You Light My Fire (Part 14B)

You Light My Fire

By: Lord Iris

Kith POV

Naalimpungatan ako ng may marinig akong pumindot ng doorbell at pagtingin ko sa orasan ay 11:00 na pala ng umaga.

Bumangon ako at nagsuklay muna ng mabilis at pumunta na ako sa pintuan para buksan ito.

Nabigla ako ng buksan ko ang pintuan dahil sa nakita ko.

Nandito ngayon ang parents ni Raypaul kaya kinakabahan ako.

“Hi po! Pasok po kayo.” Sabi ko sa kanila at umupo na sila sa sofa.

“Ano po ang gusto niyong kainin? Magluluto po ako.” Tanong ko sa kanilang dalawa.

“Wag na lang. Di kami magtatagal dito.” Pagtanggi ni Dad

“Gusto niyo po ng maiinom?” Tanong ko ulit sa kanila.

“May gusto lang kaming sabihin at aalis na kami kaagad kaya wag ka nang mag-abala.” Sabi naman ni Mom

“Ano po ang dahilan kaya pumunta po kayo dito?” Magalang kong tanong sa kanila

“Ang anak kasi namin.” Nag-aalangang sabi ni Mom

“Bakit po? May nangyari po ba?” Kinakabahan kong tanong

“Alam namin ang nangyari at alam na din namin ang katarantaduhang ginawa ng anak namin.” Seryosong sabi ni Dad kaya napatahimik ako.

“We're here to apologize for what happened.” Sabi naman ni Mom

“Wala po kayong kasalanan sa nangyari at hindi niyo po kailangang gawin yan.” Malungkot kong sabi sa kanilang dalawa.

“Pero kasi. Nakakahiya sayo! Niloko ka ng anak namin!” Malakas na sabi ni Dad.

“At meron sana kaming gustong ipaki-usap sayo.” Sabi ni Mom

“Ano po yun?” Tanong ko

“Si Raypaul kasi.” Nag-aalangan na naman na sabi ni Mom

“Deretsiyuhin mo na kasi!” Malakas na sabi ni Dad kay Mom

“Si Raypaul kasi. Depress na siya at palaging umuuwi ng lasing kaya nag-aalala na kaming lahat.” Malungkot na sabi ni Mom.

Kasalanan ko ba ang nangyayari ngayon kay Raypaul? Bakit niya ginagawa ang mga bagay na ito?

“Po? Bakit po siya nagkaka-ganun?” Nag-aalala kong tanong sa kanila

“Sinisisi niya ang sarili niya kung bakit nasira ang relasyon niyo.” Sabi naman ni Dad.

“At wala na siyang ganang mabuhay dahil sa ginawa niya sayo.” Seryosong sabi ni Mom sa akin.

“Ano po ang gagawin ko? Ayokong nagkaka-ganun siya pero nahihirapan po ako sa nangyayari.” Malungkot kong sabi sa kanila.

“Anak na ang turing namin sa iyo kaya nag-aalala din kami para sa iyo ngayon.” Sabi ni Mom

“Mahal mo talaga ang anak namin at mahal ka din niya kaya di ko maintindihan ang dahilan ng panloloko niya.” Sabi ni Dad

Di ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila na nilagyan ni Alexa ng drugs yung iniinom ni Raypaul kaya nangyari yun.

Pero kailangan kong sabihin ang totoo dahil nakokonsensya ako.

Napalunok muna ako at huminga ng malalim bago ako nagsalita.

“Nilagyan po ni Alexa ng drugs yung iniinom ni Raypaul at inakit niya.” Seryoso kong sabi sa kanila.

“Kung ganun! Kasalanan na naman nung babaeng yun ang lahat!” Galit na sabi ni Dad.

Hinawakan ni Mom ang kamay ko at.

“Paki-usap Kith. Ayusin niyo na itong dalawa dahil nahihirapan na ang anak namin.” Sabi ni Mom sa akin.

“Alam kong mahirap para sayo pero please lang. Wag niyo ng palipasin lahat ng bagay na ito.” Sabi ni Dad

“Patawarin mo na siya as soon as possible.” Seryosong sabi ni Mom

“Kung ganun. Kakausapin ko na po siya mamayang gabi.” Sagot ko

“Talaga? Maraming salamat!” Naiiyak na sabi ni Mom sa akin.

“Kung ganun. Di na kami mag-tatagal dahil may importante pa kaming aasikasuhin.” Sabi ni Dad

Hinatid ko na sila palabas dahil nagmamadali na silang dalawa.

“Paalam na anak. Mag-iingat ka palagi at sana mahalin mo ulit si Raypaul.” Sabi ni Mama habang hawak ang dalawa kong kamay.

“Di po nawala ang pagmamahal ko sa kanya kahit nasasaktan ako.” Malungkot kong sabi sa kanya

“Sana maayos niyo ang lahat.” Sabi ni Dad sa akin.

Niyakap ko na silang dalawa at nagpasalamat. Pagkatapos ng usapan namin ay umalis na kaagad silang dalawa.

Pagpasok ko sa condo ay kinuha ko na ang phone ko para maka-usap ko si Raypaul at pag-contact ko sa kanya ay mabilis naman niyang sinagot ito.

“Kith! Mahal na mahal kita. Patawarin mo ako.” Sabi ni Ray na basag ang boses kaya alam kong umiiyak na siya kahit magka-usap lang kami sa phone.

“Huminahon ka muna at pakinggan mo ako ngayon.” Seryoso kong sabi sa kanya.

Tumahimik naman siya pero naririnig kong humihikbi siya.

“Mamayang gabi. Mag-usap tayong dalawa doon sa cafe kung saan ako nagtrabaho dati.” Sabi ko sa kanya

“Pupunta ako! Gustong-gusto na kitang makita at gustong-gusto na kitang maka-usap.” Umiiyak niyang sabi sa kabilang linya.

“Bye na. Mamayang gabi na lang uli tayo magkita.” Sabi ko sa kanya.

“Mahal na mahal kita at lagi mong tatandaan yan.” Sabi ni Ray at ibinaba ko na ang phone ko.

Gusto ko rin sabihin sa kanya na mahal na mahal ko rin siya pero hindi ko magawang sabihin.

Di ko namalayang tumutulo na pala ang mainit na tubig sa mga mata ko.

Handa na ba akong patawarin siya?

Maibabalik ko pa kaya ang lahat?

Magiging masaya ba ulit kami?

Lagi na lang may mga tanong na gumugulo sa isipan ko pero paano ko mahahanap ang mga sagot kung hindi ko susubukang gawin kahit na nasasaktan ako ngayon.

Raypaul POV

Halos tumalon ako sa tuwa ng tawagan ako ni Kith pero binaba niya lang din kaagad.

Lagi akong naglalasing dahil gusto kong maibsan ang sobrang sakit na ginawa ko sa kanya at masakit din ang lahat para sa akin.

Makasalanan ako at hindi ko alam kung karapat-dapat pa ba ako sa pagmamahal sa akin ni Kith pero kahit anong mangyari ay siya lang ang mahal at mamahalin ko.

Maaayos pa ba namin ang lahat ng ito o tatapusin na ni Kith ng tuluyan ang relasyon naming dalawa?

Hindi pwede! Hindi ko kaya kapag tuluyan na niya akong hiniwalayan dahil mamamatay ako! Hindi ko kayang mawala siya sa akin at mahal na mahal ko siya kahit na Gago ako.

Pero kailangan ko siyang kausapin at hinding-hindi ako magsasawang humingi sa kanya ng tawad.

Kapag pinatawad na niya ako ay medyo luluwag ang pakiramdam ko at pwede ko ng gawin ang balak ko.

Kapag nabuo pa ang relasyon namin ay gagawin ko ang lahat para mabalik ang tiwala niya at lagi ko siyang papasayahin araw-araw.

Pero kapag hiniwalayan na niya ako ay hindi na niya ako muling makikita sa mundong ito pero palagi ko siyang babantayan mula sa malayong lugar na hindi kayang puntahan ng mga nabubuhay na tao.

Mahal na mahal ko ang taong sinaktan at niloko ko pero kasalanan ko ang lahat at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan ng dahil sa akin.

Kith POV

Naghanda na akong makita si Ray mamaya at nabalitaan ito ng mga kaibigan ko kaya gusto daw nilang tumulong na maayos kami ni Ray lalo na si Kagura.

Kinakabahan ako sa mga pwede kong masabi dahil puno pa din ng hin-nanakit ang puso ko pero mahal ko si Ray at ayokong makita na nadudurog ang damdamin niya.

Pagpasok ko sa loob ng cafe ay nakita ko na ang mga kaibigan ko pati si Raypaul kaya umupo ako sa may table nila pero magkaharap lang kami ni Ray ngayon imbis na magkatabi.

Kitang-kita ko na mas depress pa si Ray kesa sa akin dahil namumula at namamaga na ang mga mata niya sa kakaiyak at nakita ko din na nanginginig ang kamay niya na nakapatong sa lamesa pero ngumiti siya nung nakita niya ako.

“Kanina pa kita iniintay.” Naka-ngiting sabi ni Ray sa akin pero nararamdaman kong malungkot siya.

“Kailangan niyong mag-usap ng maayos at makikinig lang kami.” Seryosong sabi ni Vincent.

“Kailangan namin kayong gabayan sa mga magiging desisyon niyo.” Sabi naman ni Dennis.

“Gusto ko sanang makinig ka sa akin Raypaul.” Sersyoso kong sabi sa kanya

Tumango siya sa akin at malungkot siya dahil nakikita ko sa mga mata niya ang kalungkutan.

Huminga muna ako ng malalim bago ko subukang magsalita.

“Pinapatawad na kita sa ginawa mo.” Sabi ko kay Ray.

“Talaga? Maraming salamat!” Naka-ngiting sabi ni Ray at nakikita kong maiiyak na naman siya.

“Grabe! Ang bilis mo siyang pinatawad.” Sabi ni Kagura na parang galit at di sumasang-ayon.

“Pwede bang hayaan mo kaming mag-usap na dalawa.” Seryoso kong sabi kay Kagura kaya tumahimik na siya.

“Napaka-saya ko dahil sa sinabi mo.” Sabi naman ni Ray sa akin.

“Alam ko na nilagyan ni Alexa ng drugs yung alak mo kaya ganun ang naging epekto nun sayo.” Sabi ko kaya nabigla silang lahat.

“Kung ganun kasalanan pala talaga ni Alexa ang lahat!” Naiinis na sabi ni James sa amin.

“Oo pero. Masakit pa din sa akin ang lahat dahil nakita mismo ng dalawang mata ko ang kababuyan niyo.” Seryoso kong sabi kay Raypaul

“Pinigilan ko ang sarili ko pero hindi ko kinaya kaya sorry. Parang-awa mo na.” Sabi ni Ray at tumulo ang luha sa mga mata niya.

“Alam ko naman kaso. Harap-harapan na nangyari yun sa akin kaya di yun maalis sa isip ko.” Sagot ko

“Patawarin mo ako. Naging mahina ako at sinaktan kita ng sobra.” Sabi ni Ray at basag na ang boses niya.

Nadadarang ako dahil nakikita ko ngayon na nagdudusa rin siya pero paano naman ako? Sobra din akong nasasaktan sa nangyayari.

“Pinapatawad na kita. At sana makalimutan na natin yung nangyari kahit alam kong mahirap.” Sabi ko at pinipigilan ko na ang pagluha.

“Maraming salamat.” Umiiyak na sabi sa akin ni Raypaul.

“Ayusin mo ang sarili mo dahil ayokong umiiyak ka.” Sabi ko sa kanya.

“Ayoko din na nakikita kang umiiyak at nasasaktan.” Sabi naman ni Ray.

“Magiging matatag ako at hindi na ako iiyak sa harapan mo.” Seryoso kong sabi sa kanya.

“Maaayos pa ba ang relasyon natin?” Naluluhang tanong sa akin ni Ray.

“Kung talagang tayo ay gagawa ng paraan ang tadhana para mag-katuluyan pa rin tayo.” Sabi ko

“Iiwan mo na ba ako?” Tanong ni Ray at lalong lumalakas ang pag-iyak niya.

“Gusto ko lang ng oras para makalimutan ko ang lahat at matutunan kong mahalin ka ulit ng buong-buo.” Naluluha kong sabi sa kanya pero pinipigilan ko.

“Alam kong hindi na ako karapat-dapat para sa pagmamahal mo.” Sabi sa akin ni Ray at umiiyak na talaga siya kaya naawa na ako sa kanya.

“Bigyan mo lang ako ng konting panahon para makalimot.” Sabi ko sa kanya.

“Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita.” Sabi ni Ray at kitang-kita ko ang bawat patak ng luha niya.

“Mahal na mahal din kita.” Sabi ko sa kanya at naramdaman ko na ang pagpatak ng mga luha ko.

“Lagi mong iingatan ang sarili mo.” Sabi ko sa kanya at hindi ko na mapigilan ang pag-iyak kaya tinakpan ko ang mukha ko.

“Lagi kitang babantayan. Dito na ba magtatapos ang lahat sa atin?” Sabi sa akin ni Raypaul.

“Ayokong isuko ang lahat! Gusto ko lang makalimot hanggang sa maging masaya tayo ulit.” Sabi ko sa kanya at tumayo na ako dahil ayokong nakikita ang pag-iyak niya dahil nsasaktan ako

“Miss na miss na kita. Please give me another chance.” Sabi ni Ray

“I will! But please give me some space.” Sabi ko sa kanya.

“Ikaw ang buhay ko.” Sabi ni Ray kaya mas lalo na akong naaawa sa kanya.

“I Love you.” Sabi ko sa kanya habang patuloy ang pagluha ko.

“Gusto kitang halikan.” Sabi sa akin ni Raypaul.

“Gusto kitang yakapin.” Sabi ko naman sa kanya.

Pero di namin tinuloy ang gusto naming gawin dahil nakatitig lang kami sa isa't-isa habang pinag-mamasdan ang pagluha namin.

“Kailangan ko ng umalis.” Sabi ko sa kanilang lahat.

“Saan ka pupunta ngayon?” Nag-aalalang tanong ni Peter sa akin.

“Gusto ko lang huminga.” Sabi ko sa kanila dahil naninikip na ang dibdib ko sa sobrang sakit.

Umalis na ako pero nakita at narinig ko ang paghagulgol ni Ray kaya niyakap siya ni James at Dennis pero umalis na ako dahil sobra akong naawa sa kanya at ayokong umiiyak siya ng ganun.

Gusto ko siyang yakapin.

Gusto ko rin siyang halikan.

Miss na miss ko na siya.

Gusto ko siyang makasama.

Gusto kong pagaanin ang nararamdaman niya ngayon.

Pero paano ko gagawin ang lahat ng iyon kung hindi ko naman mabuo ang nabasag kong damdamin at patuloy pa rin ang sakit na nararamdaman ko.

Raypaul POV

Pinatawad nga ako ni Kith pero di na siya handang mahalin ako ulit. Masakit talaga kasi kasalanan ko pero naiintindihan ko dahil hindi na niya ako karapat-dapat pang mahalin because I made him cry.

Di ko masisi si Alexa sa nangyari dahil kasalanan ko talaga ang lahat pero masaya ako na napatawad ako ni Kith kahit papaano. Kaya ginagawa ko na itong huling sulat ko para sa kanya dahil pagkatapos nito ay pwede ko ng ituloy ang desisyon kong magpaalam.

Bawat letra, bawat kataga at bawat salitang isinusulat ko para sa kanya ay punong-puno ng pagmamahal at pagsisisi dahil sa ginawa ko sa kanyang kasalanan pero mabuti na rin siguro na hindi na niya ako kayang mahalin ulit kagaya ng dati dahil masyado ko ng sinira ang tiwala niya at kahit hindi niya sabihin ay alam kong nandidiri na siya sa akin kaya mas lalo akong nadudurog tuwing naiisip ko iyon.

I really love him but I'm worthless kaya alam kong hindi na niya dapat akong mahalin dahil alam kong kahit na ano ang gawin ko ay hindi na mababago ang katotohanan na niloko at pinaasa ko siyang kahit kelan ay hindi ko siya sasaktan.

Nangako ako na poprotektahan ko siya.

Nangako ako na hindi ko siya lolokohin.

Nangako ako na papasayahin ko siya araw-araw.

Nangako ako na hinding-hindi ko siya sasaktan.

At higit sa lahat nangako akong mamahalin siya ng buong-buo.

Pero ako pa ang unang taong nanakit sa kanya.

Ako pa ang nagpaluha sa kanya.

Ako ang dumurog sa damdamin niya.

At ako ang naging dahilan kung bakit di na niya magawang ngumiti at maging masaya ngayon.

Pag naibigay ko na itong sulat sa kanya ay sana mahanap na niya ang taong mamahalin siya ng sobra-sobra at hindi niya gagawin ang panlolokong ginawa ko kay Kith.

Lagi kong sinisisi ang sarili ko dahil kasalanan ko ang lahat kaya hindi ko na deserve ang pagmamahal niya at hindi ko na rin deserve magpatuloy pang mabuhay.

Kith POV

May pumindot ng doorbell kaya nagising ako pero pagtingin ko ng orasan ay 6:00 na pala ng hapon. Natutulog kasi ako tuwing tanghali kasi tinatamad na ako sa buhay ko at wala na akong inspirasyon para pumasok sa trabaho.

Mabilis kong binuksan ang pinto kaya nagulat ako kung sino ang nasa labas nito pero nakita kong nagulat din siya at mukhang di niya inaasahang makita ako ngayon.

“Bakit? Anong dahilan at nandito ka ngayon?” Mahinahon kong tanong sa kanya pero di na siya sumagot.

Nakatulala lang siya at mukhang di alam ni Ray ang sasabihin niya sa akin pero napansin kong may hawak siyang card na kagaya nung binigay niya sa akin nung 14th monthsary naming dalawa.

“Para sa akin ba iyan?” Seryoso kong tanong sa kanya.

“Uuhhmmm. Ano kasi.” Nauutal na pagkakasabi sa akin ni Ray.

“Ibigay mo na lang sa akin at babasahin ko yan.” Sabi ko sa kanya pero tinatago niya sa likod niya.

“Wag mo munang basahin mamaya na lang.” Malungkot niyang sabi sa akin at mukhang malaki ang dahilan niya.

“Ibigay mo na. At dito ka lang habang binabasa ko yan.” Sabi ko kay Ray pero ayaw pa din niyang ibigay.

Pinilit kong kunin yung card pero matangkad siya kaya hindi ko maabot pero nabitawan niya yung card kaya hinablot ko kaagad.

Nanlaki yung mga mata niya ng mahawakan ko yung card at bigla siyang tumakbo palayo habang umiiyak. Ano kayang nasa loob ng card na ito?

Binuksan ko ang card at nagsimula na akong basahin ito pero di ko inaasahang mahaba pala ang mga naka-sulat dito kaya na touch ako.

Dear lalabs ko:

 

Unang beses pa lang kitang nakita sa hallway ng school last 2 years ay akala ko talaga anghel ka pero nung nakilala kita, napatunayan kong hindi lang ang hitsura mo ang mala-anghel kundi pati ang puso mo. Nung niloko ako ni Alexa at muntik na akong mag-pasagasa ay nandiyan ka para pagaanin ang nararamdaman ko at never mo akong iniwan kaya doon nagsimula ang pagtingin ko sa iyo na hindi ko inaasahang mamahalin kita ng higit pa sa pagmamahal na kaya kong ibigay sa sarili ko. Nung araw na pinagtapat ko sa iyo ang pagmamahal ko at ang nakaraan ko ay akala ko lalayuan mo ako pero hindi nagbago ang pagtingin mo sa akin at naging mag-bestfriend pa tayong dalawa. Maraming beses kitang niligawan at hindi ako sumuko dahil alam kong mahal na talaga kita. Pina-kilala kita sa mga magulang ko at hindi ka natakot ipagtapat na mahal mo din ako kaya sobra akong humanga sayo.

 

Hindi ko inakalang mamahalin mo din ako ng sobra-sobra kagaya ng pagmamahal ko sayo at maraming salamat dahil sayo nag-karoon ako ng panibagong pag-asa, binigyan mo ako ng kakayahang maging mabuting tao at higit sa lahat ay inalis mo lahat ng takot sa puso ko. Naging sobrang masaya ako sa tuwing kasama kita at lagi kong nararamdaman na kumpleto ang pag-katao ko sa tuwing mag-kasama tayong dalawa at pakiramdam ko nasa langit ako sa tuwing kapiling ka. Minahal mo ako kahit na isip bata ako, kahit na sobrang seloso ko, kahit na possessive ako at kahit na malibog ako. Lagi mo akong pinag-papasensyahan at lagi mong iniintindi ang mga kapilyuhan ko. Lagi mo din akong inaalagaan at lagi kang nandiyan para protektahan ako sa mga taong may balak sa akin.

 

Sobrang tumagal ang relasyon natin at akala ko ay lagi lang tayong magiging masaya pero niloko lang kita at hindi ko nagawang kalabanin ang sarili ko kaya nasaktan kita ng harap-harapan. Sobrang sinisisi ko ang sarili ko dahil alam kong kasalanan ko ang lahat ng dahilan kaya nangyayari ngayon ito sa ating dalawa. Nangako ako na mamahalin lang kita, Nangako ako na poprotektahan kita, Nangako akong hindi kita papaluhain at higit sa lahat ay Nangako akong hindi kita sasaktan kahit kelan pero di ko inaasahang ako pa pala ang mananakit sayo, di kita nagawang protektahan dahil hindi ko nagawang kalabanin ang sarili ko, di ko inaasahan na sa relasyon nating dalawa ay ako pa pala ang sisira ng lahat ng magandang pinagsamahan natin. Pero isa lang ang alam ko ngayon. MAHAL NA MAHAL KITA.

 

Napatawad mo ako pero di kita masisisi kung hindi mo na kayang ibalik ang tiwala mo sa akin at ang pagmamahal mo dahil hindi ako ang taong karapat-dapat para sa mga bagay na iyon. Salamat sa wagas mong pag-ibig dahil ikaw ang nagturo ng direksyon sa buhay ko kaya sobrang nadurog ang puso ko dahil alam kong kasalanan ko kung bakit nabasag ang damdamin mo pero lagi mong tatandaan ang lahat ng ito kahit na anong mangayari. Sana mahanap mo ang taong magpapahalaga sayo at hindi ka lolokohin kagaya ng ginawa ko dahil humanda siya sa akin. Gusto kong makita ka na palaging masaya at palaging naka-ngiti. Pupunta ako sa isang malayong lugar na hindi kayang puntahan ng mga tao pero mula doon ay lagi kitang babantayan. Lagi mong tatandaan na ikaw lang ang mahal ng isang tao na nag-ngangalang Raypaul Velasco at lagi lang akong nasa tabi mo. I LOVE YOU SO MUCH.

 

Kith Castillo you are always my angel but starting now, I will be your guardian angel. Salamat sa lahat-lahat lalabs.

 

YOU LIGHT MY FIRE

 

Nagmamahal,

Raypaul Velasco

Di ko napigilan ang pagbuhos ng luha ko pagkatapos kong basahin ang lahat ng nakasulat sa letter na ito at nakaramdam ako ng takot na baka maging totoo na iiwan niya ako.

Tumakbo na ako upang habulin at hanapin siya pero di niya na sinasagot ang mga tawag ko.

Naalala ko ang mga bagay na mas lalong nag-patindi ng takot ko.

“Bantayan mo ang pinsan ko kasi suicidal yan.”

“Ikaw lang ang buhay ko.”

“Lagi kitang babantayan dahil lagi lang akong nasa tabi mo.”

“Starting now. I will be your guardian angel.”

“Wag mo akong iiwan ha? Kasi mamamatay talaga ako.”

Nang maalala ko ang mga salitang yun ay lalo akong natakot kaya mas binilisan ko ang pagtakbo habang umiiyak upang mahanap ko ang lalaking mahal ko.

Naalala ko dati na muntik na siyang magpakamatay nung naghiwalay sila dati ni Alexa kaya kung wala ako nun ay baka kung ano na ang nangyari kay Ray pero natatakot ako na baka ulitin niya yun at wala ako sa tabi niya.

Di niya ba naisip na sa gagawin niya ay mas lalo akong masasaktan at hindi ko kakayaning mawala siya.

Nakita ko si Raypaul na nakatayo sa gitna ng kalsada kaya sumigaw ako.

“Raypaul! Umalis ka diyan! Mahal na mahal kita! Wag mong gawin sa akin ito!” Sigaw ko habang tumatakbo.

Lumingon siya sa akin at ngumiti habang tumutulo ang luha sa mga mata niya pero di pa rin siya nakikinig sa mga sinasabi ko.

May paparating na malaking track papunta sa kanya at hindi bumabagal ang takbo nito.

Tumakbo ako para iligtas si Raypaul dahil ayokong mawala siya.

Nagawa ko siyang itulak palayo sa track kaya ako ang nasa bingit ng kamatayan pero masaya ako habang lumuluha.

Pero huli na ang lahat.

Kitang-kita ko na nahagip pa din siya ng track pero alam kong mas may pag-asa siyang mabuhay kesa sa akin dahil ako ang direktang tinamaan ng malaking sasakyan at pagkatapos nun ay biglang dumilim ang lahat.

Post a Comment

You need to login into your Google account to post a comment.
We will remove spams and duplicate comments.

[blogger][facebook][disqus]

Mencircle

{facebook#https://www.facebook.com/mencircle} {twitter#https://twitter.com/mencircleph} {google-plus#https://plus.google.com/+Mencircle} {youtube#https://youtube.com/mencircle} {instagram#https://instagram.com/mencircle}

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget