Meet My Middle Finger (Part 5)

By: Raleigh

Hunter

“Aaahhh!”

“M-masakit ba boss?” bakas ang pag-aalala sa garagal na boses ni Gus.

“O-ok lang ako… ituloy mo lang.” napahinga ako ng malalim.

“Sigurado ka ba?”

“Oo… gumalaw ka na Gus. Diinan mo ng konti.”

“S-sige, heto na ako…”

“Aaah! Wait, there! M-masarap dun…” napaigtad ako nang tamaan ni Gus ang lugar na iyon.

“Dito ba boss?” idinagan nya ang buong bigat sa aking likuran.

“S-shit, yes! Dyan nga… aaahhh, wag mong itigil Gus…” halos magsumamo ako dahil sa sarap na natatamo.

“Lalakasan ko ng konti boss ah? Tiis lang…”

“Wag mo akong alalahanin. Aaahh, ganyan nga! Do me harder, Gus!” hindi ko mapigilan ang mapaungol dahil sa ginagawa nya.

“B-boss, baka pwede namang pakihinaan ng konti ang boses mo. Mamaya may makarinig satin eh.”

“Mmmhh, ‘di ko mapigilan eh. Sobrang sarap naman kasi… bakit ba?”

“Baka kasi kung ano ang isipin nila, nakakahiya.” reklamo nya.

“Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah. May masama ba dun?”

“B-basta! Itigil mo na lang kasi.”

Mula sa pagkakasubsob sa unan, iniangat ko ang aking ulo para tingnan ang lalaking nakapatong sa aking likuran. Nakakunot ang noo nya, bakas ng pagko-concentrate.

Tagaktak rin ang pawis nya; ramdam ko ang pagpatak niyon sa hubad kong likuran. Litaw ang mga ugat sa noo at braso habang ginagamit ang lakas upang masarapan ako.

“Itigil mo rin kasi yang pagrereklamo mo at magconcentrate sa pagmamasahe sakin.” patutsada ko sa kanya bago sinubsob ulit ang mukha ko sa unan.

Kasalukuyan akong nakadapa sa kama ni Gus. Nakapwesto naman sya ng paupo sa aking balakang at minamasahe ang balikat at likod ko.

Dahil sa tagal ng hindi ko page-exercise, naisipan kong magshadow box kahapon. Lamang, hindi ako nagwarm-up kaya muscle pains ang inabot ko.

Since tapos naman din kaming magreview para sa exams bukas, naisip kong magpamasahe kay Gus, tutal naghihintay na lang naman kaming tawagin ni auntie sa ibaba.

Who knew na magaling pala syang magmasahe! O baka nagsa-side line sya bilang albularyo? Hmmm..

Wala na akong mahihiling pa, except na sana ay palitan nya ng massage oil ang ginagamit nyang Pau de Arco. Pangit ang amoy eh. Otherwise, all is well.

“Eh bakit kasi may kasamang ungol? Ambastos tuloy pakinggan.”

“Hey, it’s not as perverted as it sounds! Ikaw lang itong malisyoso noh. Aaahh, diinan mo pa dyan! Wala ka bang lakas?”

“Nilalakasan na nga. Eto naman! Andami mong reklamo samantalang nakahilata ka lang jan at nagpapasarap sa ilalim ko.” nayayamot nyang tugon.

Natigilan ako sa tinuran nya. Sa ikalawang pagkakataon ay inangat ko ang ulo at binalingan ko sya ng tingin.

“Ano, may reklamo ka na naman ba?” nagtataka nyang tanong.

Hindi ko mapigilang mapahalakhak. Hindi ko alam kung inosente ba talaga sya o natural sa pagbitiw ng dirty talk.

“A-anong nakakatawa?”

“Haha, may talent ka palang mag talk dirty? What the fuck!” natatawa kong tukso.

“Ano ba’ng pinagsasabi mo jan?” kunot-noo parin sya.

“Asus! Wag ka ngang magmaang-maangan.”

“Ewan ko sa’yo, ‘di kita maintindihan. Dapa!” ngunit hindi ako tumalima.

“Eh ano’ng sinasabi mo na nagpapakasarap ako sa ilalim mo, ha?” nakangisi kong tanong.

“Totoo naman ah! May ungol ka pa jang nalalaman. May mali ba sa pagsasabi ng totoo?”

“Yan din ang tanong ko sa’yo kanina, diba? Sabi mo pa nga, ambastos pakinggan. Sino’ng mas bastos satin ngayon, aber?” pasaring ko.

“Boss, tama na nga yan. Dumapa ka na at nang matapos na tayo dito.” pag-iwas nya sa tanong.

Bakit naman ako dadapa kung mas mae-entertain ako sa kakatukso sa kanya?

Tumihaya ako at hinawakan ng mahigpit si Gus sa balakang. Nagtama ang pwet nya at ang ari ko. Hindi pa ako nakuntento — at dahil sinapian ako ng demonyo — bahagya akong kumadyot pataas ng ilang beses.

“Hyaaa!” gulat nyang bulalas.

“O ano, sino sating dalawa ang nagpapakasarap? Ako o ikaw?” tanong ko sabay dila sa pang-ibabang labi ko.

“Puro kabastusan yang pumapasok sa utak mo!” hindi mapinta ang mukha ni Gus sa sobrang pamumula.

“Teka, ‘di mo pa nga nasasagot yun—mmmffhh!!” gigil nya akong pinaghahampas ng unan.

“Di na ako susunod sa mga utos mo!” bigla nyang tinakpan ng unan ang mukha ko.

“MMMHHHH!!!” protesta ko.

“Mga anak, tama na muna ang pag-aaral at kuma—Diyos ko! Gustavo ano’ng ginagawa mo?!” narinig kong tili ni auntie Hermie.

“Eh kasi ma—“

“Alisin mo yang unan, bata ka!” natataranta ang boses ni auntie.

Humihingal ako (dahil sa katatawa, ‘di dahil sa ginawa nya) nang tanggalin ni Gus ang unan. Nilapitan ko si auntie saka nagdrama sa harap nya.

“Auntie, mabuti dumating ka. A-akala ko malalagutan na ako ng hininga…” mangiyak-ngiyak kong pagsusumbong.

“Huwaaw naman.. ‘di masyadong OA ha!” pinaikot ni Gus ang mata nya.

“Magtigil ka Gustavo! Kelan pa kita tinuruang manakit ng kapwa? Balak mo bang maging mamamatay-tao?”

“Ma, hindi naman napano yang damulag na ‘yan.” depensa nya habang nililigpit ang kama.

“Buti nga at hindi napano. Ano’ng gagawin mo kung natuluyan?”

“Edi magpa-piyesta tayo sa morgue…”

“Gustavo…” nag-aalta presyon na si auntie.

“Auntie ok lang ako, joke lang naman yun eh. Wag ka na pong magalit. Sige ka, papangit ka nyan…” pang-aamo ko.

“Tigilan nyo kasi yang ganyan, mamaya eh magkasakitan kayo.” sermon nya samin.

“Opo, ‘di na mauulit. Di ko po sasaktan yang anak nyo. Smile na kayo auntie, pampabata ‘yan…” paglalambing ko.

“Susmaryosep, kayong mga bata kayo… papatayin nyo ata ako sa kaba eh!”

“Ma, blood pressure mo.” paalala ni Gus.

“Tara na nga sa ibaba at kumain na tayo.” yaya ni auntie at dali-dali naman kaming sumunod.

Habang bumababa ng hagdanan ay siniko ako ni Gus. Ginantihan ko naman sya ng palo sa pwet. Naulit pa iyon ng ilang beses hanggang sa mapansin kami ni auntie.

As expected, pinagalitan ulit kami. Papano daw kung mahulog kami sa hagdan at pati sya ay madamay? Natameme kaming dalawa.

“Alam mo, mas masakit pa suntok ng babae kesa sa siko mo.” bulong ko kay Gus nang maupo kami sa hapag.

“Sige lang, may araw ka rin sakin.” pagbabanta nya.

Gus

“Gus, wala bang mas maliit pa dito?” sarkastiko nyang tanong.

Sinara ko muna ang zipper ng aking bag bago ibinaling ang atensyon sa lalaking nakatayo sa pintuan ng banyo. Hawak-hawak nya ang mga damit na aking ipinahiram.

Katatapos nya lamang maligo. Tumutulo ang tubig mula sa buhok, pababa sa balikat, pababa sa tyan, hanggang mawala ito sa tuwalyang nakatapis sa kanyang balakang. Napalunok ako.

“Pasensya, wala akong damit pang sanggol dito eh.” sarkastiko ko ring tugon.

Buti na lamang at abala sya sa pagsiyasat ng mga damit, kung hindi ay mahuhuli nya akong natutulala sa kanya. Walang katapusang tukso na naman ang mapapala ko.

Dito kasi makikitulog si Hunter. Hindi na sya pinayagang umuwi ni mama dahil malalim na ang gabi. Isa pa, nagsimula na namang umulan ng malakas.

“Gus, for real. Wala bang mas malaki pa rito? These are too small for me.”

Bumaba ang tingin ko sa tyan ni Hunter. Prominente ang abs nya, animo’y inukit ni Michaelangelo. Bago pa man ako mahuli ay minabuti ko na lang na kunin ang tuwalya at maligo.

“Antaba mo kasi. Magdiet ka nga.” bulong ko nang madaanan ko sya.

“Puh-lease. Nakikita mo ‘to?” pinatigas nya ang abs at biceps nya.

Muntik ko nang malulon ang dila ko. Nagpanggap akong hindi naapektuhan, kahit na ang katunayan ay nanghina ang tuhod ko.

“Yikes, laki ng bilbil mo ah.”

“You dare call these bilbil?! Halika nga dito!” hinabol nya ako papuntang banyo.

“Gyaahh!”

“Lumabas ka jan at nang mailampaso kita sa sahig!” pagbabanta nya.

“Ilampaso mo’ng mukha mo na mukhang basahan!” pag-aasar ko sabay tulak ng malakas para maisara ang pinto. Dali-dali kong nilock yun.

“Humanda ka sakin paglabas mo jan! Aabangan kita!” sigaw nya habang humahalakhak ako.

Matagal ang iginugol kong oras sa paliligo. Ang sarap sa pakiramdam ng maligamgam na tubig, lalo na’t malamig ang panahon ngayon.

Isa pa, hinihintay kong makatulog si Hunter. Baka kasi hindi sya nagbibiro at talagang mailampaso ako sa sahig. Baka bukas ay paglamayan na ako.

Bago ako lumabas ng banyo ay pinakiramdaman ko ang paligid. Wala akong marinig, liban sa musikang tumutugtog — malamang galing sa phone nya.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan, at kaagad akong nilamon ng kadiliman. Patay na ang ilaw. Malamang naghihilik na rin ang demonyong ‘yon.

Nakahinga ako ng maluwag. Nanunuyo ang lalamunan ko kaya bumaba muna ako sa kusina upang kumuha ng maiinom.

Patay na ang ilaw sa sala pero napansin kong bukas pa ang ilaw sa kwarto ni mama. Nagpupuyat na naman siguro sya sa computer.

“Ma?” kinatok ko ng mahina ang pintuan nya.

“Nak?” tawag nya mula sa loob.

“Wag po kayong magpupuyat sa computer ha? Matutulog na po kami. Goodnight.”

“Sige, goodnight din sa inyo.”

Habang pumapanhik ng hagdan, nakita kong umiilaw na Christmas lights sa kapitbahay. Oo nga pala, ‘-ber’ months na; paparating na naman ang Kapaskuhan.

Nag-isip ako ng mga panregalo: bag para kay mama, gamit pang-baby para kay Ate Jera, make-up kit para kay Ate Tess, at… ano’ng ireregalo ko kay Hunter?

Relo? Wallet? Belt? Wala akong alam sa mga hilig nya. At siguro naman, kahit ano ang iregalo ko sa kanya ay kayang-kaya nyang bilhin.

Sa itsura pa lang, halatang hindi tumatanggap si Hunter ng mga pipitsugin. Iba talaga kapag yayamanin, lahat mabibili sa isang kurap.

Ito ang mga bagay na tumatakbo sa aking isipan hanggang sa makarating ako ng kwarto at mahiga sa kama. Papayag ba syang dito mag-Pasko samin kung sakaling imbitahan namin sya?

Kahit di ko naman kasi sya yayaing maghapunan, bigla na lamang syang susulpot dito sa bahay. Saka siguradong matutuwa si mama kung kasama namin syang mag Noche Buena.

“Sana nga…”

“Sana ano?” bigla na lamang may yumakap sa aking likuran.

“B-boss!” malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa pagkagulat.

“Sino na naman ba yang kinakausap mo? May nakikita ka bang hindi ko nakikita?”

“Bakit ka nandito sa kama ko, eh nilatagan kita ng comforter sa baba?!” demanda ko.

“Sshh! Ang ingay naman… kung ‘di ka ba naman gago? Dun mo’ko patutulugin, eh sobrang tigas ng sahig. No way in hell! Balak mo ba akong bigyan ng stiff neck para mabagsak sa exam bukas?”

“Di naman sa ganun boss.. sorry…” napaupo ako.

“Hoy, san ka pupunta?”

Akma akong bababa sa kama nang bigla nya akong hilahin pahiga. Inilingkis nya ang kamay at paa sa katawan ko, kung kaya’t hindi ako makawala.

Ngunit higit pa roon ang aking problema.

“Huwaaa!! Bakit ka nakahubad?!” nataranta ako ng tumama ang pisngi ko sa matigas nyang dibdib.

“Sshh! Sa sobrang higpit ng shorts mo, pakiramdam ko nasa lalamunan na ang bayag ko. Or they would be, king hindi lang sinasakal ang leeg ko nitong pagkasikip mong t-shirt.” yamot nyang tugon.

“Sorry boss… teka, ‘di ako makahinga…” reklamo ko sabay pagpupumiglas.

“Wag ka ngang magalaw, baka mahulog ako.”

“Kumalas ka kasi boss! Ang init oh..” protesta ko.

“Tsk, sinabing wag magalaw eh!” at pinalo nya ang pwet ko.

“Araykupo! Boss, wala namang ganyanan! Pakawalan mo na kasi ako…”

“Ayaw, ‘di kita pakakawalan… dito ka lang.” bulong nya habang hinahagod ang masakit kong pwet.

“Hunter, ako itong ‘di makahinga eh…”

“Basta, ayoko. Ganito na lang kasi tayo, nilalamig ako eh. Kasalanan mo rin kasi maliit damit mo.” pangongonsensya nya.

“Pupwede ka namang magbrief eh.”

“Baka nakakalimutan mo, nakasampay sa likod ng ref mo ang brief ko. Sino ba yung timang na nag-insist na labhan lahat ng damit ko, hmm?”

“E-eh, sorry boss..” oo, ako ang naglaba ng damit nya.

“Kaya wag nang magreklamo, eto na yung parusa mo.” hinigpitan nya lalo ang pagkakayakap sakin.

Bahagya kong sinilip ang mukha ni Hunter. Nakapikit ang mga mata nya habang pilit na isinusubsob ang mukha ko sa kanyang dibdib. Nag-init ang mukha ko.

“Boss, tatalikod na lang ako. ‘Di ako makahinga eh…”

May binulong-bulong pasi Hunter na hindi ko maintindihan, pero niluwagan nya rin ang pagkakayapos para makapihit ako.

Bago ako tuluyang nahiga ay kinumutan ko muna ang mga katawan namin. Saktong paglapat ng ulo ko sa unan ay idinantay nya ang paa sa hita ko, at ang isang kamay ay ipinatong sa tagiliran ko.

Wala namang problema sakin kahit magtabi kami, kaso nakakailang dahil nakahubo sya. Ipinikit ko na lamang ng mariin ang mata ko at sinubukang matulog.

Damang-dama ko ang pagtama ng mainit na hininga nya sa aking batok. Aaarggh, mukhang imposibleng makatulog ng mahimbing ngayon! Ilang sandali pa…

“Hunter, ano’ng ginagawa mo?”

“Hmmm, what?”

“Bakit mo inaamoy ang batok ko?” sita ko sa kanya.

“Am I?”

“Wag ka ngang magmaang-maangan!” inis kong bulong.

“Ambango mo eh..” tugon nya bago huminga muli ng malalim.

“Pwede itigil mo ‘yan? Naaalimpungatan ako eh.” sinubukan kong ilayo ang sarili pero hinila nya ako palapit sa kanya.

“Ssshhh, don’t. Your scent calms me, kaya hayaan mo na lang ako…” bulong nya ulit.

Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko. Hiniling kong sana ay hindi tumigil ang malakas na buhos ng ulan, nang sa gayon ay hindi nya marinig ang bawat silakbo nito.

Alam kong walang kahulugan ang mga kilos nya, pero hindi ko rin mapigilang mapaisip. Bakit ganito nya ako tratuhin? Nung nakaraang dalawang buwan ay diring-diri pa sya sakin.

Dahil ba palagi kaming magkasama since last month? Nag-umpisa lamang ito nung napadpad sya dito sa bahay dahil sa kalasingan.

Kesa mag-isip ng walang kabuluhang bagay, inilunod ko na lang ang sarili sa pakikinig sa tunog ng ulan at sa musika. Unti-unting nawawala ang ulirat ko.

“Gus…” bulong nya.

“Mmhh?”

“I’m horny…”

“Gawan mo na paraan yan. Dun ka sa banyo.” antok kong tugon.

Katahimikan ang naghari. Mahihimbing na sana ako, pero may naramdaman akong gumagapang sa aking tyan. Napaigtad ako nang may pumisil sa kaliwang utong ko.

“Aaahh!” bigla kong bulalas.

“Bakit ang lambot at ang kinis ng katawan mo? Ibang-iba sa mukha mong rocky road. Hehehe…”

“Hunter, tumigil ka!” saway ko sabay alis ng kamay nya.

“Pano ako titigil, tayong-tayo na utong mo oh…” paanas nyang bulong.

“Wag kang makulit, may exam tayo bukas!”

“Gus, matigas na etits ko eh. Tulungan mo naman ako oh?” ikiniskis nya ang matigas na bagay sa aking pwet.

“T-teka! Ano ka ba Hunter? Tumigil ka nga. Aahhh…”

Bakit ganito? Nag-uumpisa na rin akong tigasan dahil sa ginagawa nya. Lalaki kami pareho, pero bakit nagre-react ang katawan ko sa ginagawa ni Hunter?

“Boss, ano ka ba? Hindi tama ito.” nagpupumiglas ako.

Ngunit manhid sya sa mga pagtutol ko. Itinihaya ako ni Hunter saka pinatungan. Nagtama ang mga mata namin saka sya ngumiti na parang demonyo.

Hunter

Mariin kong tinitigan ang lalaki sa ilalim ko. Ngumingiti ako habang pinapako ang mga kamay nya sa uluhan nya upang ‘di nya ako maitulak palayo.

Sige parin ang buhos ng ulan. Malamig nga, pero hindi magtatagal ay sing-init na ng impyerno ang kwartong ito. Inalis ko ang kumot na nakatakip samin.

“Hunter, tumigil ka na!” nagpupumiglas parin sya.

“Nalilibugan ka ba?” panunukso ko.

“Hindi ako nalilibugan. Hindi ko gusto ito!”

Napako ang tingin ko sa matigas na ari ni Gus. Bakat na bakat iyon sa shorts nya. Nang mapansin nya kung saan ako nakatingin, agad syang namula.

“Hmm, really? Your mind’s telling you one thing, your body’s telling you another.”

“A-ano ka ba! Dahil lang ‘to sa lamig! Hindi na maganda itong biro mo ha..”

“Does this look like a joke to you?”

Kinuha ko ang isang kamay nya at ipinisil sa matigas kong ari. Napamaang si Gus at dali-daling iniwas ang kamay nya habang namumula.

“Nilalamigan rin ako kaya erect ako. Pero alam mo ba kung ano lalong nagpapatigas sakin?” paanas kong bulong.

“Sumusobra ka na… tama na kasi!”

“Ang amoy mo Gus… ang amoy mo’ng nagpatigas ng etits ko..” ramdam ko ang panginginig nya nang dilaan ko ang tenga nya.

“Aaahhh…”

Napaigtad si Gus kaya nagtama ang mga ari namin. Kumawala ang ungol mula sa akin. Alam kong pati sya ay nasarapan dahil napapanganga sya.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Sinimulan ko nang hubarin ang shorts nya, pero pinigilan nya ako.

“Aaahhh… s-sandali.”

“Nagawa na natin ‘to dati diba? Nasarapan ka rin nun noh? Kaya sige na, gawin na natin ang bagay na magpapasarap satin.” pag-uudyok ko.

Hinila ko pababa ang shorts kasama ng brief nya. Nilamas ko muna ang matambok nyang pwet bago sya hinila at pinagkiskis ang mga ari namin.

Napabuntong-hininga ako samantalang impit na pag-ungol ang maririnig kay Gus. Humihina na rin ang pagpupumiglas nya.

“Gus, itaas mo’ng t-shirt mo.”

“Tama na plea—ooohhh!”

Dinilaan ko at kinagat-kagat ang tenga nya, kaya nalunod ng ungol ang mga protesta nya. Ilang sandali pa, sya na mismo ang nagtaas ng damit nya hanggang leeg.

Lumantad sa akin ang mapula nyang utong. Kaagad kong sinunggaban iyon at dinede na parang sanggol. Napapaigtad si Gus kaya alam kong nahuli ko ang erotic zone nya.

“Fuck, you’re so sensitive…” bulong ko sa pagitan ng pagsipsip.

“B-boss, tama na…”

“Masarap ba kapag dinidede kita?” dinila-dilaan ko ang kanyang balat hanggang sa umabot ako sa kabilang utong.

“H-hindi, ayoko.. masakit. Tama na boss… haaahhh…”

“Hmm, masakit? Eh bakit bumabaha ang precum mo?”

Hindi sya makasagot. Pinagsawa ko ang sarili sa kasisipsip ng mga utong nya habang ang isang kamay ko ay jinajakol sya ng mabagal.

“Gus, hawakan mo rin etits ko.”

“Aaahhh, boss.. h-huh?”

“Gusto ko ring masarapan. Jakulin mo ako.” bulong ko sa kanya.

Napangiti ako nang dahan-dahang gumapang ang kamay nya sa pagitan namin. Ilang sandali pa ay binalot ng mainit na palad ni Gus ang naghuhuminting kong ari.

“Shit… ganyan nga Gus.. aaahhh…”

“Mmmhh, aaahh…” pikit-matang ungol nya.

Dumami ang lumalabas na precum sa kanya. Maging ang mga ungol ni Gus ay nakadagdag sa pagkalibog ko. Hindi ko mapigilan ang sarili.

“B-boss, huwag!”

Dinilaan ko ang precum nya. Nawiwirduhan ako sa lasa, pero dinilaan ko parin ang kahabaan ng ari nya hanggang umabot ako sa bayag.

Ginawa ko sa kanya ang ginagawa sakin ng mga girlfriend ko noon. Dinilaan ko ang mga bayag nya hanggang mabasa ito ng husto saka sinubo at sinupsop.

“Aaahhh! Aaahhh! Boss…”

Pinasadahan ko ng dila ang katabaan ng ari ni Gus. Tinudyo-tudyo ko ang hiwa at ang butas doon, saka sinubo ang kanyang burat.

Unang beses kong sumubo ng etits, at aminado mang hindi marunong, sinubukan ko paring pasiyahin si Gus. Nilalaro ko ang bayag nya habang nasa bibig ko ang ari nya.

“Shit boss… aaahhh…”

Lihim akong nagbunyi nang marinig ang reaksyon nya; mukhang tama ang ginagawa ko. Tinuring kong lollipop ang ari nya hanggang sa nagtaas-baba ang ulo ko.

“H-Hunter… haaaahhh! Ooohhh!”

May katabaan ang ari nya kaya nahirapan akong isubo iyon ng buo. Punong-puno ang bibig ko, kaya minabuti ko na lang na supsupin ang ulo ng etits nya.

“Haahhh! Hunter!” napasabunot ulit sya sa buhok ko.

“Shit naman Gus, balak mo ba akong kalbuhin?” tinigil ko ang pagsupsop saka dinilaan ulit ang hiwa ng ari nya.

“S-sorry, m-masarap kasi ehh..” tinakpan nya ang mukha sa sobrang hiya.

“Sshhh, wag mong takpan ang mukha mo.”

“P-pero, nakakahiya…”

“Wag kang mahiya, mas nalilibugan ako kapag nakitang nalilibugan ka..” tugon ko habang jinajakol ang sarili.

Sinubukan ko syang i-deep throat. Kalahati pa lang ang pumapasok sa bibig ko nang bigla syang kumadyot at isinubsob ang mukha ko sa ari nya. Napaubo ako.

“S-shit Gus! Wag mo akong biglain..”

“S-sorry.. kusang umangat ang balakang ko eh..”

Ilang beses pa akong sumubok na i-deep throat sya, pero nahihirapan ako. Tsinupa ko na lamang sya hanggang sya mismo ay mina-mouth fuck na ako.

Lumalakas na rin ang mga ungol ni Gus, at kung hindi lang dahil sa malakas na buhos ng ulan, malamang ay kanina pa kami nahuli.

Gustong-gusto kong ipasubo ang ari ko kay Gus, pero baka matakot sya. Jinakol ko na lamang ang sarili habang nakikig sa malilibog nyang ungol. Hindi ako tumigil sa pagtsupa sa kanya.

Ilang sandali pa, nag-iba na ang ritmo ng pagkadyot ni Gus. Naramdaman kong bahagyang lumaki ang ari nya at alam kong lalabasan na sya.

Ngunit bago ko pa man ako makaiwas, kumadyot sya ng malakas kasabay ng pagdiin ng ulo ko sa etits nya. Napaubo ako nang tumama sa lalamunan ko ang ari nya.

Naramdaman ko ang pagbulwak ng mainit na katas sa bunganga ko. Nasusuka ako sa lasa, ngunit hindi ko maigalaw ang ulo.

“Aaahhh! Aaahhh! Ahhh!” malakas nyang ungol habang nilalabas ang masaganang tamod sa bibig ko.

“S-shit! Ang pakla!” nalunok ko lahat ng tamod nya.

“Sh-shit.. haaahhh.. aaahhh… s-sorry boss.. aahhh…” hingal na hingal sya.

Sarap na sarap ang expression ni Gus. Tinulak ko sya pahiga nang akmang babangon sya at doon ako nagjakol sa dibdib nya.

“Gus, tumingin ka sakin… haaahhh! Shit… malapit na ako Gus… haaahhh…” ungol ko.

Nakatutok ang tingin ni Gus sa titi ko. Napapikit ako sa sobrang sarap, ngunit bigla na lamang nyang dinilaan ang ulo ng titi ko.

“Haaahhh…aaahhh… fuck!” hindi ko napigilan ang sarili at nilabasan ako.

Nang bumalik ako sa katinuan, tiningnan ko ang mukha ni Gus. Kung saan-saan tumama ang tamod ko; sa buhok, sa pisngi, sa mata, sa dibdib nya. Napalunok sya.

“Ugh, ampakla nga…”

“Shit Gus, bakit mo nilunok?!” gulat kong tanong.

“Eh nilunok mo rin yung sakin eh…”

“Halika dito, mag mumog ka!”

Hinila ko sya papasok ng banyo at hinubad ang mga damit nya. Pinaghilamos ko sya saka pinagmugmog ng sangkaterbang mouthwash.

“Hunter, mahapdi na bunganga ko. Tama na…” nangalahati na ang mouthwash.

“Shit naman, sino kasi nagsabi sa’yong lunukin mo ang tamod ko?”

“Sorry, nilunok mo rin kasi yung akin eh… kaya akala ko kelangan ko rin lunukin yung sa’yo.” namumula nyang depensa.

“Sa susunod wag mong lunukin!”

“May susunod pa?!” gulat nyang tanong.

“Fuck yeah.. at sa susunod, ‘di lang yun ang gagawin ko sa’yo.” nakangisi kong bulong sa kanya.

Hindi nakaimik si Gus. Ipinasa nya ang mouthwash sakin at ako naman ang nagmugmog. Yeah, sa susunod, ikaw naman ang susubo sakin.

Gus

“Shit, nosebleed!”

“Mukhang tagilid ako ah…”

“Ano’ng answer mo sa number—”

“Di ko alam na lalabas yung—”

Ito ang usap-usapan at reklamo ng mga kaklase ko habang papalabas ng classroom. Hindi ko mapigilan ang mayamot. Sa totoo lang, kahit mahirap ang questions, masasagot rin naman nila yun kung nakinig sila sa lectures at nagbasa ng libro.

Palibhasa kasi iba ang pinagkaka-busyhan nila, kaya kapag lumabas ang grades eh puro reklamo ang alam nilang gawin. Excuse me lang, kayo gumagawa ng grades nyo.

“Hoy, ba’t nakasimangot ka? Lalong nagiging katakut-takot ang mukha mo.” sita ng isang lalaki paglabas ko ng room.

“Kala ko ba umuwi ka na boss?”

“Hinintay kita, timang. O ano, ba’t nakabusangot ka?” pang-uusisa nya.

“Wala…”

“Wag mo ‘kong niloloko, kilala kita.”

“Wala nga kasi boss…”

“Gus.” mariin nyang pagkakasabi.

“Nagka-tsunami ng mga reklamador. Kesyo mahirap daw ang exam, eh ‘di nga siguro nagbuklat ng libro yun.” yamot kong tugon.

“Hayaan mo na sila. Pero maiba ako, sisiw lang sa’yo exam noh?”

“Di ah, nahirapan din naman ako. Pero inaral natin yun kagabi, kaya kahit papano may naisagot rin ako.”

“Ah, yep. Anatomy/Physiology ng male reproductive system. Buti nga nag return demo tayo kagabi.” nakangisi sya na parang demonyo.

Nanlaki ang mata ko nang maalala ang nagyari samin kagabi. Tinapunan ko sya ng masamang tingin, pero hindi ko maitago ang pamumula ng mukha ko.

“Uyy, pati pimples nagba-blush. Naalala mo noh?” panunukso nya sabay akbay sakin.

“Boss, tumigil ka. Maraming tao sa paligid.” saway ko habang inaalis ang kamay nya.

“Asus, kunwari ka pa! Gusto mo uli—“

“Hi Hunter!!” tili ng isang grupo ng kababaihan habang pababa kami ng hagdan.

Kilig na kilig sila nang lingunin sila ni Hunter. Dumapo ang tingin ng isang babae sa akin; kitang-kita ko ang paglaki ng mata nya.

Siniko nya ang katabing na starstruck kay Hunter. Ilang segundo pa, lahat ng atensyon ay nasa akin na. Kitang-kita ang pandidiri sa mga mukha nila.

“May kailangan kayo?” agaw-atensyon ni Hunter.

“U-uhm, ano.. pwede bang magpa-picture kami sa’yo?” aakalain mong nagkokombulsyon sila dahil sa bilis nang pagpapa-pungay ng mata nila. Ngunit ‘di naapektuhan si Hunter.

“Sorry, nagmamadali ako. Mag-aaral pa ako eh, bye.” hinawakan nya ako sa braso para bumaba.

“Sige na Hunter, please?” sabay-sabay nilang tili habang sumusunod samin.

“Boss, pagbigyan mo na. Isa lang naman daw eh.” pag-uudyok ko.

“Fine, just one.” hindi maitago ni Hunter ang inis sa boses nya.

Nagkumpulan ang mga babae sa paligid namin at isiniksik ang sarili para tumabi kay Hunter. Hindi sinasadyang natamaan ang braso ko ng isang babae.

“Aaaahhh!” tili nya sabay tulak sa akin.

“Gus, watchout!” sigaw ni Hunter.

Mabuti na lamang at nahawakan nya ang bisig ko upang hindi ako tuluyang mahulog sa hagdan. Nanginginig ang mga tuhod ko sa sobrang kaba.

“Oh my gosh, eeew! Eww, eew, ewww! Ano ka ba, bakit mo’ko hinawakan kadiri ka!” bulyaw nung babae habang nagpapagpag ng sarili.

“Ah, s-sorry…” kumakabog ang dibdib ko.

“Shit ka, nakakadiri ka! Umalis ka sa harapan ko! My gosh, eewww talaga!”

“Gus, let’s go.” hinatak ako ni Hunter pababa.

“Wait, Hunter! Bakit mo kasama yang kadiri na yan? Ew, look at his face! Hunter dito ka na sumama samin.” demanda ng isang babae.

“Back off, bitches. He’s better than you ever will be.” malamig nyang tugon.

Mahigpit ang pagkakahawak nya sa bisig ko habang mabilis kaming naglalakad pababa sa hagdan. Kahit humihingal na ako, hindi nya ako binitiwan hangga’t hindi nakakarating sa parking lot.

“B-boss, ok ka lang? M-mukhang mainit ulo natin ah?” kinakabahan kong tanong.

“Fuck those girls! At ikaw, bakit ‘di mo pinagtatanggol ang sarili mo? Wag kang magsorry kung hindi mo naman kasalanan!” bulyaw nya.

“Boss, hayaan mo na. Hindi naman ako naapektuhan eh, saka sanay na ako sa ganun.”

“Pwes ako hindi!”

“S-sorry na boss…”

“Ayan, sorry ka na naman ng sorry! Tigilan mo ako!”

“S-sorry talaga…”

“Isang sorry pa, kakaskasin ko ng liha yang pimples mo. Shit nanggigigil ako sa’yo.” napasuklay si Hunter sa buhok nya habang naglalakad ng pabalik-balik.

“B-boss, wag ka nang magalit. Di naman sinasadya eh…”

“Di sinasadya? Gus, hagdanan yun! Papano kung hindi kita nahawakan? Edi nahulog ka sa hagdan. Ano’ng sasabihin ko kay auntie kung nabalian ka ng leeg? Tapos ikaw itong nagsorry kahit sya naman ang dumikit sa’yo? Gago, siraulo!”

Natahimik ako. Hindi ko mawari kung bakit pumuputok ang butsi ni Hunter sa galit, samantalang ako naman itong muntik malagutan ng hininga. Diba dapat ako ang magalit?

Hindi ko malaman ang gagawin. Natatakot akong tumingin kay Hunter bagamat ramdam kong pinagmamasdan nya ako.

“Shit, come here…” bigla nya akong kinabig hanggang sumandal ang likod ko sa dibdib nya.

“Hunter…”

“You scared the shit outta me. Akala ko mahuhulog ka talaga.” bulong nya.

“Natakot din naman ako ah.”

“Yeah, I know. But worry not, nandito lang ako. Tell me Gus, bakit ba gustong-gusto kitang protektahan? Hindi ko maintindihan sarili ko…”

“Ikaw nga ‘di nakakaintindi sa sarili mo, ako pa kaya.” natatawa kong tugon.

“Pinagtatawanan mo lang ako? Ako na halos atakihin sa puso dahil sa kaba?” pagdadrama nya habang inaamoy ang batok ko.

“Boss, tigilan mo nga yang kakasinghot sa batok ko.” saway ko.

“Ah, your scent really calms me. Wag kang mag-alala, nandito lang sa tabi mo lagi ang bestfriend mo…”

“Bestfriend?”

“Yeah, bestfriends tayo. Ikaw lang yung napagsabihan ko ng mga problema ko, at sa harap mo lang ako umiyak. Timang…”

“Yan ba criteria mo ng ‘bestfriends’? I feel so honoured.” sarkastiko kong tugon.

Yumugyog ang dibdib ni Hunter habang natatawa ng mahina. Unti-unti nya akong binitiwan.

“Punta ulit ako sa inyo mamaya ah, sabay tayong mag study. Uwi lang ako saglit, kukuha ako ng damit pantulog.”

“Ok, sasabihan ko si mama.”

“Gus, ba’t ba andaming pag-aaralan sa Filipino? Mas mataas pa coverage kesa sa Ana/Phy eh..” reklamo nya habang sinasara ang pinto ng kotse nya.

“May mga bagay talagang hindi maipaliwanag ng siyensya. Tulad ng minor na nagpi-feeling major, at ng ipis na nagpi-feeling butterfly.”

“At ikaw na may kinakausap na hindi nakikita ng iba.” natatawa nyang tugon.

“Tseh, tahimik! Ingat sa pagmamaneho ha.”

“Bye.” pinaharurot nya na ang sasakyan.

Habang sumasakay ng jeep ay napansin kong bahagyang dumidilim. Napuno ang kalangitan ng maiitim na ulap.

At pagbaba ko nga sa kanto, bumuhos na naman ang napakalakas na ulan. Napatakbo ako papuntang shop para tulungan si Ate Tess na maipasok ang mga potted plants.

“Ate, unahin mo yung cactus. Ako nang bahala dito sa malalaki.” nagmadali akong mailagay ang bag sa loob.

“Alis ka, mas malakas pa ako sa’yo. Asikasuhin mo’ng mga hanging plants!” utos nya.

Para akong tinamaan ng kidlat. Oo nga pala, namumulaklak na ang hanging plants namin. Kapag natamaan ng malakas na hangin, siguradong mada-damage iyon!

Dali-dali kong kinuha ang foldable ladder para kunin ang mga nakasabit na halaman. Malupit ang hagupit ng hangin at kahit may bubong, nababasa na kami ng ulan.

Halos di ako magkamayaw sa pagtanggal ng mga hanging plants. Umuugoy-ugoy din kasi ang mga iyon, at natatapunan ng lupa ang mukha ko.

“Ate, patulong!”

“Ha?!” ‘di kami magkarinigan dahil sa lakas ng ulan.

“Patulong dito!”

“Sandali, ipapasok ko lang ang filodendron!” sabi nya habang hila-hila ang malalaking pot ng tanim papasok sa shop.

Bigla na lamang kumidlat. Kung may kinatatakutan man ako, iyon ay ang pagkidlat. At dahil sa takot, napaatras ako.

“Aaahhh!!” sigaw ko.

Naramdaman ko na lang ang sariling nahuhulog na. Nakalimutan kong nakapatong pala ako sa hagdan. Sa ikalawang pagkakataon, madidisgrasya ako sa hagdan.

Ngunit isang himala ang nangyari. Imbes na sa malamig at matigas na simyento, sa malambot at mainit na bagay tumama ang aking likuran.

“OOOMMMFFHH!!” daing ng malalim na boses.

Dali-dali akong napabangon, at nagulat sa namataan. Nakahandusay sa sahig ang katawan ng isang foreigner, malamang sa kanya ako bumagsak.

“Ate Tess! Ate Tess!” natataranta kong tawag.

“Gus, anyare? Sino ‘yan?!” gulat nyang sigaw nang makita ang walang malay na lalaki.

“Ate, nakapatay yata ako…”

“Huminahon ka nga. Ipasok mo sya sa workroom!” utos nya.

Marahil ay dala na rin ng adrenaline kung kaya’t nagawa kong buhatin ang lalaking doble ng timbang ko. Dinala ko sya sa workroom at ihiniga sa table.

“Gus, asikasuhin mo muna sya. Ako na ang bahala sa mga bulaklak.”

“Ate, tumawag na kaya tayo ng ambulansya? O di kaya sa morgue? Parang hindi humihinga eh.”

“Nurse ka ba o hindi? Huminahon ka nga!” binatukan nya ako bago lumabas.

Pinagmasdan ko ang lalaki, kamukha ni Tommy Esguerra. Pamilyar ang mukha nya, pero hindi ko matandaan kung saan ko sya nakita.

“Ugghh… fuck, my chest hurts…” daing nya.

Nabunutan ako ng tinik nang makitang gumagalaw sya. Ngunit sapo nya ang ulo, kaya hindi parin matanggal ang aking kaba.

“S-sir, are you alright?”

“Bakit puro bulaklak? Sa langit na ba ako…?” nadedeliryo nyang tanong.

“U-uhm, sir… nasa flower shop po kayo.”

Ang alam ko’y kailangan i-orient ang isang confused na pasyente. Pero baka senyales na ito na may neurological damage sya? Lagot ako…

“Oh, I thought… wait, ikaw ba si San Pedro?” naningkit ang mga mata nya.

“Eh? H-hindi… ako nga pala—“

“G-Gus?” dahan-dahan syang bumangon.

“K-kilala ba kita?” nagulat ako dahil alam nya ang pangalan ko.

“It’s you, right? Di mo ba ako naaalala?” ngumiti sya.

Bigla kong naalala ang ngiti nya — ang ngiti nung lalaking nagparecord ng time nya habang nag-eensayo doon sa indoor pool two months ago. Tama, sya nga!

“Brix!”

Post a Comment

You need to login into your Google account to post a comment.
We will remove spams and duplicate comments.

[blogger][facebook][disqus]

Mencircle

{facebook#https://www.facebook.com/mencircle} {twitter#https://twitter.com/mencircleph} {google-plus#https://plus.google.com/+Mencircle} {youtube#https://youtube.com/mencircle} {instagram#https://instagram.com/mencircle}

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget