Batchmate Mo, Tira Mo (Part 5)

By: Ton

Naiinis ako sa sarili ko kasi ang tanga2 ko.
Ang bilis ko.na ngang na inlove kay Nikko.
Tapos kung ano ano pang kagaguhan ang pinag gagagawa ko.
Akala ko ang talino ko pero nuknukan pala ako ng katangahan.

Buong gabi akong naiyak nun. Nakatulog nalang ako marahil dahil sa pagod sa kakaiyak. Kaya kinabukasan nagising akong namumugto ang mga mata at parang sisipunin pa.

Wala na si Nikko sa higaan pag gising ko. Akala ko ay umuwi na sya.
Mabuti na lang din siguro yun dahil habang naroon sya ay pinapaalala nya lang sakin ang katangahan ko.

Nagulat ako ng biglang may nagbukas ng pinto.
Si Nikko pumasok may bitbit na supot.
Pumasok sya sa locker room namin. Mejo natagalan dun at pag labas nya,  may dala na syang mainit na cup noodles.
Tumabi ito sakin. Walang emosyon ang mukha.
Umupo ako sa higaan.
Susubuan nya sana ako pero sabi ko ako nalang.
Akmang aagawin ko na yung kutasara pero iniwas nya. Natapon ang laman sa kamay ko. Mejo mainit pero di naman ganun ka nakakapaso.
Napa aray ako ng very very light.
"Tsk. Tigas kasi ng ulo." Pagsinghal ni Nikko.
"Eh sabi ngang ako nalang." Pagsagot ko.
Tinitigan nya ako.
"Ayokong sinusubuan ng taong galit." Sabi ko
Pero sinubuan pa din nya ako. Syempre ako kumain din naman.
Naubos na yung cup noodles. At pagkatpos ay pinainom nya na ako ng gamot.
Pagkatpos nun ay bumalik ito sa higaan nya at nag cellphone.
"Ikaw? Kumain ka na ba?" Tanong ko
Tumango lang sya.
Naiinis ako kasi ang suplado nya. Nagpapakumbaba na nga ako eh.
Kahit mejo nanghihina tumayo ako.
Yung hinigigaan nya ay nakadikit sa pader. Tapos kasunod lang yung higaan ko.
Tumayo ako at tinulak ppalapit sa kanya yung higaan ko. Dinikit ko yun sa higaan nya at bumalik sa pagkakahiga.
Kita ko ang reaksyon sa mukha nyang parang nagulat.
Pagkahiga ko ay dumikit ako sa kanya. Lumayo sya papuntang sulok. Lumpait uli ako. Hanggang nadun na talga sya sa pinakasulok.
Tiningnan ko sya. Tiningnan din nya ako ng masama.
Tumawa ako at nag kumot. Dinantay ko yung paa ko sa paa nya at nilagay naman ang braso ko sa may dibdib nya.

"Ano ba?" Inis nyang sabi. Panay pilit na kumakawala.
"Ano? Papatol ka sa may sakit? Di ka ba naaawa?" Pagpapakonsensya ko.
Di sya sumagot. Kaya balik ako sa posisyon.
Ang saya ko nung panahong yun.

Na nahagkan ko ulit si Nikko. Miss na miss ko na sya
Maya maya ay tumayo sya at umalis.
Iniwan nya akong mag isa dun. Nakakalungkot. Naiyak na naman ako. Tangina ang iyakin ko na.
Bumalik sya nung lunch time. Binigyan ako ng pagkain. Pero di na ako sinubuan. Umalis sya pagka bigay ng pagkain.
Bumalik uli sya mga 7pm na.a
May dalang hapunan. Nilagay nya lang sa long table na nasa loob ng kwarto.
Tumayo ako at dun ako kumain sa mesa. Nasa harap ko lang sya kumakain din. Nauna syang matapos kaya hinugasan nya na yung pinagkain nya. Nung matapos ako ay tumayo ako at pumuntang lababo. Sabi na sya na daw maghuhugas. Akmang kukunin nya na yung pinagkainan ko pero iniwas ko ito.
"Ako na." Pagtatampo kong sagot. Nagtatampo ako kasi iniwan nya akong mag-isa buong araw. Naluluha na ako that time.
Nung pinaandar ko na yung gripo ang lamig mg tubig sa kamay ko. Kaya't bahagya akong nagulat.
"Ako na sabi eh!" Galit na nyang sambit.

Tinuloy ko lang ang pag hugas. Nagtatampo pa din ako. Gusto ko ng umiyak pero pinipigilan ko lang.
Pinapanuod nya ako habang maghuhugas. Pagkatapos ko ay pumunta ako ng locker room kinuha ang towel ko at derderecho na sa banyo.
"Anong gagawin mo?" Tanong nya
Di ko na sya sinagot. Parang wala na ako sa bait at parang gusto kong  saktan talaga ang sarili ko kaya binuksan ko ang shower at naligo. Syempre as soon as nabasa ako niregret ko yun kasi ang lamig2. Tanga lang eh. Katok ng katok si Nikko pero d ko sya pinapansin. Tinapos ko ang pagligo kahit nanginginig na ako sa lamig. Paglabas ko ay nag aabang sya dun at masakit at matalim ang titig sakin. Nanginginig akong palabas. As in nanginginig talaga. Mejo nag soften ang expression nya nung nakita nya ako.
Derecho lang ako sa locker room at nagbihis. Paglabas ko ng locker room ay nandoon na sya sa higaan nya. Magkadikit pa din ang higaan namin. Hindi nya pinaghiwalay. Naka upo sya dun sa higaan nua pero walang ginagwa. Pag punta ko dun ay hinala ko na yung higaan ko papalayo.  Di ko na sya tinitingnan nun. Nung naibalik na sa dating pwesto ang higaan ko ay humiga ako ng patalikod sa kanya. Nanginginig pa ri. Ako sa lamig that time dahil dun sa katangahang ginawa ko. Bahgaya akong nakatulog pero nagising din uli dahil sobrang lamig talaga.  Tiningnan ko ang orasan at nakita kong 11pm na. Bitin yung kumot ko. Talagang ang lamig. Hinusayam.ko talaga ang pagiging tanga. Tumayo ako at tumingin sa ibang mga bunks kung may mga kumot ba dun. Malas. Wala. Nilabhan ata lahat. Pumunta ako ng locker room at mag  jacket nalang at nag jogging oants at nag medjas. Pagbalik ko. Napansin kong gising pa si Nikko. Nakatingin sya sakin.
Bumalik ako sa higaan. Feeling ko dumoble amg lagnat ko eh. Ang lamig2 talga. Maya2 ay nakatulog din siguro ako mejo nanghihina ako that time eh. Naalimpungatan ako ng maramdaman kong gumalaw ang higaan ko. Pagdilat ko nakita kong hinila ni Nikko ang higaan ko padikit dun sa higaan nya. Nung nagkadikit na ay hinila din nya ako konti palapit sa kanya at kinumutan nung kumot nya.
Naririnig ko ang pag singhal nya. Sakin

"Ang tigas kasi nang ulo. Mau ligo ligo pang nalalaman alam na man na may lagnat. Ayaw mo kasi makinig sakin. Ano napala mo ha?" Inis na inis nyang sabi habang kinukumyutan ako.

Nanghihina ako nun. Kaya d na ako sumagot. Pinakiramdaman nya ang noo ko gamit ang palad nya.
 Nawala ang kaninang inis na inis nyang mukha. Napalitan ng pag aalala.
"Uminom ka ba ng gamot mo?" Tanong nya

Umiling lang ako. Tumayo ito.is kinuha ang gamot sa locker nya at pinainom ako.and pinainom din nya ako mg tubig.
Tumabi na ulit sakin si Nikko.
Panay himas nya sa ulo ko na tila pinapapa ako.
Dumikit pa sya sakin at naramdaman ko ang pagdampi ng labi nya sa noo ko. Ako naman sumabay na din at bigla nalang na yumakap ako sa kanya at napahaugulhol.
Nagsorry ako ng nagsorry sa kanya. Lahat ng sinabi ko dun sa sulat ko ay sinabi ko ulit sa kanya. Iwith matching pag iyak.
Pinapatahan lang nya ako at paulit ulit na hinalikan sa ulo at noo. Pinasndal nya na yung ulo ko dun sa dibdib nya. Niyakap nya ako a t payakap din ako sa kanya.

"Wag ka na magalit sakin Nikk please?" Sabi ko
"Ssssshhhhh. Matulog ka na." Sabi nya sabay halik uli s aulo ko.

Nakatulog na sguro ako pagkatapos nun. Dahil anh sunod kong naalala. Nagising nalang akong ganun pa din ang posisyon namin.

"Good morning." Bati nya sabay halik sa pisngi ko.
Ngumiti ako sa kanya at hinalikan ko sya sa lips. Smack lang. Baka mabaho pa hininga ko lol.

"I love you nikk." Bigla kong sabi sa kanya

Tiningnan ko sya. Napangiti sya. Kiniss nya ako

"I love you most, Ton." Sagot nya.

Ang saya saya ko nung araw na yun. Kahit may sakit. Masaya talaga ako. Napatawad na  ako ng lalaking pinakamamahal ko.

Post a Comment

You need to login into your Google account to post a comment.
We will remove spams and duplicate comments.

[facebook][disqus][blogger]

Admin

{facebook#https://www.facebook.com/mencircle} {twitter#https://twitter.com/mencircleph} {google-plus#https://plus.google.com/+Mencircle} {youtube#https://youtube.com/mencircle} {instagram#https://instagram.com/mencircle}

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget