Confused in Love Three (Part 2)

By: Akhi Ryu Go

Unexpected Friendship

I was early to work at inihatid naman ako ni Gab because he was making sure that Aaron is at least 6 ft away from my perimeter. We kissed goodbye and then he left. I thought ako palang ang dumating sa resto but as I entered andun na pala sa loob si Aaron. Nagulat ako and just when I was about to walk out of the resto he spoke...

Aaron: Akhi can you please just hear me out?

I paused there standing and not making any move.

Aaron: Look, I am so sorry about yesterday. I was definitely out of the line.

I didn't answer and I just remained standing there listening to whatever he's got to say to me.

Aaron: What I said yesterday about how I feel about you is true pero narealize ko it was so wrong of me. I mean if I was your boyfriend at madali ka lang makuha ng iba sakin that would really feel awful and I don't want you to be that kind of person. I admit I am still hoping na dumating yung araw na maghiwalay kayo ni Gab at maging tayo but definitely ayokong mangyari na just because someone good looking makes a move on you ay madali kang bibigay. My desire to be your boyfriend has intensified knowing that you're a loyal partner but I wanna get you with me in a fair manner. So really, sincerely I am sorry.

I just stood there. Then I think back sa lahat ng favors at mabubuting bagay na ginawa ni Aaron para sakin then I considered forgiving him.

Akhi: Aaron... You've always been good to me.

I turned to look at him

Akhi: You're always there when I needed something and since the first day we met you've always had my back. You're a really good friend at di ko talaga inexpect na gagawin mo yung ginawa mo kahapon. I'm going to accept your apology but please, this is the last time that I am gonna tolerate such action and behavior.

Aaron: Thank you Akhi!

Lumapit sya saakin excited and he was about to hug me but he hesitated. Instead, nag peace sign nalang sya with his right hand raised.

Akhi: Hahaha ang kulit mo rin ano. Bati na tayo. Pero from now on, hindi muna tayo pwede magsabay umuwi. You upset my boyfriend. So hanggang maari hangga't hindi pa lumilipas ang galit ni Gab sa'yo, he can never see us together kahit mag usap lang. Is that clear?

Aaron: Yeah... Fair enough.

Then we laughed and then nag prepare na kami for work.

At home, Harold is dressed up. Naka red na polo sya and he's wearing a perfume and talagang naka postura. Nasa sala sya gussying up and napansin sya ni Rocel habang papunta ito sa banyo.

Rocel: Aba aba, you look so handsome today ha? San naman ang lakad mo? Magsisimba ka ba? Hahaha

Clearly she was trying to make fun of Harold even though deep inside she appreciates Harold's get up.

Harold: Ha ha ha. Bakit ngayon mo lang ba ako nakitang ganito?

Rocel: Well literally yes.

Harold: Hmmmm... Oo nga pala. It's been a long time since I went on a date with someone.

Natigilan si Rocel sa narinig nya. Tulala nalang syang nakatingin kay Harold habang nakatalikod ito sa kanya facing a big round mirror that's hanging on the wall. Nagtaka si Harold kung bakit walang response si Rocel sa sinabi nya. Then he turned to look at her.

Harold: Ui? Okay ka lang jan? Bat tulala ka?

Then Rocel was startled.

Rocel: Ha? Ah wala! May naalala lang ako. Goodluck sa date mo ha? I'm pretty sure she's gonna like you looking like that.

Then she turned away but before she could go Harold asked

Harold: Are you jealous?

Then the word "jealous" triggered Rocel. She angrily turned to face Harold and said

Rocel: Hoy ha! Bwiset ka wag mo kong iniinis pag ganitong mabait ako sa'yo!

Harold: Okay! I'm sorry. Seryoso ka naman masyado jan. Di ka pa ba nasasanay sakin?

Inirapan lang sya ni Rocel and then she walked away papunta sa bathroom then Harold whispered

Harold: I was kinda hoping you would say "Yes, I am jealous" but I guess that's never gonna happen.

Then Harold reached for the front door and went out of the house. As Rocel entered the bathroom and closed the door she whispers to herself.

Rocel: I wish I could tell you that I am jealous!

Then bigla syang natauhan

Rocel: What the hell am I saying? Nako! kainis! Makaligo na nga!

---

At work in the restaurant.

It's 12 noon and it's one of the busiest time sa restaurant since it's lunch time. May pumasok na dalawang babae sa resto. They look so fashionable and trendy at sobrang tataas ng heels ng mga lola mo. Medyo over sa make up ang dalawa pero still they look pretty and by the looks of it, they really don't care what other people thinks. Ang entrada nila sa resto ay bonggang bongga, pagbukas na pagbukas ng glass door, napatingin ang lahat sa kanila. They walked in na parang models kung maglakad, rampa kung rampa. They settled in one of the tables and quickly lumapit si Aaron sa kanila to take their orders.

Girl1: Pssst! Celine! look at this guy oh?!

Pointing at Aaron

Girl2: OMG! He's totally cute Lyssa.

Aaron: Ahem! Can I take your order?

He flashed a big smile at ang mga loka mong ate acting like hihimatayin sila.

Celine: *in a seductive voice* Um, can you get us water first? It's so hot in here kase.

Alyssa: At pwede bang magdala karin ng fan? I can't breath!

Natatawa si Aaron and then he responded

Aaron: Right away ma'am.

Then he walked away para gawin ang request ng dalawang ate mo.

Celine: I really need to get a selfie with him! My future husband!

Alyssa: Excuse me?! You mean you're future amo kase you're the future julalay hahaha!

Celine: Lyssa ako ang unang nakakita sa kanya so I call dibs on him.

Alyssa: Hahaha ikaw ang unang nakakita pero mas maganda ako sa'yo kaya ako ang magugustuhan nya.

Celine: Oh yeszz! You're right. Ikaw ang magugustuhan nya. Ikaw ang magugustuhan nyang gawing labandera sa bahay nila. hahaha!

Aaron came back at nagtapat sa kanila ng stand fan and then naglagay sya ng glasses and then he poured the water.

Celine leaned on the table at medyo naglabas ng cleavage

Celine: *pabebe talk* So ahm, anu nga palang name mo Mr. pogi?

Aaron: Aaron po ma'am.

Celine: Oh it's so nice to meet you Aaron! Ako nga pala si Celine

Then she offered her hand tapos nag shake hands sila. Inirapan ni Alyssa si Celine at gumawa ng sariling eksena ang ate mo. She flipped her long voluminous shiny and curly hair at tumama ito sa kamay nilang dalawa. Then sumandal si Alyssa sa upuan at nagdekwatro showing off her legs.

Alyssa: *pabebe talk* Alam mo you're really cute! Siguro bagay tayo. Oh! Sorry...hihihi minsan hindi ko napipigilan ang sarili ko. Kung ano ano kase nasasabi ko eh.

Then she offered her hand.

Alyssa: I'm Alyssa by the way.

At nag shake hands din sila.

Nainis si Celine at umeksena nanaman.

Celine: So uhm... Anung oras ba ang out mo dito?

Aaron: Mga 9pm po ma'am.

Celine: Oh that's great! Maybe we could hangout later?

Alyssa: Yeah and we could have like, a date?

Celine: *Irap kay Lyssa* Hay nako Lyssa, masyado kang straight forward sa kalandian.

Alyssa: I'm just being honest Celine. Hindi kagaya mo nasa loob ang kulo. hahaha

Celine: Lyssa nasa loob ang kulo ko pero nag uumapaw naman sa kagandahan ang kalooban ko at umaapaw ito hanggang sa panlabas kong anyo. Kaya nga nag donate ako sa'yo ng kagandahan eh.

Alyssa: Ang kapal naman ng fes mo te. You're not even half as pretty as I am.

Then she posed like a model while sitting there.

Celine: Excuse me? Hahaha Are you referring to yourself?

Sabay nag pose din sya.

Aaron: Ahem! I hate to cut in but I really have to take your orders na po. It's taking so long.

Celine: Ay sorry.

Alyssa: *murmurs* Ikaw kase!

Celine: *murmurs* Anung ako? Ikaw kaya dyan!

Then tumingin na sila sa menu to order.

---

Meanwhile sa date ni Harold

Harold: Hi! You're looking good Grace!

Sabay halik sa pisngi ng kadate nya. A pretty woman wearing a purple dress that compliments her curves.

Grace: And you too. You really went all out ha. Quite different from your everyday look in the gym.

Harold: Well what can I say? I know how to charm a woman.

Then he smiled.

Grace: Okay I get it. Come on let's take a seat.

They talked about each other's life, what they've been up to lately, tungkol sa family and all and they exchanged jokes here and there. There's just so much chemistry going on and as the date went on na discover ni Harold na sobrang bait na babae ni Grace but paminsan sumasagi at sumasagi talaga sa isip nya si Rocel.

---

Back at the restaurant. Tapos nang kumain ang dalawang lola mo si Celine at Alyssa. Tinawag nila si Aaron para sa bill and Just when they were about to pay up they both checked their bags.

Alyssa: Te?! Anu ba? Did you just steal my wallet?

Celine: Hoy I was just about to ask you the same question! Wala din dito ang wallet ko!

Alyssa: Oh my Gosh! I think yung batang nakasakay natin kanina sa jeep!

Celine: *murmurs* Eh kung hindi ka naman kase lukaret sinabi ko sa'yo mag Uber nalang tayo para magmukha tayong rich kids eh! Nagpumilit ka pang mag jeep para makatipid eh alam mo namang judgemental mga moret na sumasakay sa jeep putok na putok make up natin malamang sasabihan tayo na mga "fuckgirls"!

Aaron: Uhm... Is there something wrong ma'am?

Celine: Ah eh... hehe... wala. Sige wait lang we're gonna thoroughly check on our bags.

Alyssa: Naiwan kase namin wallet namin sa Condo eh. hehe

Then they checked their handbags again at may nakita silang pera. Nakahugot si Celine ng 50 pesos at si Alyssa naman ay 100 pesos. Nang makita ito ni Aaron napa iling iling nalang sya because he heard the whole conversation and the fact that them girls were lying. Napansin ito ng manager at lumapit ito sa kanila. Nag cacause na ng commotion ang eksena nila then from the kitchen napansin ko may kaguluhan sa labas. I went out to check then nakikita ko nakikipag argue ang manager namin sa kanilang dalawa. I gestured for Aaron to come near me and as he did, I asked

Akhi: Anung nangyayari doon?

Aaron: Those girls, wala silang pambayad ng kinain nila.

Akhi: Ha? But they look rich?

Aaron: Sa pagkakarinig ko, nadukutan sila pareho.

Akhi: Aww... kawawa naman sila.

Aaron: And it's funny kase pinipilit silang pagbayarin ni manager or else maghuhugas sila ng pinggan at ayaw nila.

Akhi: Aaron grabe ka talaga. Hindi nakakatawa. kawawa naman sila.

Then I decided to butt in.

Akhi: Um excuse me po manager, wag nyo na po paghugasin ng pinggan itong dalawa. I will pay for them.

Manager: You two girls are lucky at may sasalo ng bill nyo. Next time magdala kayo ng pambayad para hindi na humaba ang usapan.

Pagkaalis ni manager the girls were mocking her and then they turned to look at me. Nagkatinginan lang kaming tatlo tapos bigla silang tumayo at niyakap ako.

Celine: OMG! thankyou talaga! huhu

Alyssa: It was about to get nasty but you're a life saver!

Akhi: Hayyy... okay okay enough hahaha. Next time kase pagsasakay ng jeep mag iingat kayo ha?

Celine: Anyway what's your name ba? so we could thank you properly.

Akhi: My name is Akhi.

Celine: I'm Celine and she's Alyssa. It's so nice to meet you Akhi and thank you so much for your kindness!

Kinuha nila both my hands and shook it.

Alyssa: We should be friends you know.

Akhi: Yeah that would be great!

Celine: I know! Let's exchange numbers so we could keep in touch.

And then we did and after that

Alyssa: So thank you again.

Celine: We'll see you soon. Bye bye.

Akhi: Okay bye.

Then they both left at lumapit sa likod ko si Aaron at inakbayan ako.

Aaron: Those are really weird women.

Akhi: I know right? But something tells me that we're gonna be good friends.

And then bumalik na kami sa kani kanyang trabaho.

Post a Comment

You need to login into your Google account to post a comment.
We will remove spams and duplicate comments.

[facebook][disqus][blogger]

Admin

{facebook#https://www.facebook.com/mencircle} {twitter#https://twitter.com/mencircleph} {google-plus#https://plus.google.com/+Mencircle} {youtube#https://youtube.com/mencircle} {instagram#https://instagram.com/mencircle}

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget