Mga pangarap na hindi na nagkatotoo.  Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa.

Ano kaya ang naghihintay sa susunod na angkas?  Abangan!

Post a Comment

You need to login into your Google account to post a comment.
We will remove spams and duplicate comments.

[disqus][blogger][facebook]

Admin

{facebook#https://www.facebook.com/mencircle} {twitter#https://twitter.com/mencircleph} {google-plus#https://plus.google.com/+Mencircle} {youtube#https://youtube.com/mencircle} {instagram#https://instagram.com/mencircle}

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget