You Light My Fire (Part 13B)

You Light My Fire

By Lord Iris

Raypaul POV

Sabay sabay na kaming grumaduate kaninang hapon at hindi maiwasan ng iba na mapaiyak sa sobrang saya lalo na si Dennis.

Pagkatapos ng graduation namin ng grade-12 eh pumunta agad si Kith sa Castillo Royalty kasi kailangan daw siya doon kaya magce-celebrate na lang kaming dalawa bukas pero napag-desisyunan naming lahat na sa bar mag-celebrate kahit wala si Kith.

Sabi naman ni Kith hahabol daw siya sa amin kapag umabot ang oras niya kaya pipilitin niya daw na maagang matapos sa Casino.

Sa ngayon nasa bar na kami at marami ding mga fresh graduate dito at pinapasok naman kami kasi nasa right age naman na kami.

"Sige! Enjoy lang tayo let's party!". Higaw ni James na mukhang lasing na at may mga kasamang babae.

"Hoy tanga! Lasing ka na!". Sigaw naman ni Kagura kay James at mukhang di umiipekto ang alak sa kanya.

"Hayaan mo na siya... ngayon lang naman to eh". Sabi naman ni Vincent kay Kagura habang umiinom ng vodka.

"Basta pag sobra kayong nalasing iiwanan ko kayong lahat dito!". Pagbabanta ni Kagura.

"Opo former Ms. President...". Magalang na sabi ni Vincent at nag-bow pa siya sa harapan ni Kagura.

Tumugtog ang rock music sa bar kaya naghihiyawan ang mga tao sa loob pero nandito lang ako sa table at umiinom ng vodka.

"Raypaul! Sayaw tayo sa gitna". Sabi sa akin ni James.

"Mamaya na... tinatamad ako". Sagot ko naman kay James.

"Sige na! Ngayon lang to eh at sabi naman ni Kith mag-enjoy ka daw". Sabi naman sa akin ni Peter.

"Sige na nga! Let's party". Sabi ko at pumunta na kaming tatlo sa gitna.

Naiwan lang sila Kagura, Vincent, Dennis at Alexa sa table kasi mamaya na daw sila sasayaw kaya iniwan ko din doon ang inumin ko pero dinala nila James yung mga inumin nila.

Kahit ilang beses naman ako uminom ng alak eh kilala ko ang sarili ko kaya wala akong magiging problema kahit pa malasing ako ngayon.

Nagsayawan kaming tatlo kasama pa ng ibang mga tao sa bar. Masaya talaga ngayon dahil nag-cecelebrate kaming lahat at balita ko hanggang umaga kaming lahat dito.

"Gusto mo ba ng chicababes?". Pabulong na sabi sa akin ni James.

"Hi... pogi". Malanding sabi nung babae na kasama niya.

Sumama ang tingin ko kay James at alam naman niya ang magiging sagot ko pero tumatawa lang siya...

"Ito namang si insan di na mabiro! Nag-joke lang naman ako eh!". Natatawang sabi ni James at umakbay na siya sa akin kaya naamoy ko ang sobrang alak sa damit niya.

"Doon ka nga makipaglandian James... babalik na ako sa table natin". Sabi ko sa kanya kasi di na siya matino kausap ngayon.

"Lasing na talaga yan! Pero sasayaw pa ako dito hahahah". Sabi naman ni Peter habang may kasama siyang lalake at halatang lasing na siya.

Bumalik na ako sa table at mukhang masaya ang usapan nila Kagura, Dennis, Alexa at Vincent kasi nagtatawanan silang lahat.

Binalikan ko ang naiwan kong inumin at ininom ito pero parang tinamaan ako at hindi ko alam kung bakit. Medyo nahilo ako pero kaya ko pa naman at matino naman ako.

"Anong topic niyo ngayon at mukhang ang saya-saya niyong lahat". Sabi ko sa kanilang apat.

"Wala naman! Nagpag-usapan lang namin yung masasayang alaala natin this past few years". Naka-ngiting sagot sa akin ni Alexa.

"Bored ka ba kasi wala si Kith?". Tanong naman sa akin ni Dennis.

"Medyo... pero OK lang naman kasi naiintindihan ko ang lalabs ko". Sagot ko naman kay Dennis.

"Raypaul? May balak ka bang pakasalan si Kith?". Seryosong tanong sa akin ni Kagura.

"Oo naman! Pero sabi niya pagkatapos na daw naming mag-college at sa ibang bansa kami magpa-pakasal". Sagot ko kay Kagura.

"Medyo matagal pa... pero dapat nandun kaming lahat". Sabi naman ni Vincent

"Syempre naman! Kayo ang saksi sa love story naming dalawa eh". Naka-ngiti kong sabi kay Vincent.

"May balak ba kayong magka-anak?". Tanong sa akin ni Alexa.

"Bubuntisin ko si Kith hahahah". Yun na lang ang nasagot ko at natawa na rin sila Vincent at Dennis

Hindi ko alam kung bakit yun ang naisagot ko pero parang tinatamaan na ako ng alak at ngayon lang nangyari sa akin ito kasi medyo nahihilo na din ako at nag-iinit ang buo kong katawan.

Tumugtog naman ang sweet dance sa bar kaya mga couple naman ang nagsasayawan sa gitna at nakita kong kasama ni James yung kalandian niya at may kasama namang lalake si Peter

"Kagura? Can we take this dance?". Seryosong tanong ni Vincent kay Kagura habang inaabot ang kamay niya dito at medyo namumula na si Vincent dahil sa alak.

"Sure we can!". Naka-ngiting sagot ni Kagura at nakita kong masaya si Vincent kaya pumunta na silang dalawa sa gitna para sumayaw.

"Mukhang may nabubuo na panibagong love story". Naka-ngiting sabi ni Dennis at alam ko na ang ibig niyang sabihin.

Bakit ganun? Parang pilit yung ngiti ni Dennis at dire-diretso niyang ininom ang alak niya...

"Haaayyyy... kung nandito lang si Kith". Malungkot kong sabi.

"Gusto mo sayaw din tayo? sabi naman ni Kith mag-enjoy ka daw". Pag-aaya sa akin ni Alexa kaya napatitig ako sa mga mata niya.

Nag-isip ako at wala na talaga ang spark tuwing nakikita ko siya pero kapag tinititigan ko si Kith eh parang fireworks hahahah...

"Baka mag-selos si lalabs ko". Yun na lang ang nasagot ko kay Alexa at yumuko siya. Nakita ko na parang malungkot siya.

"Sige na... please...". Naiiyak niyang sabi sa akin kaya parang naawa ako.

"Pero kasi nahihilo na din ako". Sabi ko at nakita kong ngumiti siya.

"Sige na Raypaul! Sayaw na kayo at wala namang masama dun diba? Past is past. Friendly dance lang naman yun at di naman seloso si Kith". Naka-ngiting sabi sa akin ni Dennis.

"Sige na nga... pero isa lang ah". Yun na lang ang naisagot ko at medyo nahihilo na ako.

"Yehey!!! Thank you so much!". Masayang sabi ni Alexa at para siyang bata sa sinabi niya.

Tumayo na kami at nagsimula ng sumayaw pero nakita naming dalawa na naka-titig sa amin ng masama sila James, Peter, Vincent at Kagura...

"Guys relax lang! Friendly dance to". Naka-ngiting sabi ni Alexa sa kanila

Nagsimula na kaming sumayaw at naghawak na ang mga kamay namin. Hinawakan niya ang kaliwang braso ko kaya hinawakan ko naman ang bewang niya at nag-iinit na naman ang buo kong katawan...

"Hhhmmm... Raypaul thank you ah kasi pinag-bigyan mo ako". Naka-ngiting sabi sa akin ni Alexa.

"Wala yun... nagbago ka naman na". Sagot ko naman sa kanya.

Masaya lang si Alexa na nakatitig sa mga mata ko at napansin kong mas sexy na siya ngayon.

Di ko sinasadiyang mapatingin sa boobs niya. Nakita kong mas lumaki na ang mga ito kesa dati at ang fit pa ng damit niya ngayon kaya ang sexy talaga niyang tingnan kaya mas lalong umiinit ang katawan ko.

"Anong tinitingnan mo? Gusto mo ba ang mga iyan?". Sabi ni Alexa at nginitian niya ako ng nakaka-loko kaya nagulat talaga ako.

Napabitiw ako sa kanya ng biglaan kasi nahihiya na talaga ako at...

Ano ba ang mga iniisip ko?

Di naman ako ganito dati eh! Nakakainis!

"Oh sorry... what's wrong?". Nakangiting tanong ni Alexa.

"Nothing... I'm just typsy". Sagot ko

"But your not drunk?". Tanong uli ni Alexa sa akin at naka-ngiti pa din siya.

"Maybe nahihilo lang ako". Sagot ko

"Gusto mo ihatid na kita pauwi?". Tanong ni Alexa at nag-iba ang tono niya na parang nase-seduce ako.

"Kaya ko pa naman". Sagot ko uli.

"Gusto mo dun na lang uli tayo sa table natin?". Tanong ni Alexa

Tumango na lang ako kasi nahihilo na ako kaya bumalik na kaming dalawa doon sa table namin.

"Uuhhmm... Dennis paki-sabi na lang kila James na uuwi na ako kasi nag-text na si Daddy". Sabi ni Alexa habang naka-titig sa phone niya.

"Sige... ikaw ang bahala". Sagot naman ni Dennis.

Umalis na si Alexa at tinitigan muna niya ako ng nakakalokong tingin.

"Alam mo ang weird ni Alexa kasi di naman siya pinapa-uwi ng Daddy niya kapag may gala tayo". Nagtatakang sabi ni Dennis sa akin.

"Eh diba alam mo kung nag-sisinungaling ang tao?". Tanong ko naman kay Dennis.

"Mahina ang instinct ko kapag nakainom ako kaya di ko alam". Seryosong sabi ni Dennis sa akin.

Sumasakit na ang ulo ko at nag-iinit na ang katawan ko kahit di naman na ako umiinom...

"Dennis... ang sakit na ng ulo ko!". Sabi ko sa kanya habang nakahawak ako sa ulo ko.

"Kaya mo pa ba? Sasamahan na kita umuwi kung gusto mo". Nag-aalalang sabi sa akin ni Dennis.

Tumingin ako sa relo na ibinigay ni Kith at nakita kong 3:45 na ng umaga.

"Kaya ko pa namang umuwi at malapit lang ang apartment ko kaya maglalakad na lang ako". Sabi ko kay Dennis.

"Sige... sasabihin ko na lang sa kanila". Sabi naman ni Dennis.

Naglakad na ako palabas ng bar. Kaya ko pa naman pero nahihilo na rin ako at nag-iinit ang katawan ko na para bang nalilibugan ako ng hindi ko alam ang dahilan.

Nakarating na ako ng maayos sa apartment ko pero bukas ang door knob at binuksan ko ang ilaw pero walang tao dito.

Pumunta ako sa kwarto ko at binuksan ang ilaw pero nagulat ako sa nakita kong tao na naka-upo sa kama ko...

"Kanina pa ako dito...". Sabi ni Alexa at nakasuot siya ng damit na sitru. Naka bra at panty lang ang pang-loob niya kaya lalong nag-init ang katawan ko.

"Bakit nandito ka?". Tanong ko sa kanya at nakataas ang isa kong kilay.

Lumapit siya sa akin at ang sexy ng lakad niya kaya nag-iinit ako...

"Gusto mo ba ako ngayon?". Tanong niya sa mapang-akit na tono.

"Alexa please... ayoko!". Sabi ko sa kanya at napasandal ako sa pader.

"Wala namang makaka-alam". Sagot sa akin ni Alexa kaya parang nadedemonyohan ako.

Pero biglang pumasok ang imahe ni Kith sa utak ko at naalala ko ang sinabi niya na malaki ang tiwala niya sa akin...

Hindi pwede! Nakokonsensya ako...

"Alexa don't do this... ayoko!". Sabi ko kay Alexa at nagpipigil lang ako kahit nalilibugan na ako.

Hinawakan niya ang kwelyo ko at...

"Na-miss mo naman to diba?". Sabi ni Alexa sabay tanggal ng bra niya.

Nakita ko ang malaki niyang mga boobs kaya mas lalo na akong nalibugan at nahihirapan na akong mag-pigil sa kanya...

"Sige na... hawakan mo at tikman mo". Sabi ni Alexa pero di ako kumikilos. Nadedemonyohan na ako at gustong-gusto ko na siyang lantakan ngayon.

Lumuhod siya sa akin at dinakma niya ang alaga ko kaya sobra akong nagulat pero di ako maka-kilos.

Binuksan niya ang zipper ko at binaba ang pantalon ko. Nagpumiglas na ang alaga ko at tigas na tigas na siya.

Sinubo niya ito at nagsimula na akong makaramdam ng sarap kaya hinubad ko na din ang pantaas ko...

Biglang sumagi sa isip ko ang imahe ni Kith na lumuluha kaya parang sinisibat ang dibdib ko sa sobrang konsensiya...

Pero di ko na kayang mag-pigil pa kaya binuhat ko si Alexa at hinagis ko siya sa kama...

Pinasok ko na ang akin sa kanya kaya mas lalo ng tumindi ang pag-iinit ng katawan ko...

"Aaaahhhhh!!! Raypaul sarapan mo pa... bilisan mo!". Sigaw ni Alexa habang umuungol.

Binilisan ko ang pag-tira ko sa kanya at mas lalo kaming nasarapan na dalawa kaya napapikit na lang ako at di ko na rin maisip si Kith sa sobrang sarap na nararamdaman ko kaya pinag-papawisan na kami ni Alexa sa sobrang libog...

Di ko siya mahal but I chose this lust over love pero nagugustuhan ko talaga ang ginagawa naming dalawa...

Hanggang sa dumating na ako sa punto na nilabasan na ako kaya humito na ako sa kanya...

Nailabas ko na lahat ng libog sa katawan ko at pawis na pawis at pagod na pagod na kaming dalawa habang magkayakap sa kama at naghahalikan kami...

Pagkatapos naming maghalikan, matutulog na sana ako dahil sa pagod pero napadaanan ko ng tingin ang bukas na pintuan sa kwarto..

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko kaya nakaramdam ako ng matinding takot at para bang may humagis ng sibat sa dibdib ko dahil sa nakita ko.

Kith POV

Kakatapos ko lang magtrabaho sa casino at may oras pa naman ako kaya pinilit kong pumunta ngayon sa bar kung saan nag-celebrate ang mga kaibigan ko pagkatapos ng graduation

Gusto ko talagang makita si Ray kasi ayokong iwanan siyang mag-isa sa bar kasi kahit may tiwala ako sa kanya eh wala naman akong tiwala sa mga ibang tao doon sa bar.

Pagpasok ko sa bar, sobrang dami ng tao at amoy usok ng sigarilyo pero nakita ko ang table nila Kagura at silang tatlo lang ni Dennis at Vincent ang nandoon kaya lumapit na agad ako sa kanila.

"Kagura? Bakit kayo lang ang nandiyan? Nasaan na yung iba?". Tanong ko sa kanya.

"Nagsasayaw si James at Peter sa gitna pero si Alexa naman pinauwi na ng Daddy niya". Sagot ni Kagura

Tumingin ako sa gitna ng bar at nakita kong lasing na si James at Peter pero si Kagura parang di man lang tinamaan ng alak. Si Vincent at Dennis naman inaantok na.

"Nasaan si Raypaul ko?". Naka-ngiti kong tanong sa kanila.

"Umuwi na! Nahihilo na daw siya". Sagot sa akin ni Vincent.

"Sige bye na! Pupuntahan ko na si Raypaul ko". Sagot ko sa kanila.

"Aalis na din kami mamaya... hintayin mo na lang kami". Sabi ni Dennis at namumula na siya sa alak.

"Baka kailangan ako ni Ray... kaya aalis na ako. Ingat kayo diyan!". Sagot ko at nakatulog na si Dennis sa table

"Sige na! Puntahan mo na yung prince charming mo!". Sigaw sa akin ni Kagura at parang nagtatampo siya.

"Babawi na lang ako next time!". Naka-ngiti kong sabi sa kanya.

Umalis na ako sa bar pero biglang may naramdaman akong kakaiba... Sumikip bigla ang dibdib ko at para bang may nangyayaring hindi maganda kaya binilisan ko ang pagpunta sa apartment ni Ray kasi nag-aalala ako sa kanya at ganito din ang naramdaman ko nung muntik na siyang pagtangkaan nung bading bago mag-sport fest...

Pag-hawak ko sa pinto ay parang nanlalamig ang pakiramdam ko at hindi ko maintindihan kung bakit...

Pagpasok ko sa bahay niya... may narinig akong umuungol kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba...

Nanggagaling ang mga ungol sa kwarto niya kaya pumunta ako doon at naka-awang lang ang pintuan...

"Raypaul!!! Aaaahhhh bilisan mo pa... sarapan mo pa!". Sigaw ng isang babae kaya nanginig ako sa galit.

Binukasan ko ang pintuan at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko! at para bang may bumaril sa dibdib ko sa sobrang pagka-gulat at pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig.

Si Ray.. at si A..le..xa nag..se-sex silang dalawa at mukhang sarap na sarap si Raypaul sa ginagawa nila!

Nanginginig ako sa sobrang galit na nararamdaman ko at isinara ko na ang mga kamao ko dahil gusto ko silang saksakin pareho!

Gusto ko silang patayin!

Pero mukhang napako ang mga paa ko sa sahig at hindi ako makagalaw...

Nakaramdam ako ng sobrang sakit sa dibdib ko at para bang may bumabato ng sibat sa puso ko ng paulit-ulit...

Nag-simula ng tumulo ang mainit na tubig sa mga mata ko at ayoko ng makita ang kababuyang ginagawa nila sa harapan ko!

Pero hindi ako maka-galaw kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko at tinakpan ko ang mga tenga ko pero sobrang sakit!

Ayoko silang marinig!

Ayokong makita ang kababuyan nila!

Sobrang sakit ng nararamdaman ko at para bang napipilas ang pagkatao ko sa sobrang hapdi at nararamdaman kong hindi na ako makahinga pero pinagpatuloy lang nila ang ginagawa nilang kababuyan...

Huminto na ang mga ungol nila kaya ang alam ko tapos na silang dalawa pero ng subukan kong buksan ang mga mata ko, hindi ako masyadong makakita dahil sa sobrang luha ko pero naaninag ko ang paghahalikan nilang dalawa...

Bakit niloko ako ni Ray?

Tumingin sa akin si Ray at nanlaki bigla ang mga mata niya..

Hindi ko alam ang gagawin ko!

Ayokong maramdaman ang ganitong klaseng sakit kagaya ng naramdaman ko nung pinatay ang pamilya ko sa harapan ko mismo.

Dali-daling nagsuot ng pantalon si Ray habang natataranta siya... mukhang hindi niya alam ang gagawin niya at tumakbo siya papunta sa akin...

Ayoko siyang makita!

Parang pinatay na niya ako sa sobrang sakit na ibinigay niya!

Pero mahal na mahal ko siya!

Raypaul POV

Nakita ko si Kith na lumuluha sa sobrang sakit at nanginginig siya kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon...

Nagsuot ako ng pantalon at tumakbo papunta sa kanya pero di ako nakarinig ng kahit na anong sumbat o pananakit mula sa kanya...

"Kith... patawarin mo ako". Sabi ko sa kanya at tumulo bigla ang mga luha sa mga mata ko.

Tumakbo siya palabas habang umiiyak kaya hinabol ko siya...

Napaka-bilis niyang tumakbo pero naabutan ko siya at nahawakan ko ang isa niyang kamay...

Naramdaman ko ang panginginig ng kamay niya at kitang-kita ko ang mga luha niya kaya di ko maiwasang magalit sa sarili ko!

Paano ko to nagawa sa kanya?

Napaka-sama kong tao!

"Patawarin mo ako... mahal kita!". Sabi ko sa kanya at basag na ang boses ko habang umiiyak...

Pero di siya sumasagot at patuloy lang ang pag-iyak niya kaya nadudurog lalo ang puso ko dahil nakikita ko siya na nasasaktan at ngayon lang siya umiyak sa harapan ko...

"Please... saktan mo ako! Bugbugin mo ako! Ibalik mo sa akin ang sakit na ibinigay ko sayo!". Umiiyak kong sabi sa kanya dahil sa nararamdaman ko.

Nagulat ako sa sunod na ginawa niya.

Niyakap niya ako bigla habang umiiyak siya at nanginginig, kaya nakaramdam ako ng mga karayom na tumutusok sa puso ko dahil sa sobrang konsensya sa ginawa ko!

"Mahal na mahal kita... kaya sobrang sakit sa akin ng ginawa mo". Umiiyak na sabi sa akin ni Kith habang humihikbi at naka-subsob ang mukha niya sa dibdib ko...

"Kith please... sumbatan mo ako! Saktan mo ako ngayon! Iparamdam mo sa akin ang sakit na ginawa ko sayo kasi gusto kong maibsan ang nararamdaman mo!". Sabi ko habang patuloy na umiiyak...

Mas lalong humigpit ang mga yakap niya at lumakas ang pag-iyak niya...

"Hindi kita kayang saktan! Kasi mahal na mahal kita!". Sigaw ni Kith habang lumuluha ang mga mata niya...

"Mahal na mahal din kita... patawarin mo ako sa ginawa ko". Mahina kong sabi kay Kith sa sobrang sakit...

"Kasalanan ko toh! Di kita binantayan at di ko kayang ibigay sayo yung ginawa nyo kanina! Kasalanan ko! Kasalanan ko ang lahat!". Sigaw ni Kith habang sinusuntok ang dibdib niya sa sobrang galit...

"Wag mong sisihin ang sarili mo! Ako ang nanakit sayo! At kasalanan ko kaya umiiyak ka ngayon". Sagot ko sa kanya at basag na ang boses ko...

Imbis na saktan niya ako, niyakap niya ako ng mahigpit...

Imbis na murahin niya ako, sinabi niya na mahal na mahal niya ako...

Imbis na gumanti siya, sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari...

Paano ko nagawang saktan ang tao na kasing buti niya?

"Hayaan mo muna akong mag-isa". Sabi ni Kith at binitiwan ko na siya kaya tumakbo siya palayo habang umiiyak...

Kasalanan ko kung bakit umiiyak ang taong mahal ko! Niloko ko siya!!!

Mas masakit pala na hindi ka makaramdam ng galit mula sa kanya at kahit konting panunumbat hindi niya ginawa... kaya mas lalong nadudurog ang puso ko dahil napaka-sama kong tao!

Ang kaisa-isang tao na nagpahalaga sa akin ay sinaktan ko ng sobra-sobra...

Namumuo na ang mga luha sa mga mata ko habang tinitingnan ko si Kith na tumatakbo palayo sa akin...

Napaka-walang hiya kong tao! Puro kabutihan ang pinakita niya sa akin tapos pina-iyak ko lang siya dahil sa kataran-taduhan na ginawa ko!

"Bakit umiiyak kayong dalawa?". Sabi ng isang boses sa likod ko...

Paglingon ko ay nakita ko ang mga kaibigan ko na nagtataka sa nangyari.

Lumapit sa akin si Dennis at mukhang nag-aalala na siya...

"Anong nangyari sa inyo?". Tanong sa akin ni Dennis pero di ako maka-sagot sa sobrang sakit na nararamdaman ko

"Magsalita ka! Anong ginawa mo kay Kith!". Sigaw ni Kagura at halos lumabas na ang mga ugat sa leeg niya.

"Nasaktan ko siya...". Mahina kong sagot habang humihikbi at kinakapos ng hininga...

"Ano ang ibig mong sabihin? Alam ko na hindi mo kayang saktan si Kith". Naguguluhang tanong ni James...

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang lahat sa kanila at umiiyak lang ako dahil sa nararamdaman ko ngayon...

"May nangyari sa amin ni Alexa". Sabi ko habang naka-yuko at tumutulo lang ang mga luha ko...

Nagulat ako at bigla akong sinapak ni Peter sa mukha na sobrang lakas kaya napa-tumba ako sa sahig at alam kong pumutok ang labi ko dahil sa lakas ng pakaka-sapak niya...

"Gago ka! Akala ko di mo kayang saktan si Kith! Pinag-katiwala ko siya sayo tapos gagaguhin mo rin lang pala kaming lahat!". Sigaw sa akin ni Peter at nakakatakot ang boses niya...

"Oo gago ako! Pero mahal na mahal ko siya at pinag-sisihan ko lahat!". Sabi ko sa kanya habang naka-luhod pa rin sa kalsada...

"Ayusin mo ito! Napaka-sama mo". Bulong sa akin ni James habang tinutulungan akong tumayo sa kalsada kasama si Dennis...

Kith POV

Tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa condo habang lumuluha ang mga mata ko at minsan nadadapa ako dahil nawawalan ako ng balanse kaya puro sugat ang mga tuhod ko pero bumabangon ako hanggang sa makarating ako sa condo

Hindi ko sinara ang pintuan at gusto kong ibuhos lahat ng galit at sama ng loob na nararamdaman ko!

Sinira ko lahat ng gamit na makita ko! Dahil gusto kong makita ang mga bagay na basag kagaya ng puso at pagkatao ko!

Kinuha ko ang flower vase na may lamang mga puting rosas at ibinato ko yun sa TV kaya pareho yung nabasag...

Umiiyak ako at nasasaktan pero mahal na mahal ko si Ray!

Ano ang gagawin ko?

Kinuha ko ang gitara at pinag-hahampas ko iyon sa piano hanggang sa madurog ito pero hindi pa rin maibsan ang galit ko sa nangyari at galit ko sa sarili ko...

Nakita ko na puro bubog at mga sirang gamit ang nasa condo ko na walang pinag-kaiba sa pagkatao kong sinira at sinaktan ng mga tao...

Humarap ako sa salamin at nakita ko ang repleksyon ng isang lalaking UMIIYAK!!!, KAAWA-AWA!!!, NILOKO!!!, SINASAKTAN!!!, GINAGO!!! at higit sa lahat...

PINA-ASA AT PINAG-MUKHANG TANGA!!!

Sinuntok ko ang salamin dahil ayokong makita ang sarili ko dahilan para mabasag ito at dumugo ang kamao ko...

Nagkalat ang malalaking piraso ng mga bubog sa sahig at basa ito dahil sa magkahalong dugo at mga luha ko...

Ayoko ng masaktan!

Gusto ko ng tapusin ang sakit na nararamdaman ko!

Sawa na akong mabuhay!

Wala ng halaga ang pagmamahal ko kay Raypaul...

Pinulot ko ang piraso ng malaking bubog at itinapat ko ang talim nito sa aking pulso...

Diniin ko ang bubog at handa na akong laslasin ang pulso ko upang matapos na ang paghihirap ko...

Biglang may humatak sa kamay ko dahilan para mabitawan ko ang malaking bubog at nalaglag ito kaya nabasag ito at naging maliliit na bubog...

"Wag mong gawin yan! Gusto mo bang masaktan din kaming mga kaibigan mo?". Galit na sabi niya.

Nakita ko si Peter sa giliran ko at lumuluha din siya. Halatang apektado silang lahat sa nangyari sa amin...

Niyakap niya ako at sinubsob niya ang mukha ko sa kanyang dibdib kaya di ko mapigilang umiyak ng malakas na parang bata...

"Sorry... ayoko ng mabuhay". Mahina kong sabi sa kanya habang kinakapos ng hiniga dahil sa pag-iyak...

"Nandito lang kaming mga kaibigan mo! Hindi ka namin papabayaan kaya tutulungan ka naming maibsan ang sakit na nararamdaman mo". Sabi sa akin ni Peter habang humihigpit ang pagkakayakap niya...

"Mahal na mahal ko siya...". Sabi ko sa kanya at patuloy akong umiiyak sa dibdib niya...

Hinawakan niya ang mga pisngi ko at hinarap sa mukha niya pero di ko siya maaninag dahil namamaga na ang mga mata ko sa kaka-iyak...

"Magiging maayos din ang lahat... kung talagang mahal mo siya, ipagpapatuloy mo ang buhay mo para na din sa aming mga kaibigan mo". Nag-aalalang sabi ni Peter sa akin...

May halaga pa ba ako kay Raypaul?

Paano ko pa maayos ang sarili ko?

Biglang sumikip ang dibdib ko at hindi ako maka-hinga kaya dumilim lahat ng nasa paligid ko at nawalan ako ng malay.

Post a Comment

You need to login into your Google account to post a comment.
We will remove spams and duplicate comments.

[blogger][facebook][disqus]

Mencircle

{facebook#https://www.facebook.com/mencircle} {twitter#https://twitter.com/mencircleph} {google-plus#https://plus.google.com/+Mencircle} {youtube#https://youtube.com/mencircle} {instagram#https://instagram.com/mencircle}

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget