Luke's Bleachers (Part 1)

By: Luke

Ako si Luke hindi ko totoong pangalan. Ang lahat ng bahagi ng storya ay pangyayari na naranasan ko. May mga parte ng storya na hindi ko na isinulat dahil upang magkaroon ng sekuridad at privacy ang mga tao nasa istorya ko. Sinulat ko ang storyang ito upang maisakatuparan ang isang pangako ko sa isang taong hinding hindi ko malilimutan at sobra kong minahal.
Ako ay galling sa may kayang pamilya, nag-iisang anak na lalaki sa tatlong magkakapatid. Ang taas ko ay 5’6, medium type ang aking katawan at Moreno ang kulay ng balat.  Ang aking tatay ay nag-tatrabaho sa abroad at ang nanay naman ay isang business woman. Bilang nag iisang anak na lalaki lahat ng aking gusto ay aking nakukuha kaagad-agad.  Simula pa noong bata ako hanggang sa tumatanda ako ay sakitin na ako kaya siguro hanggang sa pag tanda ko ay nagging spoiled ako kasi parang pakiramdam nila pag binigay nila ang gusto ko ay gagaliling na ako.
Noong nasa Elementary ako doon ako unang nag ka crush doon ko nakilala si Mae, ang first love ko. Maganda si Mae, simple lang siya madami din nag kaka gusto sa kanya noon kasi mabait at pala kaibigan. Simula grade-1 hanggang grade-6 ay siya ang crush ko dahil lagi ko siya ka section simula grade 1 hanggang grade 6, sabi ko nga noong tuwing nagsisimba ako ay lagi ko pinagdadasan na siya ung gusto ko pakasalan pero nagkahiway kami nung grumaduate kami ng elementary.
Nang tumuntong ako ng High School ay hindi ko na nakita ung mga ibang ko kaklase dahil kanya kanyang apply sa iba’t ibang school.  Hindi ko na din alam kung san nag aral ng high school si Mae at nakalimutan ko na siya.
Nagkaroon ako ng girlfriend noong ako ay 1st year high school ang pangalan niya ay Janelyn. Maganda si Janelyn, sikat na sikat si Janelyn sa school dahil siya ang leader ng Majorette sa school. Tandang tanda ko pa noong October 05, 2006 naging ni Janelyn, sobrang saya ka nun dahil may girlfriend ako, dito narasan ang first holding hands at first kiss ko.
Noong first month namin ay masaya kami dalawa, hindi kami nag aaway dahil naiitindihan naman naming ang isa’t isa pero dumating ang pangalawang buwan namin nararamadaman ko na may mali na sa aming relasyon minsan ay hindi kami sabay  umuwi dahil daw may pupuntahan pa daw siya at minsan ay hindi na niya ako nirereplayan sa text pag kauwi namin galing sa school, hindi ko siya kinausap tungkol sa aking nararamdan dahil sabi ko sarili ay baka normal lang ang ganitong pangyayari sa relasyon at ayoko naman siya sakalin.
Isang araw tinawag ako ng kaklase ko na si Erika habang papasok ako sa gate ng aming school:
Erika: “Luke! Luke! Sandali lang!”
Ako: “Bakit Erika?”
Erika: “May itatanong ako sayo, kayo pa ba ni Janelyn? Kasi pangalawang beses ko na siya nakikita si Janelyn na kasama si Dale sa paguwi.”
Ako: “Hahahaha! Sino si Dale?”
Erika: “Ibang section si Dale, I-Rose ung section niya.”
Ako: “Ahh..Hindi ko siya kilala. Ikaw naman niloloko mo ako.”

Hindi ako naniwala sa sinabi ni Erika sakin noon dahil wala naman din na kukwento sakin si Janelyn wala din naman ako kilala s na first year at sabi ko sa sarili ko ay baka niloloko lang ako ng Erika.

Dumaan ang maraming araw 2 week bago kami mag 3months si Janelyn. Uwian nanamin tumabi na ako kay Janelyn kasi sabay kmi uuwi bigla sabi niya skin:
Janelyn: “Luke uwi ka na may pupuntahan pa kasi kami ng tita ko text text na lang tayo.”
Luke: “Ahh ganun ba sige. Ingat ka ah. Text ka ah? I Love you!”
Hindi na niya ako sinabihan ng I love you too pero ako ung humalik sa kanya at sabay alis sa room. Nang malapit na ako sa gate ng school nakaramdam ako ng gutom naglakad lakad ako sa labas ng school upang maghanap ng makakainan. Isang tindahan ang hindi kalayuan sa gate ng aming school ang nakita ko medyo marami ang bumibili kaya natagalan ako nang makabili ako umupo ako sa lamesa at sinimulan ko nang kumain.
Habang kumakain ako ay parang naaninag ko si Janelyn sa kalayuan palabas siya ng gate ng school at walang dalang bag hindi pa siya umaalis sa tapat ng gate ng school at parang may inaatay maya maya pa may isang lalaki ang lumapit sa kanya at dala dala ang kanyang bag. Laking gulat ko ng maglakad sila dalawa ay nag holding hands pa at sweet na sweet sila. 
Napatayo ako sa aking kinatatayuan at natulala sa nakita. Nagalit na ako ng makita na hinalikan ng lalaki sa pisngi si Janelyn. Wala ako magawa noon sa kinatatayuan ko ng lalapitan ko dapat sila ay bigla silang pumara ng tricycle at sumakay.
Wala ako nagawa sa kinatatayuan ko kung hindi magalit at magisip kung bakit may ganoong pangyayari ako nakita. Tinext ko si Janelyn Paguwi ko sa bahay dahil hindi talaga ako mapakali:
Luke: “Baby: Asan kna?”
Janelyn: “Kasama ko na tita ko, sige na wala na ako load”

Wala na ako magawa noon. Sinubukan ko siyang tawagan ngunit hindi na niya sinasagot ang tawag ko. Kinabukasan pagpasok ng sa room parang normal lang ang kilos niya at noong lumapit ako sa kanya ay binati naman niya ako.
Janelyn: “Hello Baby! Sorry ah hindi ko na nasagot ung tawag mo ah sobrang saya kasi kasama ni tita eh kaya hindi ko na malayan na tumawag ka.”
Luke: “Ahh. Ok lang..pero pwede ba tayo magusap mamaya uwian?”
Janelyn: “Osige, wala naman ako lakad mamaya eh”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na tanongin siya sa mga nakita ko. Habang dumadating ang oras na mag uusap kami ay hinahanda ko na ang sarili ko sa anong mangyayari sa amin at sa sasabihin niyang paliwanag sa nakita ko.
At dumating na ang oras na mag uusap na kami tapos na ang klase tinawag ko siya at sabi ko ay doon kami sa bleachers malapit sa guard house at agad naman siya sumunod.
Janelyn: “Ano na ung sasabihin mo?”
Luke: “ Ahh..kase kahapun….”
Janelyn: “Anu merun kahapun?”
Luke: “Hindi ba hindi tayo sabay umuwi? Kase nakita kita!! May kasama ka lalake!! Si Dale ba yon?? Kitang kita ko na sabay kayo lumabas ng gate ng school at nakita ko din na hinalikan ka niya sa pisngi at sumakay kayo ng tricycle at sabi mo po tita mo ang kasama mo”
Bigla ako napasigaw at tumulo ang luha dahil sa sakit na nararamdaman ko at dahil hindi ko na mapaliwag yung nararamdaman ko parang gusto na sumabog sa gali. Nang bigla siyang tumahimik at hindi nagsalita.
Luke: “Ano??! Magsalita ka!! Ayaw mo na ba sakin??!”
Janelyn: “Sorry Luke…”
Luke: “Sorry??! Bakit yan ang kayang mo sabihin! Magsalita ka!”
Janelyn: “Alam mo Luke wala naman mali sayo eh. Masaya ako kapag kasama ka. Walang babae hindi maiilove sayo dahil sobrang bait mo. Pero nasa akin ang mali hindi ko alam kung bakit ko nagawa ito sayo pero gusto ko din sa Daile at gusto din kita.”
Luke: “Alam mo Janelyn hindi sumagi sa isip ko na magagawa mo ito sakin!”
Janelyn: “Patawad..”
Luke: “Ngayon, Pumili ka samin dalawa! Ako o siya?!”
Janelyn: “Luke, bigyan mo naman ako ng oras para mag isip please…”
Sa sobrang galit ko ay umalis na ako sa kanyang harapan at hindi na pinakinggan ang sinasabi niya at umuwi na ako. Sa sobrang galit ko ay hindi na ako kumain ng hapunan at hindi ko na din nagawa ang mga homeworks dahil sa kakaiyak. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko dahil isang babae ang nangloko sakin at hindi ko naisip na siya pa ang gagawa nito sakin.
Kinabukasan ay sinukan ko pumasok dahil hindi ako pwede hindi papasok dahil marami kaming quiz sa araw na iyon. Nakita ko siya pero siya ang lumapit sakin at sinabi sakin pwede ba tayo mag usap mamaya? At bigla ako napasagot ng “Oo” ng hindi ko namamalayan. Pumunta kami sa isang bench malapit sa canteen. Nang makarating kmi sa bench na iyon at agad ako nag salita.
Luke: “Ano na?!”
Janelyn: “Luke….Mahal kita!.... Pero…mas mahal ko si Dale. Patawad kung niloko kita. Alam mo kung mahahanap mo lang ung taong totoong mamahalin ka, sigurado ako magiging masaya ka, kasi madali kang mahalin. Pero….. hindi kasi ako yun eh.
At ayon na ang huli naming pag uusap ni Janelyn at sobrang sakit at galit na nararamdaman ko noon ay umalis ako sa harapan niya na umiiyak. Dumaan ang mga araw hindi na kami nagusap ni Janelyn hanggang sa matapos ang buong 1st year high school.
Nagpasya ako lumipat ng paaralan noong 2nd year high school ako dahil hindi ko na din gusto ang environment sa school na yun at dahil na din upang makalimot sa nangyari.
Lumipat ako sa isang Catholic school. Ang hindi ko alam ay doon pla nag aaral ni Mae at kung minsan ay nakikita ko siya at kung minsan ay nag babaitan kami kung kami ay nagkakasalubong. Alam ko may konti parin ako nararamdaman sa kanya pero parang naiba na baka dahil sa tagal na hindi kami nagkikita at nakalimutan ko na siya.
Marami din naman mga magagandang babae sa school na yon at kung minsan ay hindi naman sa pagyayabang ay minsan sila pa ang lumalapit sakin at minsan ay may mga naririnig ako mga kwento na mga nagkakagusto sa akin pero deadma lang ako.
Pero sa pamamalagi ko sa paaralang iyon doon naging normal ang buhay ko. Mas napalapit ako kay God, dito ako natuto mag-dasal at mag-rosaryo dahil nga ito ay isang catholic scool. Hindi ko alam kung bakit ako nanging ganun pero hindi sumagi sa isip ko ang pumasok sa semenaryo. Kapag may nobena sa school ay kinukumpleto ko ito kahit na ako lang ang pumunta ng school dahil minsan ay umaabot ng lingo ang pagdadasal. Marami din akong nanging kaibigan sa palipat ko noon. Kinalimutan ko muna ang love life at nag pursigi ako mag-aral hanggang makapatos ng hight school.    
Isang araw naitanong ko sa sarili ko bakit parang wala na ako magustuhan na babae pero minsan nagagandahan naman ako sa kanila. Dahil ba ito sa nangyari sa akin na niloko ako ng babae at nagalit na ako sa kanilang lahat. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman.
Nang mag college na ako ay nag-aral ako sa Manila. Tandang tanda ko pa nung araw ng pababayad ako ng reservation fee ay kasama ko pa ang mommy ko para magbayad noon. Nakaupo kami ng mommy ko sa ibang bench dahil kakatapos lang ng interview ko ng may lumapit samin isang mommy din at isang babae at bigla binati itong aking mommy. Laking gulat ko na si Mae pla iyon at ang kanyang mommy magkakilala pala sila ng mommmy ko at bigla kami tinanong kung magbabayad na daw ba kami ng reservation fee. Sumagot naman ang mommy ko
“Oo magbabayad na kami pero hindi namin alam kung saan ang finance” at bigla sabi ng mommy ni  Mae
“Kami din magbabayad na, Oh Mae kayo na ni Luke ang maghanap ng finance at magbayad na kayo”
Alam ng mommy ko na crush ko si Mae sinumala nung grade school ako at kitang kita ko sa mata ng mommy ko na kinikilig siya at gusto ako asarin nung binibigay niya ang pera pang bayad ng reservation fee ko.
Habang naglalakad kami ni Mae para hanapin ang finance sympre masaya ako dahil akalain mo yun sa tinagal tagal ng panahon lagi kami pinagtatagpo at simula grade school, high school at ngayon college parehas  pa kami ng school  parang may gusto ata ipahiwatig si God..
Nag kwentuhan kami ni Mae, nagkamustahan ng mga kaibigan at tinanong ang mga kukunin naming mga kurso. Nang makabayad na kami ay agad kmi nagtungo sa kinaroroonan ng aming mga mommy at nagpaalam na kami sa isa’t isa.
Tuwing magkikita kami o kaya magkakasalubong kami sa school ni Mae ay ganun parin nag tatanguan lang kami o kaya ay nag ngingitian.
Sa pamamalagi ko sa University  na iyon ay nakaramdam ako ng parang may kulang at hinanap ko iyon sa aking sarili.
Sa University na iyon ay karamihan ay puro babae pero may mga lalaki din naman. Madami ang magaganda at sexy na babae doon. Marami ako nagiging crush  na babae pero hanggang dun nalang iyon para bang wala akong balak manligaw noon dahil ang nakatatak sa utak ko ay baka lokohin ulit ako at maulit ulit ang nangyari noong high school ako.

Itutuloy

Post a Comment

You need to login into your Google account to post a comment.
We will remove spams and duplicate comments.

[blogger][facebook][disqus]

Mencircle

{facebook#https://www.facebook.com/mencircle} {twitter#https://twitter.com/mencircleph} {google-plus#https://plus.google.com/+Mencircle} {youtube#https://youtube.com/mencircle} {instagram#https://instagram.com/mencircle}

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget