Leave Your Lover (Part 8)

Leave Your Lover

By Pascal

Halos punuan lahat ng mga resort ngayon buti nalang swerteng may nakuha pa kami. Ok naman yung nakuha namin. Dalawa lang yung kwarto pero may space naman ok na para sa grupo ng mga babae at grupo ng mga lalaki. Oo hiwalay, bukod sa dadalawang room lang ang availabe hindi pa naman umaabot sa sukdulan ang kalandian ng mga kasama ko. Tinatanong nyo siguro kung saan ako matutulog? Syempre sa kwarto ng mga boys teh, boy parin naman ako.

Ready na ang lahat ng pagkain alak at iba pa. Ako nalang yata ang di ready. Nagsimula ng magpatugtog si Miguel ng music, party party na mga bes. Kinalimutan ko muna lahat ng kadramahan ko sa buhay. Magpapakasaya muna ako bes kahit ngayong gabi lang. Masaya ang lahat, tawanan, kwentuhan, inisan. Lumipas pa ang mga oras parang may tama na ang alak sa katawan ko. Batid ko na maging sa aking mga kasama ay gayun din. Medyo umiinit narin ang katawan ko buti nalang nag aya na si Luis na maligo muna.

Eto na teh! Isa isang nag hubad ang mga kasama ko teh babae lalaki. Hiyang hiya naman ako. Bakit reding ready sila sa mga swimming outfits nila di ako na inform. Yung mga babae naka two piece. Yung mga lalaki enebe nakapang swimming briefs talaga. Ako swimming shorts lang. Kahit si eric handa. Dahil nga madalas sila mag gym di maikakailang magaganda ang mga katawan nila Luis at Miguel. Kay Mark di na ako nasurprise matipuno talaga syang lalaki.

Naalala ko yung unang may mangyari sa amin charrr! Ano ba teh erase erase puro na naman ako kalandian, nag momove on nga diba. Pero wait, my god! Ginalingan din naman ni Eric. First time ko nakita syang hubad at grabe iba rin ang hotness ng isang ito. Kung masarap mag pinta ng kalikasan  sa katawan ni Mark, parang ang sarap naman maglaro ng jack stone sa abs ni Eric bes. Makinis din sya. Kutis mayaman. Lahat sila teh handang handa talaga. Yung totoo sa boracay ba ang punta nila.

Sam: teh yung totoo, handang handa kami sa swimming, ikaw?

Me: oo nga di naman ako na inform na pasexihan outfit pala to.

Sam: nako teh kung nalaman ko lang na wala kang outfit pang swimming di sana pinahiraman kita. Gusto mo tanong ko ibang girls kung may baon pa silang extra?

Me: loka loka ka talaga. Haahah. Ok lang yan. Makinis naman ako. Pak na yan!

Sam: hahaha. Ikaw ng makinis teh. Pero wait teh mukang busog na busog ang mata mo ha. Sinong mas hot kina Mark at Eric?

Me: loka loka ka talagang bruha ha. Puro ka kalandian.

Sam: hahahaha. Joke lang Shaun. Tara na nga mag swimming.

So yun na nga mga bes sisid ala mermaid ang ginawa ko. Di nyo naitatanong eh mgaling ako lumangoy. Lumaki kaya ako sa probinsya no na madaming ilog. Maya't maya pa ay nag aya muli ang mga kasama ko na ipagpatuloy ulit ang pag iinom namin. Napagod akong lumangoy bes kaya umahon narin ako. Tuloy lang ang inuman namin. Totoo nga yata yung sabi nila na magdamagan ito. Medyo na hihilo na ko pero mahaba pa ang oras namin.

Miguel: guys maglaro tayo truth or dare.

Sa totoo lang yan yung pinaka ayaw kong laro sa ganitong mga inuman. Ewan basta ayaw ko lang talaga yung tatanungin ka ng mga personal na tanong, kung dare naman sobrang hirap ng mga pinapagawa sayo. Pero wala naman akong choice, lahat nag agree sa laro namin. At sinimulan na nga ang pag ikot ng bote. At sa kasamaang palad bes ako yung unang tinapatan. Ito na bes ang kinaiinisan ko. Ako talaga agad agad.

Miguel: truth or dare ( habang hawak hawak ang kamay ko na parang gusto ng baliin ang mga daliri ko sa sobrang higpit ng hawak.)

Me: dare

Miguel: ayaw mo ng truth? Hahahhahaha (nakakalokong tawa pati itsura nya actually)

Me: dare nga.

Miguel: ok, guys dare daw gusto ni shaun. Anong ipapagawa natin sa kanya. Hirapan nyo guys.

Nag bulong bulungan sila bes maliban kay mark na tila walang pakialam, si eric naman katabi ko lang. Para silang mga timang.

Miguel: ok, dare ha. Kailangan mong halikan si Eric sa lips for 10 seconds.

Eto na nga ang sinasabi ko. Dapat pala nag truth nalang ako. Talagang pinupush ng mga hinayupak na to kaming dalawa ni eric. Alam ko wala akong lusot sa mga ito lalo na't may mga kademonyohan na ng alak ang mga pag uutak nila. Tinignan ko si Eric na katabi ko lang naman. Mukang nageenjoy din naman ang isang to. Tumingin ako kay Mark, seryoso syang umiinom ng beer nya. Ok gusto nyo to ha, sasakyan ko tong trip nyo, para matapos nadin, ang sabi ko sa isip ko. Kilala nila ako na hindi agad agad sumasakay sa mga trip nila. Dala narin siguro ng alak medyo lumakas ang loob ko. Humarap ako kay Eric hinawakan ko ang pisngi nya at agad ko syang hinalikan. Biglang tumahimik ang lugar namin. Wala naman akong narinig na nagbibilang kaya itinaas ko ang isang kamay ko at ako na mismo ang nagbilang.

Me: ok tapos na.

Tumingin ako sa mga kasama ko. Gulat na gulat sila. Maging si eric ay mukang di inaasahan ang mga naganap. Si Mark parang wala talagang pakialam patuloy lang sya sa paglagok ng inumin nya.

Me: ano? Tapos na paikutin na ulit ang bote.

Parang mga timang talaga tong mga to. Magdedare sila tapos magugulat kapag ginawa mo. Muling nagpatuloy ang laro namin pero wala naman ng masyadong nangyari. Puro kaharutan at kalokohan nalang ang nangyari. Yung ginawa ko yata ang pinaka highlight dun. Tinapos na namin ang laro namin at muling nag enjoy sa tubig habang umiinom parin. Bigla akong nakaramdam ng pagkapuno ng pantog kaya dali dali akong nagtungo sa cr. May isang urinal at isang cubicle yung cr nila infairness mabango at malinis. Pinili kong pumasok sa cubicle para mafeel ko naman yung magandang cr nila.

Habang nagbabawas ako ng tubig biglang may pumasok. Di ko naman kilala kung sino kasi sinarado ko yung pinto ng cubicle. Gumamit ng urinal yung tao. Natapos na ako gumamit at lumabas narin ako ng cubicle. Nakita ko si Mark pala na nasa urinal parin. Tumingin sya sa akin. Natapos na sya at sumabay sya sa akin sa paghuhugas ng kamay.

Mark: mukang nagenjoy ka sa laro natin kanina ha.

Me: oo ok lang naman masaya. Ikaw ba?

Mark: enjoy na enjoy kang makipag halikan.

Me: what do you mean? Dare lang naman yun.

Mark: di ka man lang nagpapilit. Mukang gustong gusto mo talaga.

Me: haha. Para matapos na agad.

Mark: ano masarap ba si Eric?

Me: huh? Laro lang yun. Walang ibig sabihin yun. Ano ba yang pinagsasabi mo Mark?

Biglang lumapit si Mark sa akin at pinilit akong halikan. Pero napigilan ko naman sya ngunit nag pupumilit parin sya.

Me: mark ano ba. Lasing ka na. Bumalik na tayo sa kanila.

Mark: bakit ayaw mo? Wala namang ibig sabihin to diba? Parang yung dare lang kanina.

Me: mark lasing ka na tayo na sa labas.

Mark: di pa ako lasing. Saka bakit ayaw mo? Natikman mo naman na akoo diba dati? At nasarapan ka nga.

Me: mark ano ba tama na nasasaktan ako.

Mark: ano? Sinong mas masarap sa amin ni Eric? Natikman mo narin ba sya?

Di na ako nakapagpigil at isang malakas na sampal ang binitawan ko sa pisngi nya dahilan para tumigil sya.

Me: sino ka ba sa tingin mo hah! At anong karapatan mong bastusin ako. Akala ko pa naman kaibigan kita eh mas masahol ka pa pala sa iba.

Nananatiling tahimik si Mark. At ng matauhan..

Mark: shaun sorry. Di ko sinasadya.

At di ko na napigilang lumuha. Bago ako lumabas hinawakan pa ni mark ang aking kamay at patuloy na humihingi ng tawad. Tinanggal ko iyon at tuluyan ng lumabas. Nabastos ang pagkatao ko sa ginawa nya at di ko inaasahan na magagawa nya ang lahat ng mga iyon. Pinili ko nalang dumeretso sa kwarto namin para di na ako makitang umiiyak ng mga kasama ko. Wala narin akong gana magsaya. Mga ilang sandali pa ay biglang pumasok si Eric sa kwarto.

Eric: andito ka lang pala kanina ka pa namin hinahanap sa baba.

Me: bigla akong inantok eh. Pwede bang mauna na akong matulog?

Eric: naku bawal daw sabi ni Miguel. Ang usapan daw magdamagan walang tulugan.

Me: sige sabihin mo susunod na ako.

Eric: di pwede. Halika na sabay na tayo.

Me: oo eric. Susunod na ako mauna ka na.

Eric: shaun may problema ba?

Me: wala naman eric.

Eric: bakit mukang malungkot ka?

Me: huh? Hindi ah.

Eric: shaun sorry pala kanina.

Me: anong kanina?

Eric: yung kanina sa dare. Dapat di ako pumayag sa gusto nila.

Me: ano ka ba ok lang yun. Walang problema yun sa akin. Katuwaan lang natin yun.

Eric: sa akin hindi. Gusto ko yung mga nangyari. Hehe. Pwede pakiss pa ulit?

Me: lokoloko ka talaga, isa ka pa eh. Gusto mo rin bang masampal?

Eric: huh! ? Bakit sino pa bang sinampal mo?

Me: ah wala, sabi ko lasing ka na.

Eric: di pa ako lasing ah. Gusto mo buhatin pa kita hanggang sa baba eh.

Me: ok di n lasing kung di na lasing. Mauna k na sa baba susunod na ako.

Eric: ok sige. Babalik ako dito kung wala ka pa sa baba in five minutes.

Me: ok boss.

Lumabas na si eric ng kwarto, nanatili lang naman ako dumapa sa kama. Mga ilang sandali lang biglang bumukas ulit ang pintuan.

Me: ano ba eric, bababa narin ako saglit lang.

Ngunit si Mark pala at hindi si eric ang pumasok sa kwarto.

Mark: shaun sorry talaga. Di ko sinasadya yun. Sorry.

Me: mark saka na tayo mag usap.

Mark: shaun please mag usap tayo. Di ko intensyon na bastusin ka. Patawarin mo na ako please.

Parang bata na itong si Mark na nakikiusap. Sumabay pa yung tama ng alak sa kanya. Kung di lang talaga ako nasaktan kanina matatawa ako sa itsura nya pero dapat panindigan ko muna to. Parang maluluha na rin sya.

Me: mark please. Wag muna tayo mag usap ngayon. Ayoko masira itong gabi na ito para sa mga kaibigan natin.  Isipin nalang muna natin na walang nangyari kanina. Ayaw kong isipin nila na hindi tayo ok. Mauuna na ako sa baba. Mag usap nalang tayo kapag di ka na lasing.

At lumabas narin ako at iniwanan si mark sa kwarto. Di ko pa talaga sya kayang kausapin ngayon.

Nagpatuloy ang kasiyahan namin. Bumaba narin si Mark. Bakas parin sa muka nya ang pagkalungkot. Di ko nalang sya pinapansin. Pinilit kong magsaya ulit para di naman magtaka ang mga kaibigan namin. Di na namin pansin ang oras. Langong lango na kami sa alak. Kung saan saan na natutulog yung ibang mga kasama ko. Inaantok narin ako. Sinimulan na namin ni eric na magsinop ng mga kalat namin. Yung iba ay nauna na  umakyat sa mga kwarto. Pagkatapos magsinop ay naglinis narin kami ni eric ng katawan. Pagkatapos maglinis ay umakyat narin kami ni eric sa kwarto. Tulog na sina luis, miguel at mark sa kama. Isiniksik nalang namin ni Eric yung mga katawan namin dahil antok na antok narin kaming dalawa. Bahala na kung sa papaanong posisyon namin ipupwesto ang mga katawan namin ang importante makatulog na kami.

Mataas na ang tirik ng araw ng magising ako. Medyo masakit ang ulo ko. Wala pang ibang nagigising sa amin maliban sa akin. Nagulat ako ng makita kong si mark pala yung nakayakap sa akin at si eric naman nakapatong ang mga paa sa mga hita ko na nasa bandang kaliwa ko. Feeling ko ang haba ng buhok ko teh sa sitwasyon namin na yun. Pero bago pa ako  magfeeling eh inayos ko muna at inalis  sila sa katawan ko kasi ambibigat teh nahihirapan ako huminga. Parang kaninang madaling araw magkakahiwalay naman kami ng pwesto. Teka, nasaan na ba sina luis at miguel. Ayun nasa baba na sila. Si luis nasa bandang kanan at si miguel ay nasa bandang kaliwa ng kama. Nalaglag ba tong mga to o pinili nalang nilang bumaba para di masikipan. Nananatiling tulog yung dalawa sa tabi ko. Ang aamo ng mga muka nila. Bigla kong inalala yung mga nangyari kagabi at naalala ko nga yung nangyari sa amin ni Mark. Hanggang ngayon masama parin loob ko sa kanya. Pero alam ko namang mapapatawad ko din sya. Maaaring wala lang talaga sya sa katinuan kagabi kaya nya nagawa ang mga iyon. Matagal na kaming naging magkaibigan at alam ko namang mabuting tao si Mark. Pero pipiliin ko muna syang hindi pansinin bilang parusa nya narin.

Tumayo na ako at nagtungo sa cr. Naramdaman ko na naman kasing puno ang pantog ko. Matapos magbanyo ay naisipan kong maswimming ulit. Para mabawasan ang hangover ko. Walang ibang tao kaya nasolo ko talaga yung pool. Mga ilang minuto pa ang mga lumipas isa isa naring nagising ang mga kasamahan ko. Nagjoin din sila sa paglalangoy ko. Matapos mag swimming ay kumain na kami ng umagahan. Magtatanghali na yata ng mag check out kami sa resort. Hindi parin kami masyadong nag uusap ni Mark. Nakikita kong gusto nya akong kausapin ngunit iniiwasan ko talaga sya. Nag ayus na kami at masayang umalis.

Post a Comment

You need to login into your Google account to post a comment.
We will remove spams and duplicate comments.

[blogger][facebook][disqus]

Mencircle

{facebook#https://www.facebook.com/mencircle} {twitter#https://twitter.com/mencircleph} {google-plus#https://plus.google.com/+Mencircle} {youtube#https://youtube.com/mencircle} {instagram#https://instagram.com/mencircle}

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget