Law Abiding Citizen (Part 2)

By: Mo

Nagising kami ng 8:45am, ramdam ko yung init at baho ng hininga nya pero wala lang yung sakin, magkayakap pa rin kami.  Ngunit wala pa rin kaming kibuan pero parang hindi naman siya naiilang pero parang malalim din yung iniisip. Natatakot din ako mag salita or magtanong kung may ibig sabihin ba yung nangyari kagabi or wala.

Bumangon na siya para mag ayos ng muka. Habang nanatili akong nakahiga. Walang bumabasag ng katahimikan hanggang may kumtok sa pinto,

“Hoy, mga koya bangon na. Kakain na daw.” Tawag ni Jethro na parang na-exexcite ng kumain.

“Wait lang palabras na, nasa banyo nyo Josef.” Sagot ko.

“Ay! Bakit di ko napansin. Tahimik nyo eh. Di kami sanay.” Sagot nya papalayo sa pinto na parang nagkakamot pa ng ulo.

Lumabas ako kwarto. Nakaupo na silang lahat sa kainan at niyayaya na nila akong kumain kahit hindi pa ko nakakapag hilamos. Wala pa din imik si Josef, pero laking pasalamat ko’t madaldal si Jean at Jethro noong araw na yon dahil mas mapapansin na hindi kami nag kikibuan kung nakatahimik rin ako. Pagkatapos kumain, nag paalam si Josef na matutulog muna daw ulit siya dahil medyo napuyat daw siya sa pakikipagkwentuhan sakin. Nagtext na rin ako sa kuya na sunduin ako ng mga 11:00am, hindi na ko naligo. Nag text na lang din ako sakanya na aalis na ko. Hindi ko rin kasi alam kung paano siya kakausapin. Kung ano sasabihin ko sakanya. Ayoko muna ng gulo, at mas lalong ayoko munang masaktan.

Fast forward: 5 days later (Thursday)

Hindi pa rin kami nag uusap ng masyado. Well, nagkakamustahan sa messenger, tina-tag pa rin nya ko sa mga kalokohan sa fb, nagkita rin kami once after ng work. Pero hindi normal, alam mo merong gap sa gitna namin.

“Saan ka?” isang text mula sa isang unknown number.

“Sino ka?”

“Tungaw si Jean to. Wala ka talagang kwentang kaibigan. Di mo man lang i-save number ko.”

“Ako pa tungaw, ikaw tong papalit palit ng number. Anyways, why?”

“Luwas ka. Walang hindi or maybe, luwas ka. Naka-oo na silang lahat. Utos to. Wag ka na text back, wala kang halaga.”

Naisip ko na lang na, sobrang sira ulo pala tong kaibigan ko na yon. Muka lang mabait, malamig lang boses pero balasubas rin eh. Well, kaya nga siguro ngaing kaibigan ko sya. Pero minsan ko lang naman rin sya makita or minsan lang sya mag request. Minsan na lang rin naman kasi mabuo ang barkada buhat noong nagkatrabaho kaming lahat. Kaya okay na din. Nag leave ako ng Friday sa work para don.

So, yun nga. Sarili sariling punta muna don, magkakaiba kasi ng uwi. Ako lang naman tong nag leave no. As usual, pinagdala nila ko sasakayan. Nakadating ako ng trinoma ng bandang 5:00pm. Maganda naman akong kausap tungkol sa time, alam kong male-late sila pero ayoko rin kasing ako yung hinihintay. Naabutan ko na sa may McDo si Jean na naghihintay.

“Uy, nasan sila?” tanong ko.

“Mamaya pa mga yun, mga alas-syete. Ma-lelate daw.”

Nagtaka ako kung bakit ma-lelate, “Bakit daw?” Tanong ko muli.

“Eh ewan.” Sabay ngiti, “Date muna tayo, dami pa tayo kailangan pag usapan.”

“Ha?”

“Basta, tara dito” Habang tinuturo yung upuan sa tabi nya.

“Wala ng paligoy ligoy, direct to the point na ko. Mahal mo ba si Kuya?”

“Ah….” Huminto ako, huminga ng malalim, “Ba.. bakit mo natanong yan?”

“Sasagot ka ba o hindi? Oo’t hindi lang.”

“Haaaaa!!!!!” Di ko alam sasagot ko, kailangan kong maglabas muna ng hina ng loob, “Paano kung oo? At kung tatanungin mo din ako kung umaasa ako, oo. Umaasa ako sa kuya mo, kahit di ko alam kung gusto pa din nya si Ate Ria, di ko alam. Wala akong alam.”

“Madali lang di ba?” umiba sya ng pwesto at humarap sakin, “Una sa lahat, wala na si Ria. Di na naming alam kung nasaan sya. Pangalawa, bakit ayaw mong umasa? Sa dami daming ginawa sayo ni kuya di ka pa rin aasa? Pangatlo, wala din akong alam… magulo….”

Akmang magsasalita na sana ko para patigilin sya, ayoko kasing makarinig ng masasakit na salita, “Oh, wag ka muna mag react,” sabi nya, “mahal ka non, mahal na mahal ka non. Hindi dahil sa ginawa nyo kagabi ha.” Sabay ngiti sakin.

Parang nagka tulili ako sa tenga non. So ibig sabihin alam nya? Paano nya nalaman? Pakiramdam ko gusto ko ng lumubog nung oras na yun. Gusto kong munang maglaho, gusto kong itapon cellphone ko, magpalit ng pangalan, mag palit ng buong identity, mag book ng flight sa ibang lugar tapos di na ko babalik. Hiyang hiya ako!! Hindi ko alam gagawin ko. Magtatanong ba ko kung paano nya nalaman or di ko na lang papansinin.

“Haaaay!” bumuntong hinga na lang ako.

“Alam ko yun, tanga nyo din gumawa ng kababalaghan. Dapat medyo tumahimik naman mga ungol nyo. Pasalamat kayo kasi kami katabi ng kwarto nyo.”

“Alam na ni Jethro?” nagaalala kong tanong.

“Say whut! Kakauwi lang ni Jethro nung ginigising nya kayo, kaya wag kayong magalala.”

“Eh, ano paguusapan natin? Alam mo naman pala lahat.” Tanong ko.

“Ganito! Kapatid ko yun, kaibigan kita. Halos kapatid na rin kita. Kaya ayokong nakikitang di kayo nag uusap.” Huminto muna siya at may tiningnan sa cellphone, saka ulit tumingin sakin, “Hindi ko sure kung mahal ka nya, wala naman siyang sinasabi sakin. Actually, I’m waiting na sabihin nya sakin yung “Status” nyo, alam mo naman kasi na kumplikado pero …” tumigil sya…

“Pero ano… nakikinig ako. Hassle kang kausap.”

“Pero bakit pakipot ka, bakit ayaw mo, bakit ayaw mong umasa, bakit? Kuya ko na yon. What more can you ask for? Gwapo, matalino, may maayos na trabaho kahit di malaki sweldo, may faith, caring. Bakit ayaw mong sumugal? Why don’t you try to make a move instead of waiting him to? Di ba?”

“Ha? Because wala naman siyang sinasabi. Ayokong masira kung ano meron kami.”

“Tangina naman, Mo! Napaka-stupid mo. Look, he even wants to have sex with you and yet you’re there nagpapakipot. Like?” Inis nyang sabi sakin.

“Okay! Here’s the thing. He wants to have sex with me. But it doesn’t prove na may love yon. You can have sex with everyone and still di ka nila kayang mahalin. Pampalipas, parausan?”

“Ha! I don’t get you. You know kuya that much. It came to the point that you look like brothers kesa samin.  Tapos tingin mo sakanya magiging parausan ka sakanya?”

Halata mong inis na siya sakin. Hindi ko kasi ma-gets! I feel like I have a point that day. I have a point na, di naman lahat kasi na gusto kang maka-sex means mahal ka na or what. Right?

“Okay! Josef is nice, he is. A sweet fine looking man.  A mature one, yung kahit hindi siya gwapo. You can fall in love with him all over again because of the way he does pero wala siyang sinasabi kung mahal nya ko or hindi. Look, I even told him that I love him pero bakit walang sagot.”

Tumingin sya sakin ulit, yung seryosong tingin, “Di ko alam kung tanga ko or hindi. Well, hindi naman masalita si Kuya talaga di ba? Hindi siya vocal sa feelings nya kahit saming magkapatid or kay Mama and Papa. You knew each other for 4 years na and all he does is care for you, be there when you need him, make you happy and everything. 3 years na nung umalis si Ate Ria ng walang paalam at yun din yung day na naging mas attached kayo sa isa’t isa.”

Wala na kong imik that time. I don’t what to feel anymore, a part of me wants to hope for something while the other part says no, stop and breathe.

“There is a lot of times na halos na sabihin nya sayo na mahalaga kan based on his actions pero bakit di mo yan nakikita.…” Sobrang seryoso ng muka nya and  that’s the first time na ganon yung expression nya na kausap ako,

“Little things? Yung pinagdadala ka nya ng lunch sa work mo, pinag titimpla ka nya ng kape every time na gusto mo ng kape, hinayaan nyang makatulog ka sa braso nya kahit na sa public place kayo, sinasama ka nya sa mga family gatherings namin, yung binigay nya sayo yung relo na precious sa kanya kasi binigay ni daddy yun on his 25th birthday, when he made you some cakes, kahit sunog, on your birthday. Yung bumalik siya para samahan ka nyang mag hintay ng jeep nung mahaba pila sa sakayan kahit na nakauwi na siya, nung kumain siya ng seafoods dahil pinapakain mo siya kahit sila mama di yun napakain nun, there’s a lot. Alam mo bang naiingit na kami ni Jethro sayo minsan pero we realized na importante ka kay kuya tapos ngayon sasabihin mo na he was just using you?”

Sobrang dami nyang sinabi that time. Nakalimutan ko na yung iba but every thing that Jean said has a point. Di na ko nag salita siguro alam na nya na iniisip ko na lahat ng sinabi nya.

“Okay, wag kang mag salit for now”, dagdag nya, “maybe I don’t know kung mahal ka nya as special someone, but I know he cares and trust you and minsan mas maganda pa yung trust and care kesa sa love.”

“Dami mong alam.”, Tanging nasabi ko sakanya.

Wala akong laban sa sinabi nya saka medyo na-rerealize ko rin naman sinasabi niya sakin. Pagktapos namin mag usap, niyaya nya muna ko sa bilihan ng cap habang hinihintay yung mga kabarkada namin. Before 7pm naman nakarating na sila, kumain kami, nag bonding, medyo matagal na rin kasi naming di nagagawa yun. Isa pa, wala pa kaming damit sa kasal nila Kuya Bon at Ate Cess, kaya bumili na rin kami. Well, kailangan ko rin kasi ngn konting chill sa buhay. I feel like I’m just 21 para sa love love na’to. Umuwi na rin kami ng mga 9:30.

Post a Comment

You need to login into your Google account to post a comment.
We will remove spams and duplicate comments.

[blogger][facebook][disqus]

Mencircle

{facebook#https://www.facebook.com/mencircle} {twitter#https://twitter.com/mencircleph} {google-plus#https://plus.google.com/+Mencircle} {youtube#https://youtube.com/mencircle} {instagram#https://instagram.com/mencircle}

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget