$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

You Light My Fire (Part 17B)

By: Lord Iris Raypaul POV Engagement party na namin ngayon ni Alexa kaya invited ang mga relatives at close friends naming dalawa at p...

You Light My Fire

By: Lord Iris

Raypaul POV

Engagement party na namin ngayon ni Alexa kaya invited ang mga relatives at close friends naming dalawa at puro congratulations ang natatanggap naming dalawa.

"Insan! Congrats! Ikakasal ka na!" Masayang sabi ng isang boses.

Lumingon ako para makita ko kung sino yun at napangiti na lang ako sa harap ng pinsan ko.

"Thanks Luther!" Bati ko.

Si Luther ang isa pa naming pinsan ni James at close din naman namin siya kaso mas bata siya at sa ibang school siya nag-aaral.

"Insan! Nandito na sila." Matamlay na sabi ni James.

Tumingin ako malapit sa entrance at nakita ko sila Peter, Rogue, Vincent, Dennis, Kagura at Kith.

Bakit kasama si Rogue eh hindi naman niya ako close?

Tinitigan ko na lang si Rogue.

Mukhang alam niya ang ibig kong sabihin at lumapit siya sa akin.

"I'm here for Kith." Maangas niyang sabi sa akin.

Hindi na lang ako sumagot para wala ng gulo.

Parang seryoso ang mga mukha nila.

Tumingin ako kay Kith pero umiwas siya ng tingin sa akin.

"Kith. Thanks at naka-punta ka." Sabi ko sa kanya.

"Alam mo naman na tutuparin ko lahat ng gusto mo." Seryosong sabi ni Kith pero nakayuko lang siya.

"Uy insan! Tropa mo ba sila? Pakilala mo naman ako." Pag-singit ni Luther.

"Syempre naman!" Sagot ko sa kanya.

"Ehem! Guys. Siya si Luther, cousin namin ni James." Nakangiti kong sabi.

"Luther ito si Vincent, Dennis, Kagura, Rogue, Peter and Kith." Nakangiti namang pagpapakilala ni James kay Luther.

Nag-hi naman yung mga kaibigan ko sa kanya at parang napako ang tingin ni Luther kay Kith.

Lumapit si Luther kay Kith at.

"Uuuhhhmmm. Kith right? You absolutely look like an angel." Sabi ni Luther na parang wala sa sarili.

"Thanks for that." Sagot ni Kith na parang walang emosyon.

Biglang hinatak ni James si Luther at biglang may binulong si James.

"Luther. Siya yung sinasabi ko sayo na mahal na mahal si Raypaul!" Bulong ni James.

Hindi ko narinig yun.

Bigla na lang tumawa si Luther at.

"Don't worry. Na-amaze lang ako. I already found the angel of my life. Sana pala sinama ko si Cyril." Nakangiting sabi ni Luther.

"Wow insan! Sino yun? Pakilala mo naman sa amin." Sabi ko sa kanya.

"Oo nga insan. Kikilatisin namin." Sabi naman ni James.

"Sige mga insan. Soon!" Nakangiting sabi ni Luther.

"Dapat sinama mo dito." Sabi ko.

"I'm still courting him." Sabi ni Luther.

Biglang nanlaki pareho ang mga mata namin ni James.

"Him? You never told us that you're gay." Gulat na sabi ni James.

"Bisexual actually." Sabi ni Luther at tumaas pa ang kilay niya.

"Oh sorry for that." Sabi ni James.

"But you never told us that you're bi." Sabi ko kay Luther.

"Para namang hindi tayo magkapareho." Sagot niya.

Hala! Hindi naman ako nagkakagusto sa lalake ah.

Oh God! Napatitig ako kay Kith.

Mahal ko nga pala siya pero. Hindi naman nila alam yun eh.

"Oh Raypaul sorry. I forgot something. May amnesia ka nga pala." Sabi ni Luther.

Tumaas na lang ang kilay ko at nabalot ako ng pagtataka.

"Raypaul! Nandito na ang maid of honor natin."

Nagulat ako at nakita ko si Alexa na nasa gilid ko at may kasama siyang babae.

"Guys. Raypaul. This is Shane, my cousin." Sabi niya.

Babatiin ko sana si Shane pero bigla na lang sumabat si Kagura.

"We don't care." Biglang sabi ni Kagura kaya napatitig kami sa kanya.

Maglalakad sana paalis sila Kagura kasama ang mga kaibigan ko ng bigla na lang magsalita si Shane.

"Don't worry guys. I know everything. I know this is insane pero napilit lang ako ni Alexa and trust me. Hindi kami pareho." Seryosong sabi ni Shane.

"Again. We don't care." Mataray na sabi ni Kagura.

Napatahimik na lang kami.

What is this tension?

Pakiramdam ko ay ang dami-dami kong hindi alam at marami silang tinatago sa akin.

"Uuhhhmmm Raypaul? Sino nga pala ang bestman?". Tanong ni Alexa.

Napa-isip ako bigla. Hala! Wala pa pala akong bestman.

Napatitig na lang ako kay Kith. Since siya naman ang bestfriend ko eh baka siya na rin ang pwedeng bestman.

Lumapit ako kay Kith at.

"Kith pwede bang ikaw?" Tanong ko.

Parang naluluha ang mga mata niya kaya nagtataka ako.

"Hindi pwede!" Biglang sabi ni Rogue.

Nainis ako bigla sa pakikialam niya.

"Hindi ikaw si Kith." Naiinis kong sabi kay Rogue.

Biglang tumitig si Rogue kay Kith at.

"Ray. Sorry pero hindi ko kaya." Malungkot na sabi ni Kith.

Nagtaka ako. Hindi ko akalain na tatanggi siya. Siya pa naman ang gusto kong bestman. Alam ko na may malaki siyang problema kaya naiintindihan ko kung ayaw niya pero kasi. Nakakalungkot.

"James ikaw na lang." Malungkot kong sabi.

"No! I can't." Seryosong sabi ni James.

"Pati ba naman ikaw? Ano ba kasing problema niyo? Parang ayaw niyo naman na ikasal ako!" Galit kong sabi.

"Ayaw naman talaga namin!" Biglang sigaw ni Peter.

Napatitig na lang ako sa kanya at lalo na akong naguguluhan.

"Uhhmmm. Guys tama na. Ihahatid ko na kayo sa table niyo." Sabi ni James.

Naglakad na sila at pumunta sila doon sa table.

Bakit ganun sila?

"Raypaul insan. Ako na lang." Biglang sabi ni Luther.

"Sige thanks." Matamlay kong sabi.

"Luther? Anong ginagawa mo dito?" Biglang sabi ni Shane.

"Magkakilala kayo?" Nagtatakang tanong ni Alexa.

"Yes!" Sabi ni Shane.

"No!" Seryosong sabi ni Luther.

"Ok Luther. Sorry." Sabi ni Shane.

What's this? Another tension?

"Kamusta na kayo ni Eros." Tanong bigla ni Luther.

"We're doing good." Sagot ni Shane.

"Good for you." Sabi naman ni Luther at bigla na siyang naglakad papunta sa ibang table.

Naiwan na lang kaming tatlo ni Shane at Alexa na nakatayo.

"May something sa inyo ni Luther." Biglang sabi ni Alexa kay Shane.

"I can't blame him. It's all my fault." Seryosong sabi ni Shane.

"Anak! We have to start the event."

Lumingon kami at nakita ko ang parents ko na masayang-masaya.

Pumunta na kami sa stage para simulan ang engagement party naming dalawa ni Alexa.

Kinuha ko ang mic. At nagsalita na ako para sa mga bisita.

"I would like to thank all of you guys for coming here in a very special event of my life. Before we start, I would like to call on my bestfriend to offer a very special song number."

Pagkasabi ko nun ay tumayo na si Kith dahil kakanta siya para sa engagement namin ngayon.

Kinuha na ni Kith ang mic. At.

"First of all. I would like to thank Raypaul for everything. You are very special to me. I always wish the best for you, I hope that this is the best desicion you've ever made. I owe you a lot. I know that it is an engagement party so please feel the soul of my song but never look for it's meaning." Seryosong sabi ni Kith.

Nagsimula na siyang kumanta.

Tell me her name I want to know

The way she looks and

where you go

I need to see her face

I need to understand

Why you and I came to an end

Natahimik lahat ng mga tao sa ganda ng boses niya.

Tell me again I want to hear

Who broke my faith in all these years

Who lays with you at night

When I'm here all alone

Remembering when I was your own

I can feel the intensity of his pain. Bawat linya ay galing sa puso pero puno ng sakit.

I'll let you go, i'll let you fly

Why do I keep asking why

i'll let you go, now that I found

A way to keep somehow

More than a broken vow

Parang narinig ko na ang ganito kagandang boses dati. I can't stop my tears from falling but I don't know the exact reason.

Tell me the words I never said

Show me the tears you never shed

Give me the touch

That one you promised to be mine

Or has it vanished for all time

 

I'll let you go, i'll let you fly

Why do I keep asking why

i'll let you go, now that I found

A way to keep somehow

More than a broken vow

Hindi ko na rin napigilan. Tumulo na lang bigla ang luha ko dahil sa kanta ni Kith.

I close my eyes

And dream of you and I

And then I realize

There's more to life than only bitterness and lies

I close my eyes

I'd give away my soul

To hold you once again

And never let this promise end

Bigla na lang tumulo ang mga luha ni Kith habang kumakanta. I can feel it. But he never stop singing.

I'll let you go, i'll let you fly

Why do I keep asking why

i'll let you go, now that I found

A way to keep somehow

More than a broken vow

Bawat linya. Tagos sa puso ko.

Nang matapos ang kanta ay naghiyawan ang mga bisita at pumalakpak lahat.

Yung iba ay nagpupunas ng luha.

"Insan. Grabe yung boses niya. Hindi ko napigilan umiyak." Biglang sabi ni Luther na katabi ko.

Tumingin ako sa kanya at nagpupunas din siya ng mga luha niya.

"Oo nga insan." Sagot ko at pinunasan ko din ang mga luha ko.

"Alexa couz. I can feel so much pain from him. He really loves the guy." Biglang sabi ni Shane at nagpunas din siya ng luha.

Ano? Alam din ni Shane na may gustong lalake si Kith?

Tumingin ako kay Alexa at nakita kong nakayuko lang siya. Kitang-kita ko din ang pagpatak ng mga luha niya at alam kong dama niya din ang kanta ni Kith.

Tumingin ako kay Kith at nakatulala lang siya na bumaba ng stage at tumutulo ang mga luha niya tapos ay pumunta siya sa table nila James.

"Alexa. Punta na tayo sa stage?" Nakangiti kong sabi sa kanya.

Pinunasan ni Alexa ang mga luha niya at wala siyang imik na sinamahan ako papunta sa stage.

Kith POV

Nakatulala na lang ako. At talagang gusto niya na gawin akong bestman? Parang mababaliw na ako sa sobrang sakit ng pakiramdam.

Habang kumakanta ay hindi ko na talaga mapigilan ang hindi maluha.

Ibinuhos ko na lahat ng emosyon at lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Pumunta na si Ray kasama si Alexa sa stage at pakiramdam ko sisimulan na nila ang event.

Kinuha na ulit ni Ray ang mic. At.

"Thanks for the song of my bestfriend. It is so heartbreaking. But he has an angelic voice right?"

"YES! Whoohooo." Sabi mga tao.

Tumingin ang ibang bisita sa akin at mga nakangiti sila.

"Syempre bestfriend ko siya eh dapat mana ako sa kanya at marunong din akong kumanta. I would like to serenade my fiance."

Hinawakan ni Ray ang kamay ni Alexa at kilig na kilig si Alexa.

Nagsimula ng kumanta si Ray.

My life is brilliant.

I know that this would break me...

My life is brilliant.

My love is pure.

I saw an angel.

Of that I'm sure.

She smiled at me on the subway.

She was with another man.

But I won't lose no sleep on that,

'Cause i've got a plan.

 

You're beautiful. You're beautiful.

You're beautiful, it's true.

I saw your face in a crowded place,

And I don't know what to do,

'Cause i'll never be with you.

Dati ako ang kinakantahan niya. Hindi ko na talaga mararanasan ang mahalin niya ulit.

Yes, she caught my eye,

As we walked on by.

She could see from my face that I was, Flying high.

And I don't think that i'll see her again,

But we shared a moment that will last 'til the end.

This song is killing me.

You're beautiful. You're beautiful.

You're beautiful, it's true.

I saw your face in a crowded place,

And I don't know what to do,

'Cause i'll never be with you.

Ang sakit tumingin. Kinikilig ang mga tao pero ako. Tuluyan na akong mababaliw dahil sa sakit.

You're beautiful. You're beautiful.

You're beautiful, it's true.

There must be an angel with a smile on her face,

When she thought up that I should be with you.

But it's time to face the truth,

I will never be with you.

He will never love me again. This is the fight that I can't afford to loose but I'm not just lost the fight of love because. I'm already dead.

No one can unbreak my heart.

Since we began this fight. I'm half alive and broken.

I know that it is enough for me to breath cause I can't handle this pain anymore.

It actually hurts like hell.

Nakatitig sa akin ang mga kaibigan ko at natulala na lang ako.

Nang matapos ang ginagawa ng ikakasal sa stage ay naglakad muna ako papunta sa may garden nitong event place at merong fountain doon.

Nakita ko si Alexa na napadaan at siya lang mag-isa kaya gusto ko na siyang maka-usap.

"Alexa. Let's talk." Seryoso kong sabi.

"Ok. Ayoko ng away." Sabi niya.

"May gusto lang akong sabihin." Sabi ko sa kanya.

"Tungkol ba ito sa meron kayo ni Raypaul dati?" Seryoso niyang tanong.

"Hindi. Tungkol ito sa relasyon niyo." Seryoso kong sabi.

Halatang nabalot ng pagtataka ang buong mukha ni Alexa.

"Kith. Believe me. Nako-konsensiya din ako but I have to do it because I love him." Sabi ni Alexa at halatang desperada siya.

"Gusto ko na palagi mo siyang papa-ngitiin. Bigyan mo siya ng mga anak at higit sa lahat wag mo na siyang sasaktan." Sabi ko sa kanya.

Ang sakit pala nito. Namumuo na ang mga luha ko.

"I will do it." Sabi ni Alexa at parang naluluha din siya.

"Don't you dare na saktan siya ulit. I'm going to kill you." Seryoso kong sabi sa kanya.

Napalunok na lang si Alexa at halatang kinabahan siya.

"Hindi mo ako makikilala kapag nagalit ako dahil hindi na ako tao. Iba ako maningil." Seryoso kong sabi.

"Hindi na ako uulit. Mahal ko siya." Seryoso niyang sabi na parang kinakabahan.

"Alexa. Kung sakaling bumalik ang ala-ala niya ay sabihin mong mahal na mahal ko siya. Alam ko na hindi ko na yun masasabi sa kanya pagkatapos niyong ikasal." Sabi ko na puno ng hinanakit.

"Bakit? Anong gagawin mo?"' Tanong ni Alexa.

Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luha na gustong bumuhos.

"Lalayo na ako. Wag kang mag-alala hindi na ako mahahanap ni Ray kapag tapos na ang kasal niyo." Sabi ko kasabay ng sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko.

Tumango lang si Alexa.

Naglakad na ako palayo at hindi ko na kayang manatili sa lugar na ito.

Hindi ko na kayang manatili sa mundong ito.

I never expect that everything would make me feel like hell.

Ibibigay ko ang lahat para sa kanya at sinakripisyo ko na ang lahat ng meron ako para lang sa taong mahal ko. Pagmamahal, oras at higit sa lahat ang sarili kong buhay.

I was insanely fell in love with him.

And now I'm totally insane.

The song is real.

"Too much love will kill you."

Ganito ako magmahal. Ibibigay ko ang lahat hindi para mahalin niya din ako kundi para maging masaya lang siya at laging naka-ngiti. Kahit masakit. Kahit ikamatay ko pa.

Sa naranasan kong pagmamahal kay Ray ay natutunan ko na kung paano magmahal ng totoo. Kung paano masaktan ng totoo at kung paano magparaya.

I just wanted him to be happy. And now he is. Everything is enough for me now.

My love is over. My life is over.

Kith POV

Hindi ko akalaing hahantong na ang lahat sa ganito.

Kailangan ko ng tanggapin ang lahat ng ito. Wala akong dapat pagsisihan dahil binigay ko na ang lahat kahit wala ng natira sa akin.

Mahal na mahal ko siya. Kailangan ko ng bitawan ang mga pinag-samahan naming dalawa na ako lang naman ang nakaka-alala.

Lahat ng kulitan, lahat ng asaran at lahat ng lambingan ay mananatili na lang na isang matamis na ala-alang nagpabago sa akin.

Hindi ko na kayang pumunta para sa kasal ng taong mahal ko. Ikamamatay ko na ito.

Hindi ko alam kung bakit kailangan na mangyari sa aming dalawa ito.

Naging mabuti akong tao. Nagmahal ako ng totoo. Ginago. Nasaktan. Nagpatawad. Lumaban at ako ay nagsakripisyo. Siguro tama na ang lahat para sa akin. Huli na para bumalik pa ang lahat sa dati.

Kumuha ako ng card para isulat ang regalo ko kay Ray para sa araw ng kasal niya dahil alam ko na pagkatapos nun ay hinding-hindi na kami magkikita.

You Light My Fire

Written by: Kith Castillo

I know they say love is blind,

But I had only you on my mind.

 

Our moments together were precious and few,

But I cherished them all more than you knew.

 

I long for your touch and your warm embrace,

The look in your eyes. The smile on your face.

 

Your tender touch, a soft kiss,

Two things about you I will miss.

 

How can I handle my broken heart?

My entire world has fallen apart.

 

How do I hope for a brand new day,

when the one I love has gone away?

 

My heart was prisoned by the memories of you,

of all that we've shared, all that we knew.

 

When you held me you said "forever"

Now that you're gone I know you meant "never"

 

Saying you love me with that look in your eye,

And that was a memory of lie.

 

My dreams are filled with your soft gentle kiss,

I wake and cry for all that I miss.

 

My heart knows to love only you,

And now it is broken because of you.

 

A hurt so deep. It cuts like a knife,

But my wounds will never heal and I can't go on with my life.

 

A raging inferno that burns our soul,

Melting us into one, making us whole.

 

Love is fire and I'm burning alive,

The pain of it all seems unbearable at the moment. I can't survive.

 

There's no going back now, no point of return.

If this is what it means to love you.

let me burn.

 

Love is a fire that burns unseen,

I gave the light, all for him.

 

Making you happy is my only desire,

Our love ends here. You light my fire.

Raypaul POV

Nakatingin ako sa salamin habang bino-butones ko itong suit na naka-suot sa akin para sa kasal at habang tinititigan ko ang sarili ko ay parang may mga bagay akong hindi pa kayang bitawan.

Mag-isa ako dito sa kwarto. Parang gloomy ang lahat.

Parang mali.

Parang hindi ko dapat gawin ito.

Pero ito ang tama. Ikakasal na ako mamaya at alam ko na maraming magbabago pagkatapos nito.

Pumunta ako sa kusina para uminom ang tubig dahil kinakabahan ako. Ilang minuto na lang ay pupunta na ako sa simbahan at susumpa sa harap ng altar.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Bakit parang may mga bagay akong hindi pa alam.

Naglakad ako para sumilip sa bintana at matanaw ko ang simbahan.

Nabigla ako ng makita ko na merong lalaking naka-suot ng puting suit ang nakatalikod habang pinagmamasdan ang view sa labas.

"Sino ka?" Tanong ko.

Lumingon ang lalake at nakita ko ang mala-anghel niyang mukha. Si Kith pala ang lalakeng iyon. Humarap siya sa akin ng naka-ngiti.

Mukhang masaya siya. Siguro naayos na ang mga problema niya. Hindi na siya seryoso at ngayon ko na lang ulit nakita ang mga ngiti niya.

"Bakit nandito ka Kith?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Gusto ko lang makita kung gaano ka-gwapong groom ang bestfriend ko." Nakangiti niyang sabi sa akin.

Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

"Thank you Kith." Sabi ko sa kanya.

Lumapit ako sa kanya at parang masaya talaga ang aura niya ngayon dahil nakangiti lang siya sa akin.

"Oh. Naayos na ba ang lahat Kith? Mukhang masaya ka na ngayon eh." Nakangiti kong tanong.

Umiling-iling lang siya sa akin at.

"Dapat maging masaya ako. Ikakasal ka na eh at alam ko na ito ang pinaka-importanteng pangyayari sa buong buhay mo." Nakangiti niyang sabi habang inaayos ang kwelyo ng suit ko.

"Oo nga. Kaya lang parang kinakabahan ako eh." Sabi ko.

Hinawakan niya ang pisngi ko at.

"Wag kang kabahan. Nandito ako para palakasin ang loob mo." Malambing na sabi ni Kith.

"Thank you talaga Kith. Sabay na tayong pumunta sa simbahan." Sabi ko sa kanya.

Hinawakan ko ang kamay niya para hatakin siya paalis pero hindi ko siya mahatak. Parang ayaw niya pang umalis.

"Bakit Kith? Ikakasal na ako. Samahan mo ako sa simbahan." Nagtataka kong sabi sa kanya.

Umiling-iling lang siya at.

"Sorry Ray. Hindi na ako makakapunta sa kasal mo." Seryoso niyang sabi sa akin.

"Huh? Bakit? Hindi magandang biro yan. Dapat pumunta ka dahil gusto ko na nandun ka." Seryoso kong sabi.

"Hindi ako nagbibiro. Sorry Ray pero aalis na kasi ako eh." Malungkot niyang sabi sa akin.

"Huh? Bakit biglaan naman. Saan ka naman pupunta?" Malungkot kong tanong sa kanya.

"Basta malayo. Pero mula doon ay babantayan kita palagi. Lagi lang akong nasa puso mo." Nakangiti niyang sabi sa akin.

Aalis na siya. Parang maiiyak ako dahil namumuo na ang mga luha sa mga mata ko.

"Kelan ka babalik? Malulungkot ako na aalis ka na." Sabi ko sabay patak ng mga luha ko.

"Hindi ko alam kung magkikita tayo ulit pero. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita." Nakangiti niyang sabi at parang naiiyak na din siya ngayon.

Mahal niya ako? Does it mean friendship or not?

"Wag kang umalis please. Hindi ko kayang mawala ka. Malulungkot ako ng sobra." Umiiyak kong sabi sa kanya.

Hinawakan niya ang mga pisngi ko at pumatak din ang mga luha niya.

"Ray. Hindi ko kayang makita na malungkot ka. Dapat maging masaya ka dahil ikakasal ka na." Sabi niya habang lumuluha.

"Ayoko. Ayokong ikasal kung mawawala ka din sa akin." Humahagulgol kong sabi.

"Hinihintay ka na ng bride mo na sobrang ganda sa simbahan." Nakangiti niyang sabi habang umiiyak.

"Parang awa mo na. Wag kang umalis sa tabi ko. Wag mo akong iwan." Umiiyak kong sabi na parang bata.

"Kailangan. Wag ka ng umiyak dahil nasasaktan ako. Alam ko na magiging masaya ka sa magiging asawa at mga anak mo." Nakangiti niyang sabi pero patuloy na siyang umiiyak.

"Paano tayo magkikita? Saan kita hahanapin?" Humahagulgol kong tanong sa kanya.

Ini-abot niya sa akin ang kamay niya at may hawak siyang card.

"Regalo ko yan sayo. Sinulat ko lahat para sayo. Basahin mo pagkatapos ng kasal." Umiiyak niyang sabi sa akin.

Nanginginig ang mga kamay ko ng abutin ko iyon at.

"Mamimiss kita ng sobra. Mahalaga ka sa buhay ko." Umiiyak kong sabi.

Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang mga daliri niya at.

"Hindi mo alam kung gaano ka kahalaga sa akin." Seryoso niyang sabi habang tumutulo ang mga luha.

Niyakap ko siya ng mahigpit at.

"Please. Parang awa mo na! Wag mo namang gawin ito." Nagmamaka-awa kong sabi sa kanya habang basag ang boses.

"Male-late ka na sa kasal mo." Mahina niyang bulong sa akin na punong-puno ng hinanakit.

Lalo kong hinigpitan ang mga yakap ko sa kanya at.

"Gusto ko lang na sulitin ang oras na ito para yakapin ka."

Ayoko na siyang paalisin. Hinigpitan ko ang yakap ko dahil ayokong iwan niya ako.

"I Love you Ray." Bulong niya.

Parang nagkaroon ako ng lakas ng loob na aminin sa kanya ang totoo kong nararamdaman.

"Mahal na mahal din kita Kith! Yun yung totoo! Yun yung nararamdaman ko para sa iyo. Wag ka ng umalis! Hindi na ako tutuloy sa kasal. Sasama na lang ako sayo!" Sigaw ko habang umiiyak.

Nanlabo na ang mga mata ko dahil sa sobra-sobrang mga luha na lumalabas sa mga mata ko.

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya at parang bumibigat siya.

"Kith please. Sabihin mo na hindi ka na aalis. Pangako ko sayo na aalagaan kita at mamahalin." Umiiyak kong sabi.

Wala na naman akong narinig na sagot mula sa kanya at nabalot ang lahat ng katahimikan.

Parang may nakapa akong mainit at basa sa likod niya.

Unti-unti kong tiningnan ang kamay ko at parang bigla na lang lumabas ang kaluluwa ko sa nakita ko na kulay pulang likido sa kamay ko.

Kinikilabutan ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Sana hindi ito totoo.

Tiningnan ko ang likod ni Kith at hindi ako maka-hinga sa nakita ko. Bumubuhos ang dugo niya. Nag-kulay pula na ang suot niya na puting coat dahil sa dugo.

"Kith! Kith! Kith!" Sigaw ko.

Hinarap ko ang mukha niya sa akin at nakita ko ang mga mata niya na walang buhay at ang bibig niya na may dugo.

Para na akong nababaliw.

"Kith. Please. Wag!" Sigaw ko habang tinatapik ang pisngi niya.

"Kith! Wag mong gawin sa akin ito! Gumising ka!" Pagmamaka-awa ko.

Pero wala akong narinig mula sa kanya.

Patay na siya.

"Kith! Wag mong gawin to! Hindi ko kaya! Gumising ka!"

"Mahal na mahal kita Kith!"

Bigla na lang may sumampal ng malakas sa pisngi ko at.

"Raypaul! Gumising ka!"

Dinilat ko ang mga mata ko at hindi ako maka-hinga. Nagising ako na umiiyak at pawis na pawis.

Nakita ko si James na nasa harap ko.

"Insan. Anong napanaginipan mo? Binabangungot ka." Nag-aalalang tanong ni James.

"Si Kith. Nasaan siya?" Natataranta kong tanong sa kanya.

"Wait lang tatawagan ko." Sabi ni James at kinuha niya ang phone niya.

Ilang pindot na rin ang ginawa ni James pero walang sumasagot.

"Si Rogue. Tawagan mo siya." Umiiyak kong sabi.

Tinawagan naman ni James si Rogue at mabilis naman itong sinagot kaya ni-loud speak ni James para marinig ko ang usapan.

"Rogue. Nasaan si Kith?" Tanong ni James.

"Tulog na eh. Ang hirap nga niyang patahanin." Sabi ni Rogue na parang malungkot.

"Ay ganun ba? Sorry sa istorbo." Sabi naman ni James.

"Sige. Bye." Sabi ni Rogue at binaba na niya ang usapan.

Tumitig sa akin si James at.

"Raypaul. Ano ba ang nangyari?" Nag-aalala niyang tanong.

"Si Kith kasi. Napanaginipan ko sa patay na siya. Namatay siya bago ako ikasal." Umiiyak kong sabi kay James.

Biglang nanlaki ang mga mata ni James at.

"Insan kumalma ka. Next week pa ang kasal niyo ni Alexa." Seryosong sabi ni James.

Tumingin ako sa kalendaryo at tama nga ang sinabi ni James.

"Pero James parang totoo. Nakita ko na puro dugo si Kith." Umiiyak ko g sabi sa kanya.

"Relax insan. Gusto mo kausapin na lang natin bukas si Kith?" Nag-aalalang tanong ni James.

"Oo insan! Hindi ako mapakali. Sabi niya iiwan na niya ako. Sabi niya hindi na kami magkikita." Umiiyak kong sabi.

"Insan. It is just your nightmare." Sabi ni James.

"Hindi eh. Parang totoo kasi." Sabi ko na parang nababaliw.

Tinitigan na lang ako ni James at hindi siya makapag-salita.

"I guess. Kailangan mong malaman ang totoo." Bulong ni James.

Narinig ko iyon.

Kwinelyuhan ko si James at.

"Anong totoo? Sabihin mo! Sabihin mo sakin!" Nanginginig kong sabi.

"Wala ako sa lugar para sabihin." Seryosong sabi ni James.

"Sabihin mo! Gusto kong malaman ang tinatago niyo!" Sigaw ko.

"Si Kith. Siya ang tanungin mo." Seryoso niyang sabi.

Binitawan ko na siya at gumugulo lalo ang isip ko. Ano ang kailangan kong malaman?

Gusto kong makita si Kith. Ayokong umalis siya. Ayokong mawala siya sa akin at higit sa lahat ay mahal na mahal ko siya.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: You Light My Fire (Part 17B)
You Light My Fire (Part 17B)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhlQDOIprIZ80fds3SLDmYbFsEcz6DeNfZxzshT87S5o8LMTa-DE4xmC0CR18yOpMEk2ZxNB8rn9OTpUGCjfjR4rFoSuU71U4dyM2R2JmOjrWGfcRakRBGQGyGFP41m6vxFi0zNa_UTMAZd/s1600/You+Light+My+Fire.png
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhlQDOIprIZ80fds3SLDmYbFsEcz6DeNfZxzshT87S5o8LMTa-DE4xmC0CR18yOpMEk2ZxNB8rn9OTpUGCjfjR4rFoSuU71U4dyM2R2JmOjrWGfcRakRBGQGyGFP41m6vxFi0zNa_UTMAZd/s72-c/You+Light+My+Fire.png
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/12/you-light-my-fire-part-17b.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/12/you-light-my-fire-part-17b.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content