Grey Things (Part 3)

By: Grey Suzara

Bumili sina Reggie, ang girlfriend nya at si Jason ng aming iinumin at pulutan. Pinahiram naman namin si Ian kasama nya rin ang girlfriend nya ng mga gagamitin sa aming kaibigang nakatira malapit lamang sa court. Tatlo lang kaming naiwan para maghintay: Ako, si King at Maricar. Tatlo kaming nakasalampak sa sahig ng court; paikot sa gitna. Nagkukwentuhan silang dalawa tungkol sa mga aralin sa school. Nagtatanong si Maricar ng mga hindi nya maintindihan sa klase at masaya naman syang sinasagot ni King. Hindi ako masyadong nakikisali, dahil hindi ako maka-relate sa pinag-uusapan nila. Pareho silang masipag mag-aral samantalang ako ay marinig ko pa lang ang pangalan ng subject namin ay tinatamad na ako. Kaya heto, nananahimik lang ako at pinapanood silang mag-usap. Pero paminsan-minsan ay tinatanong nila ako para hindi naman ako ma-OP na sinasagot ko naman.
        Napapansin ko na ang tawanan ng dalawa at tila ba nalilihis na sa mga aralin ang usapan nila. Medyo nakaramdam ako ng pagka-ilang sa kanila kaya naman medyo dumistansya ako.
        "Iihi lang ako ah." paalam ko sa kanilang dalawa.
        "Sige," Sagot ni Maricar sa akin. Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni King dahil totoo namang naiihi na ako. Nang matapos akong umihi ay sya namang dating ng mga bumili ng pulutan at inumin ganun din ng mga nanghiram ng gamit.
        "Oh, umpisahan na naten para makarame!" Sigaw ni Jason habang papalapit sa pwesto naming tatlo. Hawak nito ang plastic na may lamang inumin at pulutan. Nang makalapit na sila ay tsaka naman nila inilapag ang mga bitbit. Inihanda na nina Jason at Ian ang mga iinumin. 'Gin bulag' na hahaluan ng pomelo juice ang iinumin namen. Ibinuhos na ang laman ng bote sa pitsel at inihalo ang juice dito. Sinindihan naman ni Jason ang bibig ng bote at lumiyab ito hanggang sa loob ng bote. Pagkatapos ay inilublob nito ang bunganga ng bote sa pitsel na may lamang alak at juice. Hinigop ng bote ang laman ng pitsel na sya namang nagpuno ulit sa bote at muling ibinuhos sa loob ng pitsel bago ito nilagyan ng yelo. Sa tuwing mag-iinuman kami ay tila ba nagkakaroon ng isang maganda ngunit napakaigsing palabas ang paghahanda ng aming iinumin na natatapos lang sa isang kisap-mata. Bihasa si Jason sa pagtitimpla ng alak dahil tomador din ang ama nito.
        "Oh Ian, ikaw ang magpa-ikot." Mando ni Jason sa aming kaibigan, hindi naman ito tumanggi at inumpisahan na nga ang tagay.

        Sa umpisa ay nagkwentuhan kami tungkol sa palabas na aming gagawin sa eskwelahan. Nagtatawanan kami sa mga roles na ginagampanan namin dahil malayong malayo sa mga tunay na ugali namin ang mga ito. Nagmumukhang comedy ang aming mga pinaggagagawa kapag naaalala namin. Mismong sarili rin namin ang natatawa sa kinalalabasan ng aming mga pag-arte.
        "Bagay kayo eh noh," sambit ni Katrina kina Maricar at King habang masaya pa rin itong nagkukwentuhan. Sabay buyo ng iba pa naming mga kasama.
        "Oo nga, bagay na bagay kayo, pareho kayong gwapo at maganda na, matatalino pa." Sinundan naman ito ni Michell,
        "Eh tayo bhe, bagay na bagay din tayo diba?" Paglalambing ni Ian sa kasintahan sabay yakap dito.
        "Ayyyiiee, kakilig kayo eh noh." biro ni Maricar sa dalawa.
        "Kayo rin eh, nakakakilig hehehe, ano King ligawan mo na yan. Para hindi umiinit ang ulo nyan sa amin kapag nasa klase." Suhestyon naman ni Jason,
        "Bakit hindi, kung magpapaligaw ba naman sya eh." Sagot ni King. Pakiramdam ko ay kinapos ako ng hininga kaya napahugot ako ng malalim buntong hininga. Para akong nahuhulog at hinahalukay ang sikmura ko. Pero sa kabila ng sari-sari kong nararamdaman sa loob ko ay patuloy lamang akong ngumiti. Masakit ang mga naririnig kong usapan nila pero hindi ko pwedeng ipaalam.
        "Ayaw yata magpaligaw eh," sambit ni Reggie,
        "Hala, sinabi ko bang ayaw ko?!" Agad na reaksyon ni Maricar na ikinangiti naman ni King ng pagkatamis tamis. Sabagay, sino ba naman ang tatanggi sa mukha ni King, sa napakabait nitong ugali at sa napakatalino nitong isipan. Kahit sino siguro ay madaling mahuhulog sa kanya. Isa syang perpektong halimbawa ng isang "nerd with a killer smile".
        "Eto, seryosong tanong ah, walang magagalit!" pagsingit ni Ian, "Isang tanong isang sagot King, virgin ka pa ba?" Tanong ni Ian kasunod nito ang malakas na sigawan ng pambubuyo. Pangiti-ngiti lang si King ngunit mukha itong handang sumagot ano mang sandali.
        "Oo, virgin pa ako." buong tapang na sagot nito sa aming mga kaibigan. Sigawan ulit,
        "Eh, kelan mo naman balak magkaroon ng experience?" muling tanong ni Ian,
        "Gusto kong magkaroon ng karanasan sa taong mamahalin ko."
        "E 'di ibig sabihin babae pa ang gusto mong magyaya sayo?" si Jason,
        "Hindi naman, pero syempre hihintayin ko kapag gusto nya na."
        "Eh, papano mo naman malalaman na gusto na nya?" si Jason ulit
        "Kapag nagpakita na sya ng motibo saken, doon ko na sya yayayain." muling sagot ni King. Masaya sya sa pagsagot ng mga katanungan ng aming mga kaibigan. Habang ako ay patuloy namang naninikip ang dibdib dahil sa tuwing sasagot ito ng tanong ay nakikita ko ang pasimpleng sulyapan nila ni Maricar. Pinipilit ko pa ring ngumiti pero parang nagkakaroon na ng pagitan ang bawat pagngiti ko. Hindi na ito tuloy tuloy. Medyo namamasa na rin ang mga mata ko, pero sa tuwing mangyayari iyon ay tumitingala ako upang pigilan ang pagtulo. Wala akong magagawa. Bakla ako at hindi ako kasali sa mga pinagpipilian ni King para mahalin. Babae ang gusto nya, kaya kailangan ko iyong tanggapin.
        "Ca! Game ka ba?" Tanong ni Ian,
        "Game saan?" balik tanong naman ni Maricar,
        "Sa mga trip. Pero walang personalan ah, trip lang talaga. Ano game ka ba?" muling pagtatanong ni Ian.
        "Oo ba, baka sabihin nyo ang-KJ ko eh."
        "Yun oh!" masayang reaksyon ni Ian, agad naman nitong ipinaliwanag ang isang trip na inihanda nito para sa aming kaibigan. "Ito yung candy, sisipsipin mo muna ito pagkatapos ay ipapasa mo kay King, bawal gumamit ng kamay ah. Mula sa bibig mo ay ipasa mo rin ito sa bibig ni King. Okey?"
        "Oo ba!" Sagot nya, hindi ko inaasahang pagbibigyan nito ang trip ng aming barkada. Ngumiti naman si King at parang naghahanda pa. Agad na ibinigay ni Ian ang candy kay Maricar agad nya naman itong binuksan at isinubo. Nagsigawan ang aming mga barkada at ako naman ay lalong nanikip ang dibdib. Pero ayos lang. Ayos lang ako, titingala na lang ulit ako para hindi tuluyang tumulo ang luha ko.
        Ilang sandali pa ay handa na si Maricar na ipasa ang candy kay King. Muling nagsigawan ang mga barkada namin at ako ay pangiti ngiti lang. Pero napapabaling sa ibang direksyon ang mga mata ko at paminsan minsan ay napapatingala ako dahil papatak na naman ang luha. Pero tuluyan ko na ngang ibinaling sa ibang direksyon ang aking paningin nang makita kong magdidikit na ang kanilang mga labi. Sigawan ulit ang mga barkada namin.
        "Yun oh, 'di na kayo virgin hahahaha." sabi ni Ian, maya maya pa ay natapos na ang sigawan. Pasimple akong nagpunas ng aking mga mata at muling ibinalik ang paningin sa kanila sa pag-aakalang tapos na 'yung trip. Pero paglingon ko ay,
        "Naiihi ako," sabi ko nang makita ko si Maricar at King na naghahalikan. Natuloy na sa laplapan ang pasahan nila ng candy. Napaka-bilis ng mga pangyayari. Ang isang bagay na iningatan kong mabuti ay nagawa lang nilang ibigay sa isa't isa ng ganoong kadali. Wala pa akong kahit anong karanasan, kahit na isang simpeng halik lang ay wala pa. Ang totoo nyan ay isang malabong pangarap ang palagi kong hinihiling na matupad: Na si King "sana" ang una kong makahalikan at ako rin ang maging kauna-unahan nya. Pero lahat ng pangarap na iyon ay wala na. Tapos na at hindi na kailanman matutupad. Si Maricar na ang nakatanggap ng kaniyang unang halik. Tumayo ako, medyo halatang wirdo na ang kilos ko dahil tumayo ako habang nakatingala. Hindi naman nila ako pinansin kaya nagpatuloy lang ako. Nang makalapit na ako sa talahiban doon na pumatak ang luha ko. Pero sandali lang at hindi ko pinayagang magmarka ito sa mukha ko. Ayokong mahalata nila na umiyak ako kaya naman pinunasan ko ito kaagad. Pagbalik ko ay parang wala lang. Tapos nang maghalikan ang dalawa at nagkukwentuhan na lang ulit ang lahat. Pero napansin ko na mas naging malapit ang dalawa sa isa't isa.
        "Si Pau oh, masyadong tahimik. Magsalita ka naman dyan Pau, 'di kami sanay na tahimik ka eh." pagpansin sa akin ni Katrina. Nagtatawanan sila noon at bigla na lamang tumahimik at napatitig sa akin ang lahat.
        "Hahaha, mga baliw. Naghihintay ako ng tagay, pakatagal magtagay nito ni Ian eh."
        "May lakad ka ba ha? Nagmamadali?" mga sarkastikong tanong ni Ian saken,
        "Hahaha," tawa ko ulit, sabay inabutan ako nito ng tagay. Tagay na mas mataas kesa sa normal na bigayan. Halos mapupuno na iyong baso. Pagkaabot nito sa akin ay agad ko naman itong nilagok at naubos ko kaagad.
        "Lakas uminom Pau ah," sambit ni King sabay tapik nito sa balikat ko. "Wag kang magpakalasing ah,"
        "Eh ano namang gagawin mo kapag nalasing si Pau?" Tanong ni Jason,
        "Bubuhatin ko, ipapasan ko 'yan hanggang sa kanila. Mahal ko 'tong bestfriend ko eh." Ngumiti lang ako at hindi ako nagsalita.

        Nagpatuloy lang ang kwentuhan. Napapansin ko rin na ang tagay ko ay palagi nang mataas kesa sa kanila. Pero hindi ako nagreklamo, dahil gustong gusto ko naman iyon. Mauubos na ang iniinom namen nang biglang magsalita si Reggie.
        "Ano bibili pa ba tayo?" tanong nito sa amin,
        "Tama na yan maaga pa tayo magkikita-kita bukas eh." pagtanggi naman ni Katrina, hanggang sa maubos na nga ang inumin ngunit wala pa ring tumatayo sa amin para umuwi. Natahimik na ang lahat at kanikaniya nang bulungan sa mga kapareha nila. Si Reggie kay Michell, si Ian kay Katrina at si King kay Maricar. Naghiwa-hiwalay na sila ng pwesto upang makapagsarilinan. Mayroong pares na umupo sa natibag na bakod. May pares na nagpunta sa ilalim ng punong mangga at meron din sa kabilang parte ng court na malapit sa talahiban. Kami lang ni Jason ang naiwan sa gitna.
        "Tangna, tayo lang ang walang partner ah." reklamo nito sabay tawa,
        "Bat 'di ka pa kasi humanap ng girlfriend para meron ka na din."
        "Wala pa eh, tsaka na hahaha." sambit nito, "Si Maricar at King mukhang nagkakamabutihan na ah." dugtong nya na bigla ko namang ikinalungkot. Malungkot sa loob ko pero patuloy pa rin akong ngumingiti.
        "Oo nga eh, mukha namang gusto nila ang isa't isa eh."
        "Hahaha oo nga, mukhang bibirada na 'to si King eh. Tingin ko kasi kay Maricar eh medyo mainitin, mukhang kating kati na rin eh." sabi nya na lalo namang ikinabigat ng loob ko. Yung isipin pa lang na may mangyayari sa kanilang dalawa ay para nang barenang bumabaon sa bungo ko, papano pa kaya kung iisipin kong isa sa mga araw na darating sa buhay ko ay makikita ko silang masaya sa piling ng isa't isa. Nalulungkot ako dahil kahit gaano ko pa man kagustong maging dahilan ng mga ngiti ni King sa araw araw ay iba pa rin ang hinahanap nya. Ang kaligayahang gusto kong ibigay sa kanya ay hindi nya makikita saken dahil sa babae lang sya nagkakagusto. Napaka-unfair ng buhay. Kung alam ko lang na mararamdaman ko ang sakit na ito sa loob ko, e 'di sana hindi na lang ako nahulog kay King. Sana hindi na lang sya ang gusto ko. Sana, manhid na lang ako.

        Lumalalim na ang gabi, sa tancha ko ay mga 10pm na, pero wala pa ring umuuwi sa amin. Sinulyapan ko ang mga magkakapareha na nagtatago sa dilim. Pinipilit kong aninagin sila at nakikita kong naghahalikan sina Reggie at Michell at kung ano anong klaseng kilos pa ang nakikita ko na nakakapagpainit ng pakiramdam ko. Ganun din si Ian at Katrina, nakaupo si Ian sa natibag na bakod at nakapatong naman dito si Katrina, kitang kita ko ang pagtaas at pagbaba ng katawan ni Katrina sa ibabaw ni Ian habang patuloy silang naghahalikan. Tinitigasan ako sa mga nakikita ko. Ngunit nang hanapin ko sina King at Maricar ay hindi ko makita. Napalinga linga pa ako sa paligid at hindi ko talaga sila makita. Tumayo ako upang sila'y hanapin dahil wala akong kasamang umuwi kung saka-sakali. Wala akong pamasahe kaya naman kailangan ko si King para manghiram dito. Lumakad ako sa labas ng court para hanapin ang dalawa. Madilim na ang paligid kaya naman talagang naka-focus ang mata ko sa bawat sulok. Nakakaaninag ako ng mga maputing bagay at pinipilit kong tignan kung sila na ba yun dahil kulay puti ang uniform namen. Naglakad pa ako hanggang sa makarating ako sa isang bakanteng lote na minsan na rin naming tinambayan. Doon ay may nakita na naman akong kulay puti. Tahimik akong lumapit hanggang sa makasiguro nga akong sila na yun nang marinig ko ang kanilang boses. Mas lumapit pa ako nang tahimik sa kanila at nagtago ako sa mga nakatambak na kahoy na ilang hakbang lang ang distansya mula sa kinalalagyan nila. Tumambad sa mata ko sina King at Maricar. Nakatayo si King na nakatagilid kung titignan mula sa kinalalagyan ko. Si Maricar naman ay nakaluhod sa harapan nito at rinig na rinig ko ang mahihinang ungol ni King na para bang malalakas na pagsabog sa kaibuturan ng nasasaktan kong puso.
        "Nakakabingi! Putang Ina! Nakakabingi!" sigaw ko sa loob ko, gusto ko silang sugurin pareho at gulpihin. Putang inang babae 'to, malandi pala. Hindi pa nga sila eh, nagsesex na kaagad. Tangina! Luging lugi ako dahil habang nagpapakasarap sila ay napakatinding sakit naman ang nararamdaman ko sa loob ko.
        Maya maya pa ay narinig ko ang salita ni King, inakay nito si Maricar na tumayo at tsaka nya ito hinalikan sabay sambit dito,
        "Kantutin kita Ca, please."
        "Hala, baka naman mabuntis ako. Nakakatakot King."
        "Hindi 'yan akong bahala sayo." sambit ni King at ilang sandali pa ay muli silang naghalikan. Unti unti nang hinuhubad ni King ang saplot ni Maricar. Maya't maya ko ring napapansin ang paghawak nito sa dibdib ni Maricar. Sandaling umalis si King at kumuha ng isang tabla malapit sa pinagtataguan ko kaya naman napaupo ako at iningatang huwag gumawa ng kahit anong ingay. Ni ang paghinga ko ay pigil para hindi nya ako mapansin. Nang makakuha na si King ng tabla ay inilatag nya ito sa lupa.
        "Higa ka na." utos nito kay Maricar, agad namang sumunod si Maricar at humiga sa nakalatag na tabla. Sumunod naman si King, pumaibabaw sa malandi kong kaibigan. Iniangat ni King ang palda ni Maricar at may inalis sya mula rito. Pagkaalis nito ay muling bumalik ang kamay ni King sa loob ng palda ni Maricar at nagtagal dito.
        "Uhmp." ungol ni Maricar, "Ahh." gumagalaw na ang kamay ni King na lalo namang nagpapalakas ng ungol ni Maricar.
        "Masarap ba?" Tanong ni King, ungol lamang ang isinagot ni Maricar. Maya maya pa ay tumayo si King tinanggal sa pagkakabutones ang suot nitong pantalon. Ibinaba nya ito hanggang tuhod at muling pumaibabaw kay Maricar. Muling iniangat ni King ang palda ni Maricar habang ito'y nakaibabaw pa rin.  Napaungol si Maricar nang gumalaw si King,
        "Ito na, ipapasok ko na Ca." pagkasabi ni King noon ay dahandahang nitong ibinaba pa ng kaunti ang kaniyang katawan. Napaungol muli si Maricar na tila ba nasasaktan ito.
        "King, masakit, dahan dahan lang." pakiusap ni Maricar,
        "Sa umpisa lang yan Ca, wag kang mag-alala mamaya mawawala na yan." pagkatapos nun ay kumadyot ng malakas si King sabay subsob nito sa labi ni Maricar. Rinig ko ang daing ni Maricar ngunit hindi na ito makasigaw dahil hinalikan sya ni King. Ilang sandali pa ay umiindayog na ang katawan ng aking kaibigang lalake at ang mga daing na kanina lamang ay tila nasasaktan ay napapalitan na ng kaligayahan. Kaligayahang tuluyang dumurog sa nagtitimpi kong damdamin.
        "Masakit! Masakit! Putang ina! Masakit!" hanggang sa tuluyan nang tumulo ang luhang kanina pa naghihintay na umagos.
        Iyak ako ng iyak habang pinapanood ko silang dalawa. Isang napakagandang live-show na hindi nakakalibog para saken. Nasa kalagitnaan ako ng hindi ko mawaring kawalan nang bigla na lamang may humatak sa braso ko. Napasunod ang katawan ko at napalingon ako sa humatak sa akin. Kasunod noon ang isang napakahigpit na yakap.
        "Tangina mo, nasasaktan ka na pinapanood mo pa." bulong nya sa tenga ko,

Post a Comment

You need to login into your Google account to post a comment.
We will remove spams and duplicate comments.

[blogger][facebook][disqus]

Mencircle

{facebook#https://www.facebook.com/mencircle} {twitter#https://twitter.com/mencircleph} {google-plus#https://plus.google.com/+Mencircle} {youtube#https://youtube.com/mencircle} {instagram#https://instagram.com/mencircle}

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget