Pastor's Child (Part 5)

By: Erick

"I choose Jesus
I choose Jesus
The one who first chose me...
I choose Jesus
I choose Jesus
For now and eternity..."

Tumatak sa akin ang mga katagang iyan matapos kumanta ang choir sa simbahan. Andito na naman ako sa loob ng simbahan kasama ang aking mga magulang para makinig sa sa panibagong mensahe ng aming pastor. Hiyang hiya ako sa unang pag tapak ko pa lang sa pintuan dahil alam kong may malaki akong nagawang kasalanan. Hindi lang sa aking mga magulang kundi pati sa Diyos. Sobrang bigat ng aking kalooban at tila nilalamon ako ng konsenya sa pinagagawa ko sa labas. Na mulat lang ako sa kamunduhan ay agad akong nagpalamon dito, nakita ko si Sam na nakayuko habang nagpi-preach ang kanyang ama. Alam kong hindi rin maganda ang kalooban niya, puno ako ng pagsisisi ngunit puno din ako ng katanungan.

"Ma'am Cathy, sir Andrew sabay sabay na po tayo kumain ng lunch." Aya ng mommy ni Sam na si ma'am Samantha sa aking mga magulang gawa sobrang malapit sa isa't isa ang aking ama at si Pastor Boy. Madalas sila sabay sabay mag lunch tuwing Linggo at nagkataon naman na bakasyon at andito ako sa Caloocan kaya mapapasama ako sa kanilang kainan.

Napuno ng kwentuhan ang lamesa habang kumakain ang bawat isa. Samantalang ako at si Sam ay tahimik lang na kumakain nag sasalubong man ang aming mga mata ay hndi namin magawa mag imikan. Ngunit maya maya pagkatapos niya kumain ay bigla niya kong inaya sa kwarto niya "Andy tara sa kwarto, matagal pa naman sila eh"

"Ahh ma, pa, dun lang po ko sa kwarto ni Sam ah"

Tahimik kaming naglakad sa hagdan ni Sam papunta sa kanyang kwarto. Pagkasara ng pinto ay agad niya kong niyakap ng mahigpit na ikinagulat ko.

"Uy... Sam baka makita nila tayo" bulong ko sa kanya
"Andy... Gusto ko na umalis. Ayoko na, napakarumi ko nang tao." Hindi ko alam ang gagawin sa nangyayaring pag emotional breakdown ni Sam. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin kaya binalot ko siya sa mga kamay ko kahit nalukot lukot na ang aming mga polo. Umupo kami sa kama niya at dahan dahan kong tinanggal ko ang necktie niya
"Yan, makakahinga ka na ng maluwag, minsan ang kailangan mo lang gawin tanggalin yung nagpapasakal sayo at nagpapabigat ng loob mo" mahinang sabi ko sa kanha
"Everything's falling apart, Andy...." Sambit ni Sam habang nakikita kong nagpipigil siya ng luha.
"My spiritual life, between me and my parents, si Marj, my faith, kahit ako. Pakiramdam ko onting onti na nawawala ang paniniwala at pagkatao ko, hindiko na alam ang ginagawa ko, hindi ko na kilala kung sino ako.
Ikaw.... You're the only thing I have left and I can't afford to lose you."

"Everything's falling apart including me? Sam, no. Andito lang ako-..."
Pagtataka kong tanong kay Sam at pinutol niya "c'mon I saw Josh kissed you. Nakita ko kayo, may kailangan ka ba sabihin sa'kin? Sabihin mo na hangga't maaga.  hindi mo na ba ko mahal? Pati ba ikaw iiwan mo na rin ba ko?"

"Mahal? Bakit Sam? Ako? Mahal mo ba ko? In the first place ikaw 'tong ginagago ako. I'm always been ready, Sam! Ikaw tong magulo, pinaparamdam mo na espesyal ako sayo pero sinasaktan mo ko at the same time. And I hate myself for letting you do that to me, alam mo kung bakit? Kasi mahal kita! Kaya okay lang, okay lang na mahal mo rin si Marj habang lumalabas sa bibig mo na mahal mo rin ako! Okay lang kahit--"

Binigyan ako ng isang madiin na halik ni Sam na nagpatahimik sa aming dalawa. Pinatong ni Sam ang noo niya sa akin at hinawakan niya ang aking mukha.

"Mahal kita Andy... I'm sorry. Please... Don't leave me"

Napakatahimik sa kwarto kaya narinig ko ang tawanan at halakhak ng mga magulang namin sa baba.

"Mahal kita kahit alam kong hindi matutuwa ang mga magulang ko. Mahal kita kaya kahit pati ang utos ng Diyos....
sinuway ko. Sam, mahal kita kaya kahit paulit ulit mo kong saktan. Naghihintay  pa rin ako na darating yung araw ako naman ang pipiliin mo ko kesa kay Marj
Sam... I chose you." Hindi na napigilan ng luha ko pumatak saking mga mata. Hinihintay ko si Sam na magsalita. Hinihintay ko siyang sumagot sa lahat ng mga sinabi ko. Gusto kong malaman kung bakit napunta kami sa ganitong gulo, gusto kong malaman kung worth it ba lahat ng sakit ng paghihintay ng pagtitiis. Gusto ko patunayan niya na ako ang mahal niya.

"Si Marj ang mahal ko..." mahinang sambit ni Sam at nakaramdam ako ng onting kirot sa puso.  Inalis ko ang mga kamay niya sa mukha ko at tinignan ko ang mga mata niya ng diretso kahit tuloy tuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko.
"dito..." dahan dahan tinaas ni Sam ang kamay niya at pinatong niya ang hintuturo niya sa ulo niya.
"Pero dito..." kinuha ni Sam ang kanang kamay ko at ipinatong niya sa dibdib niya.
"Ikaw ang mahal ko..." naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ni Sam.
"Utak ko lang ang nagmamahal kay Marj, Andy. Kasi yun ung alam kong tama, yun yung sinasabi ng isip ko na gawin ko. Pero yung minamahal ng puso ko ikaw.... Ikaw lang and I'm sorry I've caused you so much pain, I'm sorry kung ngayon pagod ka na. I'm sorry kung hindi kita magawang piliin just beause I'm not yet ready."
"So kailan ka magiging handa? Kapag sobra ka nang mahal ni Marj? Kapag nalaman na ng mga magulang mo? Kailan? Kasi ako simula pa lang handa na ko. Handa ako sa lahat ng consequences, sa lahat ng sakit, sa tagal ng hihintayin ko handa ako. Ikaw? Kailan?! ha?"
"I know it's selfish Andy...  pero I hope... andyan ka pa pag dumating yung time na handa na ko... Hindi madali lahat para sakin, anak ako ng pastor, bantay nila lahat ng kilos ko at isang pagkakamali ko lang makakasira yun sa pamilya ko.... Sa simbahan. Pero if ever pagod ka na, ayaw mo na... it's okay. Maiintindihan ko. I just want you to know deep within my heart I will always, truly love you...

Post a Comment

You need to login into your Google account to post a comment.
We will remove spams and duplicate comments.

[blogger][facebook][disqus]

Mencircle

{facebook#https://www.facebook.com/mencircle} {twitter#https://twitter.com/mencircleph} {google-plus#https://plus.google.com/+Mencircle} {youtube#https://youtube.com/mencircle} {instagram#https://instagram.com/mencircle}

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget