Gee (Part 1)

By: Toph

Hi, this is Toph. I would like to share my own not-so-good experience with a guy pero pwede na rin! Haha.. Sorry po sa typo at grammatical error, hindi po ko writer.

Nung college ako, mahilig ako maglaro ng online game (dancing game) at adik na adik ako! Tuwing after ng school ko or rest day, diretcho agad ako ng computer shop para makapaglaro. Then, isang araw, I've met Gee (not his real name, pero baka mahalata nya kasi ginamit ko nickname nya, haha!) sa laro. At that time, meron syang couple na girl at magkasama kami sa iisang room, (sa laro, magpapatugtog ka ng song usually korean song at sasayaw, at sa laro din, pwede rin maghanap ng couple pero nasa inyo na yun kung gusto nyo gawin in real life. Astig!) nagkakilala kami at nagkausap usap. Pero mas naging interesado ako kay Gee. At that time, 1st year college sya at straight!
Kaya dahil sa closeness namin, tuwing magoonline ako, una kong titignan ang friend list ko kung online sya. Naglaro kami ulit at nagshare kami ng mga gusto namin. Pareho kaming mahilig sa KPop groups especially Girl's generations. Lagi kaming nagkwekwentuhan about that at kung anu ano pa tungkol sa buhay namin. Naikwento nya rin sa akin na biology student sya sa Sta. Mesa at pangarap nya din maging doktor. (Nurse po pala ako, RN hehe!) Nagkapalitan din kami ng cp number at we texted each other kapag hindi naglalaro.
After mga ilang months, we've decided na mag meet up. At that time, kinakabahan ako dahil baka husgahan nya ako sa looks ko dahil hindi ako ganun ka gwapo at macho na nililingunan (haha!).

Nung nagkita kami sa MRT taft, halos umabot ang ngiti ko hanggang tainga! Gwapo siya! (Kamukha nya ung host na lalake sa online shopping sa ABS CBN tuwing gabi!) At sharky ang style ng buhok nya! At that time nung sabay kami naglalakad papunta sa bahay namin, hindi ko alam paano ko sisimulan ung conversation namin (nahihiya kasi ako, haha!) Pero nung nakita ko ung reaksyon niya, mas nahihiya siya! Laging nakatungo ang ulo sa ibaba. Pero pag napapalingon ako sa ibang direksyon, minsan nahuhuli ko syang tumitingin sakin (gwapo ko haha!)

Nang makarating na kami sa bahay namin, sinimulan naming kumain ng chichirya at magkwentuhan! Habang nagkwekwentuhan kami, napansin ko ung mata nya. Ung mata nya parang iiyak! Yun ung isang feature na nagustuhan ko sa kanya. Tapos ung lips nya manipis and kissable (manyak!) Pero wala akong balak na i.rape sya haha!
Nasabi niya sakin na 2nd time nya na tong makipagmeet sa isang kalaro at ung una nya ay lalake din. Nung una syang makipag.meet, niyaya sya ng guy na manuod ng sine. Pero habang nanunuod daw sila, hinahawakan nung guy ung kamay nya. Hindi sya naging komportable kaya nagdecide syang umuwi agad. Sa isip isip ko, buti na lang walang nangyari dahil hindi ako ang makakauna haha! (Sorry sa pov ko pero mabait po ko :)) Marami pa kaming napagkwentuhan nung time na yun at isa lang masasabi ko, I'm inlove!

Hindi lang yun ang huling beses na nagkita kami. Nagdecide kami na magmeet up sa SM Mega mall, maglaro sa Star Mall at kung saan saan pa para mas makilala namin ang isa't isa. Then one time, napagdesisyunan ng FAM (parang clan) ko sa online game na magkita kami at sa sea side sa SM MOA ang place. Habang nakaupo sa sea side at nagmumuni muni, inaalala ko ung mga masasayang araw namin ni Gee kapag nagkikita kami. Dahil sobrang bigat na ng nararamdaman ko para sa kanya, inamin ko na sa kanya thru text na may gusto ako sa kanya. Sa isip isip ko, bahala na! At ayun nga, nagreply sya! Sinabi nya sa akin na gusto nya rin ako pero hanggang kaibigan lang. Nung nabasa ko un, halos madurog ang puso ko at napaiyak ako. Di ko lang pinapahalata sa mga ka.FAM ko dahil di naman nila alam na bi ako.

Para mawala ang sakit na nararamdaman ko, binura ko number nya sa cp at napagdesisyunan na wag na syang itext kahit kailan. Simula nung araw na yun, nawalan na kami ng communication kasi baka babae talaga ang gusto nya at baka may identity crisis pa sya.

Pero kahit ganun ang nangyari, hindi pa rin nawawala ang nararamdaman ko para sa kanya. Kapag nagbubukas ako ng facebook, lagi kong tinitignan profile nya. Sa isip isip ko minsan ka na nga lang magmahal, basted pa! Lagi kong tinitignan ung mga status nya kung para sa akin (assuming!) Araw araw sobrang bigat ng nararamdaman ko dahil mahal ko pa rin sya.. Mahal na mahal ko talaga sya!

Lumipas ang 1 taon at hindi ko pa rin sya nakakalimutan. Siguro dahil hindi ako naghahanap ng iba or wala akong mahanap na katulad nya. Nung birthday nya, naisipan kong batiin sya thru facebook. Simpleng "happy birthday, gee!" lang ang sinabi ko pero di ako nageexpect na magrerespond sya sa sinabi ko. Kinabukasan, ng tignan ko ang facebook ko, nagulat ako dahil nagrespond sya! Sobrang bilis ng tibok ng puso ko nung time na yun dahil iniisip ko kung ano ang sasabihin nya. Nung binuksan ko ung message sa facebook, sabi nya "Kumusta ka na? Thank God, may chance na ulit! Here's my number 0935*" nung time na nagmessage sya, grabe sobrang saya ko! Lahat ng bigat sa dibdib ko nawala! Pero inisip ko, ano kayang ibig sabihin nya na may "chance" ulit? Pero di ko masyadong binigyang halaga ung sinabi nyang yun.

Tinext ko agad sya pagkalog.out ko. Nagreply agad sya! Sinabi nya na magkita daw kami. Ako naman ay di matae sa sobrang saya, tuwa at galak! Haha! Nagset kami ng date kung kailan kami magkikita ulit.

At dumating na nga ang araw na matagal ko ng pinakahihintay! Mga 6pm na kami nagkita sa Makati at nagdesisyon na sa bahay na lang magusap. Nang makarating kami sa bahay namin at maupo, nagkakailangan pa kami. Tumabi ako sa kanya at ako na ang unang nagbukas ng topic na paguusapan namin. Una ko agad tinanong sa kanya kung bakit hindi sya nagparamdam nung time na umamin ako sa kanya na mahal ko sya. Sinabi nya na hindi pa sya handa dahil hindi nya rin alam sa sarili nya kung lalake or babae ang gusto nya talaga. Nagtapat ako ng nararamdaman sa kanya na lagi akong malungkot nung hindi na sya nagpaparamdam sa akin. Kahit sa laro ay hindi na rin. Nagsorry sya sakin dahil ayaw nya talaga ako saktan pero naguguluhan talaga sya. Biglang tumahimik ang paligid at nagulat ako ng ibinuka nya ang kanyang kaliwang kamay sa harap ko. Tinanong ko sya kung bakit nya binubuka ang kamay nya. Napansin ko na kinakabahan sya at nanginginig ang boses nya. Nagsalita sya, "akin na kamay mo!" Binigay ko ang kanan kong kamay na nakabuka at nakatihaya. Nagulat ako dahil pinasok nya ang kanyang kaliwang kamay sa kanang kamay ko at ayun na nga, magkaholding hands na kami! (Hirap i.explain nung kamay haha!) Sa totoo lang, nung ginawa nya yun, sobrang kinikilig ako! Ang saya saya ko! Pati sya ay masaya! Medyo nagkakailangan pa rin pero di namin inaalis ang kamay namin sa isa't isa. Haaaaist ang saya! Nagtanong ako sa kanya, "so, tayo na?" Nakita ko na tumango sya. Pero nagtanung ulit ako, "talaga?" Sinabi nya, "oo!" Nasabi ko na lang sa sarili ko, "Yes! Sa wakas!" Iba talaga ang feeling na ung taong gusto mo ay gusto ka din. Nasabi nya sakin na nung nawala ako, dun nya narealize na mahal pala nya ako. Nahihiya lang daw sya na i.chat ako dahil baka ayaw ko na daw sa kanya. Grabe, sobrang saya ko nung araw na yun!

Pero nung ikalawang beses na nagkita kami, medyo naging iba yung mood nya. Nagbigay sya ng rules na walang halikan at sex dahil hindi pa daw sya sure sa akin kung ako na ba talaga ang para sa kanya. Pero hindi lang yun, pati ung pagtabi namin sa upuan dapat may distansya. Nung mga oras na un, halos masakal na ko sa mga sinasabi nya. Nasabi ko na lang na "okay" sa mga rules nya. Nagpaalam ako sa kanya na papasok muna ako ng kwarto dahil may kukunin ako pero ang totoo, naiiyak na ko. Binuhos ko lahat ng nararamdaman ko sa kwarto. Feeling ko halos 1 week pa lang nung naging kami pero parang ayaw na nya. Pagkatapos mahimasmasan, bumalik ako sa sala at umupo ulit. Napansin nya na namumula mata ko at nagtanung sya kung umiyak ba ko. Sabi ko, hindi, napuwing lang ako! Naging ganun lang buong araw, walang sweet na nangyari. Hinatid ko na lang sya pauwi at nagpaalam sa kanya. Nang nakasakay sya sa bus, iniisip ko kung magiging masaya ba ko sa kanya kahit mahal ko sya? Pero nasabi ko sa sarili ko na titiisin ko na lang hangga't kaya ko.

Nagkita ulit kami pagkaraan ng ilang linggo dahil gusto nya ako makausap ng harapan. Syempre, ako naman si oo kahit nasasaktan! At ayun nga, nagkita kami. Nagsorry agad sya sakin dahil sa mga sinabi nya nung nakaraan tungkol sa mga rules dahil mukhang nasaktan nga daw ako. Dapat daw hindi sya nagsalita sa akin ng ganun. Sabi ko sa kanya, "okay lang, sanay na ko" (drama! Haha!) Pagkatapos, bigla nyang sinabi na "I LOVE YOU!" Nung narinig ko yun, nawala lahat ng lungkot ko! Sinabi ko rin sa kanya na "I LOVE YOU, TOO!" Haha kilig! Nagyakapan kami ng mahigpit at doon ko napagtanto na mahal talaga nya ako. Pinarinig ko sa kanya ang "Love stood still by MYMP" na kanta na alay ko for him. At doon na nagsimula na maging sweet kami. Isang beses, humingi ako ng favor sa kanya. Nagtanung sya kung anu yun. Sabi ko, "pwedeng pakiss?" Alam ko na never pa syang nakaranas ng halik. "Sige, sa pingi lang ha!" Pero pinilit ko sya na sa lips kami maghalikan. At ayun nga pumayag sya. Nung una, nagkakahiyaan pa kami pero kalaunan ay natuloy ito. Sobrang lambot ng lips nya! At amoy na amoy ko ang bango ng hininga nya. Hindi sya marunong humalik kaya sinasabayan nya lang ako kung paano ako humalik. After ng kissing scene namin, sinabi nya na ang galing ko daw humalik. "Hindi naman masyado!" sambit ko.

Hindi lang isang beses naulit un, nung sumunod kaming maghalikan, torrid na. As in pinapasok ko dila ko sa kanya at ganun din ang ginagawa nya sa akin. Sa sobrang libog namin, hindi na namin napigilan ang sarili namin. Tinanggal ko ang pagkaka.buckle ng belt sa pantalon nya at binuksan ang butones. Binaba ko underwear nya at hinawakan ang etits nya. Nakaupo sya sa hita ko paharap at bini.BJ sya. Sarap na sarap sya habang kami ay naghahalikan. Puro ungol lang naririnig ko sa kanya. Pero nandoon pa rin ang kaba ko na baka lumabas mama ko mula sa kwarto at mahuli kami. Binilisan ko pa ang pag.BJ hanggang sa sinabi nya na malapit na syang labasan. At ayun na nga, ang daming lumabas na tamod sa damit ko. Pero hindi doon nagtapos, pinaupo ko sya sa tabi ko at sinubo ko ang etits nya. Sarap na sarap sya sa ginagawa ko. First time nyang makipag sex sa buhay nya. Ang haba ng etits at ang pula ng ulo. Inangat nya ang ulo ko at naramdaman ko na gusto nyang gantihan ang ginagawa ko. Akmang huhubarin na nya ang pants ko pero pinigilan ko sya. Binulungan ko sya "okay lang kahit hindi mo na gawin ung ginagawa ko. Pero may gusto kong gawin sayo next time. Gagawa tayo ng baby!" Haha! Tinapos namin ang ginagawa namin para makaraos sya. Pagakatapos nun, sinabi nya sa akin na gusto nya kami gumawa ng baby pero baka daw masakit. Tinanong nya ako kung top ba daw ako or bottom. Sabi ko sa kanya na top ako (by the way, may sexperience na ko sa una kong relationship na umabot ng isang taon, pangalawa c Gee) pero sinabi ko sa kanya na handa akong magpa.bottom para sa kanya. Actually, gusto ko ng gumawa kami ng baby pero di ko sya pinipilit dahil malaki ang respeto ko sa kanya.

Lumipas ang ilang buwan at lalo naming minahal ang isa't isa. Nagtetext at nagtatawagan kami sa isa't isa pag may oras dahil pareho kaming busy sa school. Nagduduty na ako nun at sya ay maraming project.

Isang araw, naisipan kong tawagan sya para makamusta sya pero hindi nya sinasagot. Mga ilang araw na naging na naging ganoon at kung minsan ay pinapatay nya ang mga tawag ko. Pati mga text ko ay hindi nya pinapansin.

Nagsimula na akong kabahan dahil baka kung ano na ang nangyari sa kanya. O baka ayaw na nya sa akin. Medyo napaparanoid na ko! Dumating ang ilang linggo at wala talaga syang paramdam kahit sa facebook. Nagsimula na akong magduda na baka may iba na sya or ayaw na nya sakin na baka nahihiya lang syang makipaghiwalay. Sobrang nasasaktan na ko sa mga naiisip ko. Ayaw kong magisip ng mga ganung bagay pero hindi ko mapigilang magduda. Nabanggit ko sa kanya noon na hindi ako takot makipagbreak. Okay lang sa akin ang makipaghiwalay. Pero ang inaalala ko ay ang mga memories na pumapatay sa isip at puso ko.

Dumating ang isang buwan at wala pa rin talagang paramdam. Napagdesisyunan ko hihiwalayan ko na sya. Habang tinetext ko sya na makikipaghiwalay na ko sa kanya, hindi ko mapigilang umiyak. Nasayang ang ilang buwan na pagmamahalan namin dahil sa malabong pagsasama namin. Nung nai.send ko na ung text, parang nagsisi ako na dapat hindi ko na lang sinend yun at baka may dahilan sya kung bakit di sya nagpaparamdam. Pero huli na ang lahat. Nung tinawagan ko sya, un.attended na ung number nya. Umiyak ako pero hindi ganun kagrabe dahil ayaw kong maging malungkot ng sobra.

Lagi ko syang naalala sa kahit anung ginagawa ko araw araw. Kaya minsan, hindi na ko nakakapag.focus sa mga ginagawa ko. Ganun pa rin, tinitignan ko facebook nya kahit hindi na kami friends, nagbabakasakali na maging kami ulit.

Lumipas ang 2 taon at medyo nakakamove.on na ako dahil naging busy ako sa work (bagsak ko, sa call center haha!) Hindi na ko nakapag focus sa lovelife dahil siguro napagdesisyunan ko sa sarili ko na ayoko na, ayoko ng masaktan pa! Dumating ang September at naalala ko ang birthday nya ulit. Nagdecide akong i.message sya sa facebook upang humingi ng sorry. Kahit hindi na kami maging friends basta mapatawad nya lang ako. Pagkatapos, nagulat na lang ako na nagreply agad sya! Kinakabahan nanaman ako nung mga oras na yun. Sinabi nya na okay lang yun at gusto nya daw ako makita. Syempre, sumaya nanaman ako dahil magcecelebrate sya ng birthday nya kasama ako!

Nung nagkita na kami at pumunta sa bahay namin, nagulat ako dahil bigla nya akong hinalikan. Syempre, ginantihan ko yung halik nya. Pero sa di ko malaman, naramdaman ko na wala ng spark ung kiss nya. Pagkatapos naming maghalikan, binulong nya sakin na ang galing ko pa rin daw sa halikan. The best daw ako! (Naman!)

Tinanung ko sya kung may boyfriend sya. Nagulat sya sa tanung ko pero sinabi nya na meron at halos mag.aapat na buwan na sila. Sobrang nasasaktan ako habang sinasabi nya sa akin yun pero di ko pinapahalata sa kanya. Tinanung ko ulit sya kung may nakarelasyon sya bago ung present nya. Sabi nya, meron pero flirt flirt lang daw. Nung time na yun, sobrang sinisisi ko ang sarili ko dahil baka na.open ko ung mind nya sa mga ganung bagay. Tinanong ko ulit sya kung bakit hindi sya nagpaparamdam sakin nung kami. Hindi nya rin daw alam kung bakit, dahil natatakot pa rin sya makipagrelasyon.

Pero, mas kinabigla ko ung sumunod na sinabi nya, "pwede bang maging 'friends with benefits' tayo?" Nung nasabi nya un, di ko pinapahalata pero sobrang naiinis ako sa kanya! Parang nawala ang respeto ko sa kanya. Isang sagot lang ang sinabi ko sa kanya, AYOKO! Pinauwi ko na sya after nun at hindi ko na sya tinext hanggang ngayon. Nagiba na talaga sya simula nung magbreak kami. Sinabi ko sa sarili ko na bahala na sya sa buhay nya! Haaaaist pero nandoon pa rin ung panghihinayang..

Sa ngayon, sobrang nagmove on na ko. Pero masaya na rin ako dahil dumating c Gee sa buhay ko at naging aral para sa akin.

(Next time, ikwekwento ko sa inyo ung first relationship ko. Mas gwapo ako dun, promise! Haha!)

Post a Comment

You need to login into your Google account to post a comment.
We will remove spams and duplicate comments.

[blogger][facebook][disqus]

Mencircle

{facebook#https://www.facebook.com/mencircle} {twitter#https://twitter.com/mencircleph} {google-plus#https://plus.google.com/+Mencircle} {youtube#https://youtube.com/mencircle} {instagram#https://instagram.com/mencircle}

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget