$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

A Beautiful Artifice (Part 1)

Habang yakap-yakap sa magkabilang mga braso ang mga bote ng alak, tinitigan ko ang aking kaibigan.

By: Joshua Anthony

This is my first time to write a novel in almost-full Tagalog. Quite a challenge, actually, since I started using full Tagalog as a language just in 2015. However, maayos na siguro ang outcome.

This is how my teacher wanted me to practise aside from conversing with my friends and relatives here in Tagalog. Maganda naman ang training for my tongue, so far.

Anyway... Partly, I can say na this is my story, as well. Some of the main characters' experiences here were based on mine. I just changed some details to make it more "Pinoy-touched," if I may.

Note: Excuse some of the words you may find weirdly spelt here like "realise" instead of realize. That's how we do it in the UK and yes, some of my friends here still get weirded out by those up until now.

The story is still on-going; not completed yet. So bear with me, guys. Hope you'll like it!

Also, I'm still a noob here on Wattpad so yeah... Cheers!

“Wag mong sabihin na uubusin mo ang oras mo sa mga alak na ‘yan.” mahinanon kong sabi kay Sebastian habang dahan-dahang pinupulot ang mga bote ng alak sa paligid.

Parang wala lang siyang naririnig at nakatingala pa rin sa langit. Pinagmamasdan marahil ang ganda ng mga bituin sa maaliwalas na kalangitan.

“Tara na, Seb. Baba na tayo.” matapos kunin ang ikaapat na bote ay lumapit ako sa kinaroroonan niya upang kunin naman ang huling bote na hawak niya. “Akina, ako na rin ang magbibitbit niyan.”

Iniiwas niya ang bote nang akmang kukunin ko na. Iniling-iling ang kanyang ulo upang matanggal marahil ang ngalay ng kanyang leeg mula sa pagkakatingala.

Tinitigan ko siya. Habang yakap-yakap sa magkabilang mga braso ang mga bote ng alak, tinitigan ko ang aking kaibigan. Ang kulot niyang buhok na nilalaro ng malamig na hangin ng Disyembre. Ang kanyang makakapal na mga kilay na bahagyang nakakunot at salubong. Ang maputi at maamo niyang mukha na may mapupulang pisngi dahil na rin sa bahagyang pagkakalasing.

Pinagmasdan ko rin ang matitingkad niyang mga mata na animo’y namamangha sa ganda ng kalangitan. Iniisip na habang siya ay nakatingala sa langit, ako naman ay nakayuko at pinagmamasdan ang isang anghel.

“Hayaan mo na muna ako rito.” mahina niyang sambit nang hindi man lang iniaalis ang kanyang tingin sa mga bituin.

Natuon ang aking atensiyon sa kanyang mga labi. Mapula, manipis.

“Lasing ka na yata, Seb. Tara na, pahinga ka na.” pang-aamo ko sa kanya; umaasang sa ganoong pakikipag-usap ay makikinig siya.

Bahagya siyang pumikit. Hindi ko mawari kung dahil lang ba iyon sa antok niya na marahil ay epekto na ng alak o dahil humapdi lamang ang kanyang mga mata mula sa pagkakatitig sa mga bituin sa kalangitan. Magsasalita na sana akong muli nang bigla kong napansin ang pamumula ng kanyang ilong. Sumisinghot din siya ng marahan na parang pinipigilan ang sarili sa kung ano mang bagay na ayaw niyang gawin. Maya-maya pa’y nakita ko ang pagtulo ng mga luha mula sa kanyang nakapikit na mga mata.

Ang aking anghel, ang taong pinakamalapit at mahalaga sa akin, nilulunod ang sarili sa alak dahil sa pag-iwas na malunod sa sariling luha.

“S-seb…” wala na akong sunod pa na nasabi dahil hindi ko rin naman alam kung ano ba ang dapat sabihin.

Iminulat niya ang kanyang mga mata at nagmadaling tumayo patungo sa akin. Walang anu-ano ay bigla siyang nagpatirapa payakap sa akin at ibinuhos sa pag-iyak ang sakit na nadarama. Nabitawan ko naman lahat ng hawak kong bote upang saluhin siya. Hindi ko maiwasan na maiyak din dahil sa lakas ng kanyang hagulgol, ngunit ginagawa ko ang lahat upang pigilan ang pag-agos din ng aking luha.

“D-duwag kasi a-ako, Chard, eh. D-duwag ak-o!” sambit niya na animo’y umiiyak at nagpapaliwanag sa ina dahil sa isang kasalanan na nagawa. “W-wala ak-ong k-kwentang kai-bi-gan, Ch-chard. L-lahat ng pinag-sama-han n-natin, s-sina-yang ko l-lang. Bina-le-wala k-ko!”

Habang inaalalayan siya sa kanyang mahigpit na pagkakayakap ay ako naman ang tumingala at tumitig sa langit. Kasabay ng ingay ng mga sasakyan sa kalsada sa ibaba ay ang ingay ng mga bagay na tumatakbo sa aking isipan.

Bata pa lang ay magkaibigan na kami ni Sebastian. Dahil sa magkatabi lang naman ang aming mga bahay sa aming subdivision, palagi kaming magkasama halos sa lahat ng bagay.

Ilang buwan lamang ang tanda ni Seb sa akin, kaya naman sabay din kami halos sa lahat ng karanasan talaga sa buhay. Mula sa pagpasok sa eskwelahan, hanggang sa paglalaro sa labas at ng computer games, maging ang panonood ng paboritong palabas ay sabay naming kinalakhan.

Si Sebastian kasi talaga ang una kong naging kaibigan nang lumipat kami sa subdivision namin na ‘yon. Mula sa Benguet ay nadestino kasi ang trabaho ng aking ama dito sa Cavite at hindi muling nadestino pa sa ibang lugar magmula noon.

Mabait na tao si Seb. Katulad ng mga nabanggit ko kanina, siya ay may maamong mukha, kulot ang buhok na kulay dark brown, mapupungay na mga mata na kulay asul, maninipis na mapupulang labi, at makakapal na pilik-mata’t kilay. Matipuno nang bahagya ang kanyang katawan dahil na rin sa hilig niya sa sports lalo na sa swimming. Maputi rin siya at di hamak na mas matangos ang ilong kaysa sa akin dahil Briton ang kanyang ama. Halos ilang beses lang din sa isang taon kung magsama-sama sila ng kanyang mga magulang dahil sa London nagtatrabaho ang pareho niyang ama at ina. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit naging sobrang lapit ng loob namin bilang magkaibigan.

Halos sa bahay na rin kasi siya tumira at normal na sa amin ang maglabas-masok sa kanya-kanyang mga bahay lalo na’t dalawang kasambahay at isang driver lang naman ang kasama niya palagi sa kanila. Anak na rin ang turing sa kanya ng aking mga magulang at Mama at Papa na rin ang tawag niya sa kanila.

Ang pamilya ko naman ay hindi naman ganoon kayaman. Nakaaangat sa buhay, oo, pero hindi ko rin naman masasabi na sobrang mayaman. Engineer ang aking ama at isang butihing guro naman ang aking ina. Katulad ni Seb, nag-iisang anak lang din ako.

Bahagya ring kulot ang aking buhok ngunit hindi lang masyadong halata dahil palaging malinis ang aking gupit. Makapal din ang aking mga pilik-mata at kilay, may malamlam na mga mata, at katamtamang kapal ng labi. May kaputian din naman ang aking balat ngunit hindi katulad ni Seb dahil sa ako ay purong Pinoy. Tubong Benguet kasi talaga ang aking mga magulang. May katangkaran din naman ako, ngunit di hamak na mas matangkad sa akin si Seb. May kapayatan din ako kumpara sa kanya. Marahil ay hindi naman talaga payat kung tutuusin, hindi lamang siguro batak ang aking mga laman-laman.

Mabuti na lamang at pamilya na rin ang turing sa akin ng mga magulang ni Seb dahil heto nga’t dito ako ngayon sa condo nila sa Makati tumutuloy upang mag-aral ng kolehiyo.

“So paano, Chard, ikaw na lang muna bahala diyan sa tukmol na ‘yan ah?” natatawang paalala ni Tita Liza habang magkakausap kami sa Skype. Sila ni Tito Lance ang nasa kabilang screen, habang ako naman at si Seb ang nasa isa.

“Mom, stop! Ask dad if he knows what ‘tukmol’ means.” sabat naman ni Seb na abalang naghuhugas ng aming pinagkainan sa lababo.

“Hey. I know what that means! That’s some sort of dimwit, yeah?” banat naman ni Tito Lance na nakangiting nang-iinis sa kabilang screen.

“Sebastian, take good care of Richard, yeah?” paalala ni Tita Liza. “Alagaan mo ‘yang si Chard kundi ay sige ka, malalagot ka rin sa Mama Edith mo.”

“Ayos lang naman po kami, Tita.” sabi ko. “There’s nothing to worry about. Really.”

“Yes, mommy. Takot ko lang kay Mama Edith na makurot ako sa singit.” pagbibiro pa ni Seb. Si Mama kasi, palagi kaming kinukurot sa singit kapag masyado kaming pasaway. Kahit na ngayong nasa kolehiyo na rin kami.

Ilang minuto pa kaming nag-usap at nag-asaran, ngunit nauna na ako sa kwarto upang mahiga. Iniwan ko na lamang si Seb sa dining table upang makapag-usap pa silang pamilya. Gusto ko rin na munang magbasa ng libro kaya naisipan ko na rin talagang mahiga.

Two-bedroom ang unit ng condo nila Seb, ngunit sa iisang kwarto kami natutulog. Ang kabilang kwarto kasi ay ginagamit ng mga magulang niya sa tuwing sila ay uuwi upang magbakasyon dito. Bukod pa roon, mas tipid sa aircon. Kaya kahit na anong pilit nila na gamitin ko na muna iyon ay pinilit ko talaga silang kumbinsihin na ayos lang sa akin ang sa kwarto ni Seb manatili.

Maya-maya pa ay pumasok na rin ng kwarto si Seb at sumampa sa itaas na kama. Bunkbed kasi ang aming higaan; siya sa top bunk at ako naman ang sa ibaba.

“Excited ka na bukas, ano?” sambit niya habang pilit na inilulusot ang isang kamay sa gilid ng aming higaan upang i-plug in ang kanyang cellphone charger.

“Ayos lang. Parang ganun din.” sagot ko at bahagyang bumangon upang tulungan siyang isaksak ang charger. “Ikaw siguro ang excited. Magkikita na ulit kayo ng syota mong hilaw na si Angela.” pang-aasar ko sa kanya.

“Haha! Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na hindi ko nga siya girlfriend.” paglilinaw niya. “At isa pa, lumipat na raw sila ng pamilya niya sa Cebu.” paliwanang pa nito. “Ikaw kamo! Ano, kayo na ba nung babaeng patay na patay sa’yo?”

“Si Maddie? Hahahaha! Hindi ko naman ‘yun gusto. At makulit lang talaga ‘yung tao, ‘wag mong bigyan ng kulay.”

“Sige ka. Kapag ikaw naunahan ng iba, wag kang iiyak-iyak sa harap ko ah.” banat pa niya.

Isinara ko ang librong hawak at inilapag sa maliit na mesa sa tabi ng kama. “Utut! Never. Ikaw lang naman itong iyak ng iyak dahil sa mga babae na ‘yan.”

“Haha! Utut pala ha. Tignan mo lang kapag ikaw tinamaan din, tatawanan din kita kapag umiyak ka rin.” sagot niya.

Sa totoo lang, alam ko naman ang ibig niyang sabihin. Oo, hindi pa naman ako umiiyak dahil sa pag-ibig pero alam ko kung papaano ang may mahalin at masaktan. Sa kanya ko iyon nararanasan, ‘yun nga lang at hindi niya alam. Wala rin naman akong balak na ipaalam dahil ayaw kong masira ang aming pagkakaibigan.

Inaamin ko na noong mga bata pa lang kami ay palagi ko talagang gusto na kasama si Seb. Maaaring noong mga panahong iyon ay hindi ko pa lubusang naiintindihan ang aking pagkatao, lalo na ang aking sekswalidad. Hindi naman kasi ako malambot kumilos. May malalim at bilugan din naman akong boses. At higit sa lahat, lumaki naman ako na nahihiligan ang mga laro at laruan na sinasabi ng karamihan na "panlalaki."

Ngunit sa paglipas ng maraming taon ay mas naging bukas ang aking isipan sa realidad ng buhay. Alam ko sa sarili ko na attracted ako sa kapwa ko lalaki at pinagpapantasyahan sila. Kahit na hindi naman halata sa aking panlabas na itsura at pakikitungo sa iba, alam ko na hindi ako isang totoong lalaki.

Mas nag-iba ang tingin ko sa aking matalik na kaibigan simula noong kami ay maging junior sa high school. Nabawasan ang tindi ng aming asaran at mas nagkaroon ng puwang ang maturity sa aming mga usapan. Madalas akong iyakan ni Seb dahil sa mga palpak niyang karanasan sa pag-ibig sa mga naging girlfriends niya dahil halos kapatid na nga ang turing niya sa akin. Lingid sa kanyang kaalaman ay nasasaktan din ako sa tuwing nakikita siyang nasasaktan. At sa tuwing nagiging maayos ang kanyang kalagayan kasama ang bago niyang nagiging nobya, ay lihim pa rin akong nasasaktan.

Siya kasi ang nais kong makasama habambuhay. Siya at siya lang.

Siguro masasabi ko na pinipili ko na lang maging masaya sa kung ano ang meron sa amin sa ngayon. Mas ayos na ang ganito, kaysa naman ang mawala siya sa akin kung sakaling hindi niya ako matanggap kapag inamin ko sa kanya ang aking nararamdaman.

“Sophomores na tayo oh. First day as sophomores bukas! Nakakatuwa, ang bilis ng panahon.” masaya kong sambit sa kanya.

“Oo nga, sophomore na pero wala pa rin ako nagiging matinong girlfriend.” aniya.

“Girlfriend na naman? Puro na lang girlfriend pinoproblema mong bata ka!” sagot ko naman sa kanya.

“Eh kasi naman! ‘Yung huling beses na nagka-girlfriend ako ng matino noong nasa senior high pa tayo! Gusto ko na magkaroon ng maayos na lovelife, tol.” pagrereklamo niya.

Si Naomi ang sinasabi niyang matinong girlfriend noong high school. Totoo naman na matinong nobya si Naomi. Maasikaso, matalino, malambing, responsable, at higit sa lahat ay mahal na mahal siya. Hindi ko lang din talaga alam kung bakit siya biglang iniwan ng babaeng ‘yun. Kaibigan ko rin naman kasi si Naomi dahil naging classmate na rin namin siya grade school pa lang.

Ang balita ay bigla raw itong nag-migrate sa Australia kasama ang kanyang dalawa pang kapatid dahil nai-petition ng ina.

Iyon na yata ang pinakamatinding kasawian noon ni Seb. Hinding-hindi ko makakalimutan ang nangyari na ‘yon dahil naisipan pa niyang magpakamatay nang dahil doon. Mabuti na lamang kahit papaano ay nariyan din ang aking mga magulang na siyang sumoporta kay Seb sa kanyang pinagdaanan. Iyon marahil ang dahilan kung bakit abut-abot na lang din ang pasasalamat nina Tito Lance at Tita Liza at kami ang nakakasama palagi ni Seb.

“Huy!” Nawala ang pagbabalik-tanaw ko sa nakaraan na iyon dahil bigla akong binato ni Seb ng unan sa mukha.

“Aray ko! Bwisit ka!” daing ko sa kanya.

“Tulungan mo na akong magkaroon ng matinong girlfriend, tol!” bigla nitong sagot. “Iyon lang! Iyon lang talaga, tol, magiging okay na ako!” dagdag pa niya.

“Seb naman… Saan naman ako kukuha ng matinong girlfriend? At isa pa, wala akong panahon sa mga ganyang bagay.” rason ko sa kanya. “Kaysa mamroblema ka riyan, bakit hindi mo na lang igugol ang atensiyon mo sa pag-aaral? Para naman gumanda-ganda grades mo, tukmol ka!”

“Wow! Tigil-tigilan mo nga ako sa mga kakaganyan mo.” sagot niya habang nakadungaw mula sa top bunk ng aming higaan. “Ganyan na nga lagi ang bukambibig nila Mommy at Daddy, pati ba naman ikaw?”

Binato ko rin sa kanya ang unan at nasalo naman niya ito kaagad.

“Ayoko naman grumaduate ng college nang hindi pa nagkakaroon ng matinong girlfriend.” mahina niyang sambit matapos bumalik sa pagkakahiga. “Sige ka, kapag ako hindi nagkaroon ng girlfriend bago tayo maging juniors, ikaw na lang gagawin kong girlfriend.”

Nagulat ako sa sinabi niyang ‘yun. Alam ko rin naman na hindi siya seryoso sa sinabi niyang ‘yon. Napaisip lang ako kung may ideya na ba siya kahit kakaunti sa kung ano ang tunay kong nararmdaman sa kanya.

“Hoy! Narinig mo?” malakas niyang sabi. “Sabi ko, ikaw na lang ang gagawin kong girlfriend kapag hindi mo ako tinulungan.”

“Ulol!” bigla ko namang sagot. “Sa tingin mo naman tutulungan talaga kita? Asa ka.” pang-aasar ko pa na ikinatawa niya naman ng malakas.

“Try me!” sagot niya. “Ikaw ang gagawin kong girlfriend. Richard James Dela Rosa—the girlfriend of Sebastian Collins!” sabay tawa ng malakas.

Bigla ko na lamang sinipa ang kanyang higaan habang natatawa rin. Kung sa kanya ay isang biro lamang ang lahat ng iyon, ako naman ay hindi na malaman kung saan ilalabas ang tuwang nararamdaman. Mabuti na lamang at hindi niya kita kung papaanong namumula na siguro ang aking mga pisngi dahil sa kilig. Alam ko na hindi ‘yon kailanman magiging totoo, pero hindi ko lang talaga mapigilan ang aking sarili kahit sa mga maliliit na kulitan namin na ganon.

“Gago, tol. Magiging mas sikat tayo sa school kapag nagkataon!” hirit pa ng tukmol.

Kahit naman kasi papaano ay popular naman kami talaga sa school. Siya bilang part ng swimming team at ako naman bilang parte ng Student Council and Scholars’ Org. Bukod pa roon ay palagi rin akong naaatasan na mag-host ng mga school events.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: A Beautiful Artifice (Part 1)
A Beautiful Artifice (Part 1)
Habang yakap-yakap sa magkabilang mga braso ang mga bote ng alak, tinitigan ko ang aking kaibigan.
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhxcC4toJyppBIzOxx_rMiPaPc7Iq_10B7Q7Bf38KfzmLstSsUOMt2pftCez2HXg8Ax9t7xswS6_bk5vjLawRR8HdcO_fXKRzmxb4q7U0TB0jaPkwgPxKh6ILVVBse6qrShmTTeUw6Wee9l/s1600/A+Beautiful+Artifice.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhxcC4toJyppBIzOxx_rMiPaPc7Iq_10B7Q7Bf38KfzmLstSsUOMt2pftCez2HXg8Ax9t7xswS6_bk5vjLawRR8HdcO_fXKRzmxb4q7U0TB0jaPkwgPxKh6ILVVBse6qrShmTTeUw6Wee9l/s72-c/A+Beautiful+Artifice.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/03/a-beautiful-artifice-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/03/a-beautiful-artifice-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content