Langit Lupa Impyerno (Part 1)

By: GD

Chapter 1: The beginning

Heaven’s POV

“Heaven wake up! Malelate ka na nyan, first day of school pa naman.” Sigaw ng kiuya ko mula sapintuan ng aking kwarto.

“maliligo nap o ako” tugon ko.

“ok! Pag tapos mo bumaba ka na, sabay na tayo mag breakfast”

“ok po”

Haist! New day new school year more headaches. Yan ang nasa isip ko. Totoo naman dibamga estudyante?, bagong pakikipag sapalaran nanaman at sa tingin ko mas mahirap ngayong 3rd year college na ako sa kursong Business administration.

Buntong hininga na lang ang nagawa ko, bukod kasi sa school requirements ehh marami na naman akong makakasalamuhang mga taong di ko naman gusto, I mean ayokong nakikipaglapit ako sa iba. Nasanay na akong mag isa.

Pagkatapos kong maligo ay bumaba na agad ako, nakita ko si kuya Sky at si manang Zeny.

“ Heaven tara na kain na tayo. Hahatid pa kita sa school pagkatapos.” Ang yaya sakin ni kuya Sky

“sige po kayong bahala” at kumain na kami. Tama kayo, hinahatid nya ako sa school since our parents die. Matindi ang nagging breakdown ko noon, kaya nagging hands on na sakin si kuya sa lahat ng bagay.

(A/N: sa ibang chapter nyu malalaman kung bakit namatay ang parents nila.)

Di rin kasi ako marunong mag-drive. Pagkatpos naming kumain ay umalis na agad kami ni kuya Sky. Pagdating naming sa school bumaba na gad ako.

“ sya nga pala Heaven, ito ang allowance mo, inform mo na lang ako kung kukulangin ka” sabay abot sakin ng pera.

“salamat kuya!” sabay bigay ng isang pilit na ngiti. At umalis na sya.
Habang nakatayo ako sa harapan ng gate ay napapbuntong hininga na lang ako. “ Heaven, kakayanin mo yan” sabi ko na lang sa sarili ko. Habang papasok na ako, ay may tumawag sa pangalan ko. “Heaven sabay na tayo” pag lingon ko si Angel pala. Siya ang kaisa isang bestfriend at pinakapinagkakatiwalaan ko mula elementary hanggang ngayun.

OO nga pala, bago ang lahat, kelangan ko muna mag pakilala. Ako nga pala si Heanry Raven Santos. For those who know me, they used to call me Heaven. Sabi nila pilyo ako makulit at gwapo. Mga 5’8” ang height matangos ang ilong, mapulang labi at lean na pangangatawan. Pero noon yun, after kasi mamatay ng parents ko, nag breakdown ako  ng husto, ni sarili ko ay di ko nakayang intindihin. Kaya nagging sobrang hands on na talaga sakin si kuya kahit binata na ako. in other words medyo napabayaan ko na ang sarili ko, nawala na ang pagiging masayahin at pilyo ko, napalitan ng lungkot at takot na makipag socialize sa iba. Malaki ang nagging impact noon saking sarili kaya di ko rin masisi si kuya kung bakit ganun nalang sya ka srict sakin minsan.

Nasa kalagitnaan kami ng paglalagad ng magsigawan ang ibang istudyante. “anyan na ang couple of the century, hahahah” referring on us. Di na lang naming sila pinansin. Sanay na ako sa mga yan, kaya ang sabi ko na lang ay hahabaan ko na lang ang pisi ko

“hoy heaven musta ang summer vacation?”

“as usual sa bahay lang ako, advance study kasi mahirap na ngayung 3rd year na tayo

“di mo man lang ba nasubukan mag liwaliw noong summer” dismayadong tugon nya. Di na ako umimik pa.

Nasa kalagitnaan ako ng pag babasa ng mapansin ko si Angel na parang nag pipigil ng ihi at my tinitignan. Pag lingon ko sa likod nakita ko ang ultimate crush nyang si Demon (Demitri Monfiel ang real name)

“Angel please stop your daydreaming” pagbasag ko sa pag dedaydream nya.

“ hay! Heaven, kelan nya kaya ako mamahalin?” ang nag hahallucinate nyang tugon sakin. Actually maganda naman talaga si Angel, di lang talaga nag aayos ng sarili nya. May hygiene naman sya sa sarili nya pero yung mag lagay na mga make up sa mukha, yun ung di nya ginagawa. At mejo may pagka chubby kasi sya, hahaha an sama kung kaibigan. Pero all in all maganda talaga sya.

“mag-tigil ka nga jan, lalapit lang naman sayo yan pag my kailangan yan ehh!!”

“ok lang yun, basta lumalapit sya sakin at napapansin nya ako. Ehh ikaw Heaven wala ka bang gusto sa kanyan? Tanong nya sakin

“ ano palagay mo sakin Bakla? At kung magiging bakla man ako, yang gunggong nayan magugustuhan ko, hmmp no way. Mas mabuti na lang na mag isa ako kesa mapuna ako sa walang kwentang taong yan.” Inis kung sabi.

“andami mo naming si nabi, ahh! Basta ako type ko sya. I Love You Demitri Monfiel” at buong pangalan talaga. Ayaw nya kasing tawagin itong Demon.

“malala ka na talaga” yun na lang ang nasabi ko!

Sa totoo lang gwapo si Demon, kaso yung ugali bagay din sa kanya. Pasimuno ng pambubully, gulo at kung ano ano pa dito sa school. Ewan ko ba kay Angel kung ano ang nakita nya sa gunggong nay an ganon nalang ang pagka-humaling nito dito. Ginagawa lang naman syang gatasan.

“hay pag ibig nga naman, EWAN!” parinig ko kay Angel

“whatever Heaven”

Biglang dumating ang professor naming kasama ang Dean. Hmmmh bakit kaya

“good morning 3-A” bati nga dean sa amin.

Before you star your class I would like to introduce to your class a new student, please come in iho!” paanyaya ng Dean

At my pumasok na lalaki na medyo emo ang looks. Eye liner, piercing sa magkabilang tenga, buhok na takip ang kaliwang mata at black na t-shirt. Lakas maka emo talaga ni kuya.

Sa looks my dating sya. Matangos ang ilong, makinis ang mukha cute na dimple kahit di pa sya ngumingiti. Ang gwapo niya. Ay teka, bakit ko nga ba pinapansin yun? Wala pala dapat ako pakialam.

Then out of nowhere nag salita sya. Baritonong boses ne medyo my pagka-husky, ano to emo na rakista? “hi! I am Hellios Drake Tan, you can call me drake. Nice to mee you all!” pakilala nya saming lahat.

At nag-bulong bulungan ang mga babae sa room naming

“grabe ang cool nya” girl 1.cool ba yung emo? Sabi ko sa isip

“ang gwapo nya” si girl 2. Well tama sya dun. Pero teka nga bakit ako sumasang-ayon?

“oo nga! Haayy nag-wewet ako gurl.!” Si girl 3.

Natawa ako sa mga sinasabi nila. Pero nanlaki ang mata ko ng Makita kong nakatingin sya sakin, na para bang gusto nyang makipagkilala. Bakit kaya? Pero  Agad akong umiwas ng tingin, kasi feeling ko namumula ako, lalo na nung ngumiti sya sakin. Taena bakit ganun, bakit sya ngumiti?

“go Drake you can have your seat, and enjoy the company with them” sabi ng Dean.

Nag-aadvance reading ako ng my napansin akong naka tayo sa harapan ko. Nag angat ako ng tingin, at nagulat ako ng sya na pala yun nakatayo sa harapan ko!

“can I have a seat?” tanong nya

“ahhh! Ehh! Ahhmm!” bakit ako nauutal ehh simple lang nman ang tanong nya.pero biglang lumapit si Demon sa amin

“Pre! Dito ka umupo tabi ka na lang sakin. Wag ka jan baka mahawa ka ng kaweirduhan ng mga yan” sabay titig sa amin. Syempre si Angel mukha na naming sira!

“ahh! Sige sige” tugon na man ni Drake.sabay tingin sakin na para bang gusto nyang pigilan ko sya. Nakakatunaw ang titig nya. Pero back to the reality, bakit ko naman sya pipigilan ehh di naman kami mag kakilala. Kaya ayun sumama sya kay Demon

“ang gwapo ni Demon, pati si Drake” si Angel

“ewan ko!” pag iwas ko sa usapang gwapo. Na napansin naman ni Angel.

“bakit ewan? Di mo ba nakita? Ahh! Siguro type mo si Drake no? ayiee si Heaven, my mahal na. kala ko ba di ka bakla? Pang aalaska nya sakin ng pabulong.

“huh! Pano mo naman nasabi” iritado kong tanung!

“ayan ang pruweba” sabay turo sa pisngi ko. Namumula ka. Kanina pa simula ng magkatitigan kayo.” Walng hiya ito, kanina pa pala nya napapansin. Kaya mejo nainis pa ulit ako.

“hoy! Hindi ahh! Shut up Angel” medyo napalaks ang pagkakasabi ko kaya nagtinginan samin ang mga class mate naming, si Drake at ang professor naming. Agad naman skong yumuko. I Hate to be the center of attraction.

Syempre ang usual na routine pag 1st day of school is Introduce your self and expectation sa subject at professors. Pero pakiramdam ko  may nagmamasid sakin. Kaya di ako maka focus. Pagtingin ko sa likod ko si Drake nakatingin sa akin, Fuck bakit ganun sya makatingin? Nahihiwagaan ako, bumubils ang tibok ng puso ko ano ba ito?

Demon POV

Hahah thanks kay otor at my POV ako, ako nga pala si Demitri Monfiel Torres. Known to be the Bad boy of College of Business Administration.

“Pre! Dito ka na umupo tabi tayo! Wag ka jan baka mahwa ka ng kaweirduhan ng mga yan.” Sabay tingin ng masama, lalo na kay Angel. Alam ko kasi na crush nya ako. maglaway ka jan, di mo ako matitikman. Hahahah!

“ahh!! Sige sige” tugon nya, Ayoko ng nick name nya.mukha naming madali syang pakisamahan, kaya nag usap agad kami.

“”ako nga pala si Demitri Monfiel, Demon na lang” sabay abot ng kamay

“ako naman si Hellios Drake. Drake na lang.” tugon nya sa akin at abot din ng kamay.

Nakapag usap kami ng matagal. Marami kaming napagkasunduan, kaya madali kaming nakapagpalagayan ng loob. Kwento dito, kwento doon, tawa dito tawa doon, trip dito trip doon.

Matapos na ang klase kinausap ko ulit sya

“ ahh! Drake sandal lang!”

“bakit Demon?”

“ahhm magagalit k aba kung papalitan ko ang nick name mo? Masyado na kasing usual and drake ehh! Saka tropa naman tayo diba?

“ahh! Ehh ano naman ang gusto mong itawag sakin? Tanong nya. Napaisip ako, then Brain Blast. Ahahah my Brain pala ako!

“ano kaya kung HELL na lang?” then he gave me a quizzical look! Takte napaenglish ako dun Brad. Hahaha. “short for Hellios. Astig diba. Kung my Demon dapat my Hell. Hahhaah!” Sabay tawa ko!

Napangiti sya at tumango “ sige ba, mukhang astig nga pakinggan, ako si HELL at ikaw si DEMON, perfect combination,”

“nice brad.! Tara sama ka basket ball tayo!” aya ko sa kanya na sya naman sinang-ayunan nya.

Pano kaya babaguin ni Hell ang takbo ng mundo ni Heaven? Abangan sa mga susunod na kabanata.

(A/N: pasensya nap o sa mga typos, at wrong grammar. Di ko na po kasi na proof read to kaya ganun, hahaha! I would like to here your comments and side about my story so don’t hesitate to write a comment, J

Itutuloy…

Post a Comment

You need to login into your Google account to post a comment.
We will remove spams and duplicate comments.

[facebook][disqus][blogger]

Admin

{facebook#https://www.facebook.com/mencircle} {twitter#https://twitter.com/mencircleph} {google-plus#https://plus.google.com/+Mencircle} {youtube#https://youtube.com/mencircle} {instagram#https://instagram.com/mencircle}

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget