Meet My Middle Finger (Part 8A)

By: Raleigh

Gus

“Gus, ano ka ba? Kaya ko ang sarili ko.”

“Nakakahiya naman sa’yo.”

“Diba sabi ko wag kang mahihiya? Tayo-tayo na nga lang ang nagtutulungan eh.” inis nyang tugon.

“Pero—kahit na!” nag-aalinlangan kong sagot.

“Hay! Ginagawa ko ‘to kasi gusto ko, hindi dahil napipilitan ako. Isa pa, nakita mo na ba yang hitsura mo sa salamin?”

“Hoy Jerra! Grabe ka naman.” singit ni Ate Tess.

“O bakit? Wala naman akong pinapahiwatig ah. Ang akin lang naman, gusto kong malaman nya na namumutla sya. Natutulog ka pa ba?” taas-kilay na tanong ni Ate Jerra.

Tuluyan nang pumasok si Ate Tess sa workroom at nakisali sa usapan namin patungkol sa “sana ay” leave ni Ate Jerra. Sa susunod na buwan na kasi sya manganganak pero nagpupumilit parin syang magtrabaho dito sa shop.

Dalawang linggo pa lamang ang nakalilipas nang magsimula ang second semester pero lupaypay na ang kaluluwa ko. Hindi ko na mapagkasya ang bente kwatro oras dahil sa dami ng aking mga gagawin.

Pandagdag stress din ang pagkakaroon ko ng duty bilang iskolar. Dahil sa aking kurso, na designate ako bilang assistant sa school clinic. Tuwing martes at huwebes lamang ang aking duty.

Light lang naman ang workload at mabait naman ang university physician pero dahil busy rin sya, sa akin napapasa lahat ng paperworks pati pag-organize ng files. Kaya hindi na ako magtataka kung susunod na linggo ay bibigay na ang mga daliri ko.

“Natutulog naman po ako ate. Marami lang talaga akong inaaral kaya nagpupuyat ako.” tugon ko.

“O, eh nagpupuyat ka pala! Ni hindi ka na nga magkanda-ugaga sa dami ng mga costumer mo diba? Kaya hayaan mo na ako.” pagpupumilit nya.

“Ate, ayokong mastress ka. Baka mapano yang dinadala mo.”

“Hay naku, hayaan mo na nga sya Gus! Kahit anong pagpigil mo jan eh babalik at babalik yan dito. Sasakit lang ulo ko kakasaway jan.” singit ulit ni Ate Tess.

“Bruha ka Tess! Pero may point ka. Isipin mo Gus, kung si Tess ang gagawa ng ibang flower arrangements, palagay mo may matitira ka pang costumer?” pangungumbinsi nya sa akin.

“Leche ka! Umuwi ka na nga, kanina ka pa hinihintay ni Badong.” ganti ng tiyahin ko.

“Wala na ba talaga akong magagawa para pigilan ka ate? Final na ba talaga yang decision mo na tumulong parin dito?” tanong ko sa kanya.

“Wala na nga!” sabay nilang sagot saka nagtawanan.

“E-eh, maraming salamat…”

Malaking ngiti lang ang isinukli ni Ate Jerra nang lapitan ko sya at yakapin ng mahigpit. Manganganak na sya pero iniisip parin nya ang kapakanan ko. Ang swerte ko dahil sila ang naging pamilya ko.

“O sya, kausapin mo ulit si Tiyang Minia dun sa plano nating maghire ng tauhan ha? Mahihirapan kami kapag nagdedeliver sa malayo si Badong. Walang tagabuhat ng mabibigat na halaman.” bilin ni Ate Jerra habang palabas ng workroom.

Bukod kasi sa mga potted plants at flower arrangements, nagbebenta na rin kami ng iba’t-ibang uri ng mga pot, vases, at mga fertilizers. Kaya pag nagdedeliver si Kuya Badong, si Ate Tess lang ang natitirang tagabuhat ng mga halaman at pot.

“Ewan ko ba kasi jan sa nanay mo kung bakit ayaw maghire ng hindi nya kakilala.” reklamo ni Ate Tess nang makapwesto na sa counter.

“Kasi nga hindi nya kakilala, timang. O sige, alis na ako ha…” paalam ni Ate Jerra.

“Bye po, mag-ingat kayo.”

Pagkatapos magligpit sa shop ay nauna nang umuwi si Ate Tess. Nag-inventory muna ako ng mga gamit at inilista ang mga kakailanganin upang bukas ay maorder na namin. Mag-aalas otso na ng makauwi ako.

Mabuti na lamang at humupa na ang inis ni Hunter nang hindi sya payagan ng registrar na magpalit ng section. Hanggang ngayon ay kinikilabutan parin ako kapag naaalala ko ang sagutan nila ng registrar.

“Boss, galit ka pa ba sakin? Pasensya na po talaga…” mejo takot kong tanong nang mag-usap kami.

“No, I’m not mad at you. Dun ako sa dean at sa scholarship committee galit. Di bale, classmates parin naman tayo sa RLE and I can go visit your house anytime. So don’t mind it.” inabot nya ang buhok sa batok ko.

“Sorry talaga, pati nga rin ako nagulat eh. Sige na, balik ka na sa klase at baka ma late ka.” payo ko nang tumunog ang bell.

“Bye, call you later…” may panlulumo nyang pahayag at naglakad palayo.

Ang hirap talagang mag-adjust kapag nakasanayan mo na. Minsan nahuhuli ko na lang ang sarili kong tumitingin sa likuran sa may bandang bintana, only to be disappointed.

Doon kasi nakaupo si Hunter dati kaya palagi syang nasa peripheral vision ko. Kahit alam kong hindi ko na sya kaklase, hindi ko parin mapigilang i-check kung sya nga ang nakaupo doon.

Siguro naiinis na ang nakaupo sa likuran ko, kasi kaninang umaga ay tinadyakan nya ang likod ng aking silya nang mapalingon na naman ako sa likod. Pilitin ko man ang sarili kong huwag lumingon doon, parang reflex ko nang tumingin sa bahaging iyon kapag may nakikita akong gumagalaw.

Kinabukasan ay maaga pa akong nagising upang gawin ang apat na flower arrangements. Iniwan ko ang mga iyon sa workroom at tinext si Ate Tess, pagkatapos ay nag-abang na ng jeep papuntang university.

Pagdating sa kanto ay bumaba ako at binaybay ang kahabaan ng malapad na highway papasok ng university. Kokonti pa lamang ang mga pribadong sasakyan na dumaraan; alas sais kinse pa lamang kasi.

Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang dumampi ang malamig na hangin sa aking balat. Napakaganda talagang pagmasdan ng mga mumunting butil ng hamog sa damuhan, lalo na’t natatamaan ito ng sinag ng araw.

As usual, ako ang unang nakarating sa classroom. Kaagad kong kinuha ang aking notes para magreview, ngunit kalaunan ay unti-unting bumigat ang aking mga talukap at nanlabo ang aking paningin.

Ilang beses pa akong napahikab bago nagpasyang isara ang notebook at saka umidlip. Dinadalaw na naman kasi ako ng antok, bagay na madalas mangyari nitong mga nakaraang araw.

“Oy…”

Nakaramdam ako ng sunod-sunod na pagtapik sa aking balikat. Alam naman ni mama na ayaw kong ginigising ako ng ganun, bakit ba nya ginagawa? Sa aking pagkainis ay tinampal ko ang kamay nya.

“Aba’y putang-ina mo, HOY!”

Bigla akong napaupo ng direcho nang maramdaman ang pagtama ng matigas na bagay sa aking binti.

“Aray naman…” daing ko habang hinahaplos ang kumikirot na bahaging iyon.

“Leche, tagal mong magising! May naghahanap sa’yo!” singhal nya habang tinuturo ang pintuan.

“H-huh?” wala sa sarili kong tanong.

“Hoy ikaw, wag mo akong inaabala. Sa susunod na tampalin mo yung kamay ko, hindi lang tadyak ang aabutin mo sakin!” babala nya habang dinuduro ako.

“S-sorry…” hingi ko ng paumanhin na sinuklian nya ng matalim na tingin bago naglakad pabalik sa silya nya.

Pagtingin ko ng relo ay 6:55am na. Kaagad kong kinuha ang supot na naglalaman ng baon ni Hunter at dali-daling lumabas ng classroom. Alam kong sya ang naghahanap sa akin dahil wala namang mangangailangan sa akin, liban sa kanya.

“Boss…” bati ko nang makita sya.

“Hey, I texted you pero hindi ka na naman nag reply. I had to ask someone tuloy para tawagin ka.” kunot-noo nyang kinuha ang supot sa kamay ko.

“Eh, ganun ba? Sorry po, nakaidlip ako eh.”

“Yeah, I can see that. May marka pa nga ng spring ng notebook sa pisngi mo eh. Don’t tell me na naglaway ka?” panunukso nya.

“Grabe sya oh, di ako naglaway ah.”

Walang anu-ano’y hinawakan ni Hunter ang aking baba at tahimik na pinagmasdan ang aking mukha. Nakakahiya mang aminin, masarap sa pakiramdam ang mainit nyang palad. Unti-unting bumilis ang aking pulso.

Aarghh! Kasalanan ito ng malamig na panahon!

“O, mamimintas ka na naman ba? Oo na, ako na’ng pangit.” Pagbibiro ko para basagin ang katahimikan.

“Nope, I don’t mean that. You’re so damn pale. Natutulog ka pa ba?” nag-aalala nyang tanong.

“Oo naman, ano ka ba?” hinawi ko ang kamay nya para matago ang pagkailang.

Ngunit sa halip na ibaba nya ang kamay ay inabot na naman nya ang batok ko at pinaglaruan ang buhok ko doon. Sinasadya ba nya ito? O ginagawa nya ito subconsciously?

“Really? Kaya pala umagang-umaga eh naidlip ka.” sarkastiko nyang tugon, na sinuklian ko naman ng irap.

“Hey, PE ang third period nyo diba? Matulog ka na lang sa clinic.” utos nya.

“Huh, nababaliw ka na ba boss? Di ako pwedeng umabsent ano.”

“Di ka naman aabsent eh. Wala si Sir Chaves mamaya sabi nung Pharma student na tinanong ko. Pwede rin dun sa library ka tumambay, I don’t care, basta matulog ka.”

“Weh, sure ka? Baka mamaya pinagtitripan ka lang nung tinanong mo eh. Saka teka, bakit alam mo yung class schedule ko?” demanda ko.

“Bakit ba ang kulit mo? Pag sinabi kong wala sya, wala sya!” giit nya sabay hila ng buhok ko.

“Ow! Boss naman eh…”

“You should be thankful that I’m looking out for you, you little shit.”

Hinawi ko ang kamay nya bago pa man maubos ang buhok ko sa kahihila nya.

“Opo inay!”

“Loko ka. And one more thing, magreply ka nga sa mga text ko.”

“Nagrereply naman ako ah? Saka alam mo namang hindi pwedeng gumamit ng cellphone kapag may klase, diba?” rason ko.

“Still, magreply ka as soon as you finish class, got it? Kung hindi ay mapipilitan akong tawagan ka.” pagbabanta nya.

“Opo, alis na at baka malate ka sa klase mo. Shoo, shoo!” ipinagtabuyan ko sya na parang aso.

Natawa lang ang demonyo saka bumelat bago tumakbo papalayo. Saktong pagpasok ko ng classroom ay pumasok rin ang teacher sa kabilang pinto. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang klase.

Bzzz…bzzz…bzzz…

Napaikot ang mata ko. Kakasabi ko lang na bawal magtext kapag may klase eh. Ano na naman bang ginagawa ni Hunter? Sarap talagang itumba ng demonyong yun.

Bzzz…bzzz…bzzz…

Alin ba sa sinabi ko ang hindi nya naintindihan? Nakakainis naman eh. Tapos ako pa yung kagagalitan nya kapag hindi ako nagreply. Tagalang rereplyan ko ng mura si Hunter kapag di sya tumigil!

Bzzz…bzzz…bzzz…

Nang maramdaman ko ulit ang vibrations ay hindi na ako nakapagtimpi. Humanda kang demonyo ka! Sa sobrang inis ay kinuha ko ang cellphone ko sa bag saka patagong binuksan ang message.

Si Brix. Nag-yayayang mag lunch kasama ko.

Brix

“Hey, let’s break up.”

“What? Why…? Have I done something wrong?”

“No, it’s—“

“Tell me, where did I go wrong? Tell me how to fix it. I can still fix it, right...?”

“Listen to me! I can’t do this anymore! Your love is too suffocating.”

Napabangon ako dahil sa ingay ng aking alarm clock. Bagama’t walang saplot, tagaktak parin ang aking pawis. Malakas ang kabog ng aking dibdib at hindi pantay ang aking paghinga.

Pilit ko mang iwaksi sa aking alaala, binabalik-balikan parin ako ng panaginip na iyon. They said that dreams do come true, but they forgot that nightmares are dreams too…

Sinuklay ko na lamang ang aking buhok at pinatay ang nakakairitang alarm clock. Hinawi ko ang kurtinang nakatakip sa naglalakihang bintana, at sinalubong kaagad ako ng matingkad na sikat ng araw. Oras na upang magtrabaho.

“Good morning, sir.”

“Magandang umaga din sa’yo, manong guard.” nakangiti kong bati.

Pagkapasok ng building ay kaagad kong tinahak ang direksyon ng mga elevators. Hindi nawawala sa aking mga labi ang ngiti habang binabati ang lahat ng aking mga kasalubong.

Bumaba ako sa fourth floor kung saan makikita ang marketing and advertising department. Dumirecho ako sa aking desk at kaagad na pinaandar ang laptop. Habang hinihintay magstart-up, niluwagan ko ang suot kong necktie.

“Hanggang ngayon ba hindi ka parin sanay magsuot ng tie?” natatawang puna ng lalaki sa aking harapan.

“Hey, that rhymed! Morning, Daryl. And yeah, this thing irks me off; para akong sinasakal eh.” tuluyan ko nang hinubad ang necktie ko at itinago sa aking drawer.

“Good morning din, sir. Saka reminder lang, wear you tie at all times. Lagot ka kapag nakita ka na naman ni president.” panunukso nya.

“How many times do I have to tell you to stop calling me that?” kunot-noo kong sita.

“Sir naman, head ka namin at someday ikaw yung magmamana ng kumpanya. Ampangit naman kung magiging informal kami sa’yo. Baka sabihin ng ibang department na pasipsip kami.” depensa ni Vicky.

“Matagal pa mangyari yon, and pakialam ba nila? We’re close…” reklamo ko.

“Edi sige, we’ll stop calling you ‘sir’. Instead, we will call you ‘big boss’. Deal or no deal?” hamon ni Paolo.

“No deal! Stop it guys, I’m blushing! I still have tons to learn kaya gusto ko lang ienjoy yung ginagawa ko right now.” pakikipagbiro ko.

It’s almost a year since nag-umpisa akong magtrabaho sa toy company ni dad. Mahirap sa umpisa, lalo na’t reluctant makipagsalamuha ang mga co-workers ko sa akin dahil anak ako ng company president.

Pero dahil gusto ko ring maging asset ng kumpanya at magkaroon ng good working environment, kinapalan ko na ang mukha ko at sapilitang nakipag-usap sa mga kasama ko, eventhough baluktot ang dila ko managalog.

Me? I’m Brix Pineda, 21 y/o, single, 5’11” ang height, and graced with good physique thanks to my hobby — swimming. Call me arrogant, pero totoong gandang lalaki ako at na naenhance pa iyon ng aking golden brown, wavy hair na hanggang leeg.

Nagpart-time model ako noong college years ko. Marami na rin ang nag-approach sa akin for underwear modelling, pero I declined dahil mas importante sa akin ang trabaho ko. And who is this Tommy Esguerra na sinasabi nilang kamukha ko?

Last year lang ako nakauwi from Australia matapos mamalagi doon ng halos sampung taon. Dad convinced me to work for the company dahil bang-araw ay ako daw ang magmamana noon. The earlier I learn the trade, the better.

“Based from your professors’ feedbacks and your exemplary grades, it’s only appropriate that your starting position is a department head. Why did you decline?” mabalasik na tanong Maverick Pineda.

“Dad, I had to. I already got in without interview, thanks to you. Give me this chance to prove to everyone that I can achieve my position without your help.” depensa ko.

“But this is your privilege as my son. Why are you throwing it away?”

“There’s no easy way to success; you always told me that. If I want to lead this company with everyone’s support, I have to show them first what I can do. And I’ll do it by starting from the bottom. So please, grant me this selfish wish.”

Matagal ang katahimkan na naghari sa pagitan namin ni dad. Pinagpawisan ako ng malamig, pero hindi ko magawang putulin ang eye contact naming dalawa. Kalaunan ay pinalabas nya na lang ako sa office.

“Do whatever you want.” pahayag nya.

Simula noon ay sa marketing and advertising department ako na assign. Dahil sa innovative and creative ideas na aking ipinipresent at dahil sa kasipagan, sunod-sunod ang promotion ko. At ngayon nga ay head na ako ng department namin.

“Hey guys, wag kalimutan ang 8am meeting ha.” remind ko sa kanila.

“Sir, coffee. 2 teaspoons each of sugar and creamer, just the way you like it.” inilapag ni Miguel ang umuusok na tasa sa desk ko.

“Thanks Migs.”

“Sir, 1pm pa diba yung site visit natin for Christmas promotional event? Pwede po mag early lunch kami after meeting? Tutal kokonti na lang naman yung tatapusin namin.” paalam ni Vicky.

“Oh, sure Vicks. Basta walang maiiwan na trabaho ha, kundi wala kayong bonus.”

Natawa na lamang ako nang mataranta sila. Habang humihigop ng mainit na kape ay binuksan ko at nireplyan ang mga importanteng e-mails. Pagkatapos noon ay nag-organize ako ng files sa aking laptop. Nahagip ng paningin ko ang isang thumbnail.

Hindi ko mapigilan ang awtomatikong pagsibol ng ngiti sa aking mga labi. Naalala ko nung una kaming magkita — he looked so out-of-place, yet so adorable as he stared wide-eyed sa mga lumalangoy.

Just like a kid in a candy store.

Napunta lang naman ako sa indoor pool facility na iyon dahil sawang-sawa na akong kumanta ng “Bahay-Kubo” araw-gabi para mas mabilis akong makapagsalita ng straight Tagalog.

Nahihiya man, hindi ako nagdalawang-isip na lapitan sya. Pero nung nasa likod na nya ako ay kinabahan ako. Ano ba’ng sasabihin ko? Baka tumakbo sya katulad ng mga nauna kong kinausap.

Napaisip na tuloy ako. Pang mamamatay-tao ba ang quality nitong mukha ko? Eh ang gwapo-gwapo ko naman. Baka natatakot lang silang makipag-usap dahil akala nila hindi ako nakakaintindi ng Tagalog?

Buti na lang may hawak syang stopwatch kaya may palusot ako — pwede ba nyang i-time ang paglangoy ko? Nanlaki ang mga mata nya nang kausapin ko sya, pero nagpumilit ako kaya pumayag sya (bagama’t halatang napipilitan lang.)

It’s really lonely dun sa indoor pool. Ilang oras na ako dun pero walang nakikipag-usap sa akin. Kaya ang saya-saya ko nang kausapin ako ng pangit na lalaking iyon.

Yep, plain sya at ubod sya ng pangit. Pero kung may isang bagay na kanais-nais sa kanya, iyon ay ang ngiti nya. Holy shit, that smile! Yung feeling na akala mo anghel ang nakangiti sa’yo?

The next time we saw each other was nung naghahanap ako ng flower shop na maoorderan ng magandang bouquet for our special event. Umuulan noon at pagod na talaga ako, kaya nang makita ko ang shop nila ay sinabi kong last stop ko na yun.

Who knew it was a blessing in disguise? Kahit pa nasaktan ako at napa-ospital ng wala sa oras, at least I got to see him again. And I never thought I would say this to another guy, but Gus is really cute.

The way na hindi nya mapigilan ang sariling mag-‘sorry’, o yung child-like innocence nya, o yung hindi sya mapakali hangga’t hindi nasusuklian ang favour na ginawa para sa kanya, o yung ngiti nya…

Argh! Bakit ba hindi ko maalis sa isipan ko ang ngiting iyon? Dahil sa pagka desperado ay sapilitan kong binigay sa kanya ang number ko, writing it in a tissue. Sounds like a fucking 90’s movie.

Halos tumalon ako sa saya nang tawagan nya ako, niyayayang pumunta sa birthday nya. Sumakit pa ang ulo ko sa kakaisip ng magandang regalo sa kanya, hanggang maalala ko ang lava lamp noong high school ako.

Parang ganun si Gus eh… yung ngiti nya ang liwanag sa madilim kong buhay. Shit, ang corny ko naman, pero yun ang naiisip ko kapag nakikita sya.

Hay, kamusta na kaya sya? Sa sobrang busy ko eh hanggang text na lang nagagawa ko. Kailan ko pa kaya makikita ang ngiti nya at maririnig ang bos—

Aha! May naisip akong paraan. Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang number nya. Sa halip na tumawag ay naisipan kong itext na lang sya, baka kasi nag-uumpisa na ang klase nila.

[Yo Gus! B here, u hav free tym later? Sabay tayo lunch @11am] send

[Don’t wori, my treat. Bawal decline ha? U promisd na pwd kita ilibre. Let’s do some catching up.] send

Ilang minuto pa akong nag-antay ngunit wala paring reply mula kay Gus. Binasa ko muli ang sinend ko, at halos mapa-face palm ako. Kaya pala hindi sya nagrereply eh. My text sounded like a blackmail!

[Gus, ok lng if d ka pwd 2day. I didn’t mean to sound too pushy; juz wana hangout with u. pls lemme know if you rcvd dis. I’m sorry :( ] send

“Sir, ok ka lang ba?” tanong ni Migs.

“Kanina ka pa kasi napapabuntong-hininga eh. Saka baka sumabog na yang phone mo sa kakatitig mo jan.” puna ni Daryl.

“W-wala, ok lang ak—“

“Asuuus, love problem yan noh?” panunukso ni Vicky.

“Hoy hindi ah! Walang ganun.” pagdedeny ko.

“Denial agad, love problem na yan!” natatawang tukso ni Chiqui.

“Hoy, hoy, wag nga kayong ano. Masyadong malayo sa bituka yung hula ninyo.” depensa ko.

“Malayo sa bituka kasi malapit sa puso…” parinig ni Migs.

“Mga ulol!” singhal ko.

“Bwahaha! Nagmura na, ibig sabihin totoo! Witweeew!” dagdag ni Paolo.

Sinimulan nila akong tuksuin. What the hell? Ang tatanda na nila pero kung umasta ay parang mga teenager. Ibubuka ko na sana ang bibig ko para pagalitan sila, pero biglang nag buzz ang phone ko.

[sorry, ongoing class. Sige free ako 11am maya.] ~ Gus

[K, daanan kta sa main gate. See u :) ] napangiti ako habang sinisend ang text.

“Ayiee, see that smile? Na-solve na ata yung love problem.” puna ulit ni Daryl.

“Siraulo!” tanging depensa ko.

Bigla akong sinaniban ng kakaibang pwersa at ginanahan sa trabaho. Halos hindi ako mapakali at excited na akong matapos ang meeting namin. I get to see and have lunch with Gus, pero sana ay hindi nakabuntot si Mav.

Ah, si Mav… hindi ko parin alam kung papano sya haharapin. Oo, magkapatid nga kami at eight years na ang nakalipas, pero andun parin yung bitterness…

At may napuna rin ako sa pagtrato nya kay Gus. Hindi ko ako sigurado, at hindi ko alam kung narealize na nya, pero kung tama nga ang hinala ko…

Gus

Kahit malakas ang buhos ng ulan ay pinagsikapan kong makapaglakad ng mabilis patungong main gate. May kalakasan ang hangin kaya kahit may payong ako, hindi parin maiwasang mabasa ang ibang parte ng katawan ko.

Nababaliw na yata ang panahon. Kaninang umaga lang ay maaliwalas ang paligid at maganda ang sikat ng araw, pero nang mag-umpisa ang second period ay bigla na lamang nagdilim ang kalangitan.

Isa pang pinoproblema ko ay ang sapatos ko. High school ko pa kasi ito ginagamit at bagama’t may tahi naman, nangangamba parin akong baka bumigay ang suwelas nito sa sobrang kalumaan.

At siguro nahihibang na nga rin ako. Imbes na magpahinga dahil inaantok ay pumayag na lamang akong makipaglunch kasama ni Brix. Nakokonsensya na kasi ako; ilang beses ko nang tinanggihan ang paanyaya nya.

Bzzz!!! Bzzzz!!! Bzzz!!!

Naramdaman ko ang tuloy-tuloy na pagvibrate ng cellphone sa aking bulsa, tanda na may tumatawag. Malamang si Brix na iyon, 11am kasi ang usapan namin. Ngunit nang sasagutin ko na ay nakita kong ‘El Diablo Guapo’ ang nasa caller ID.

“Hello boss?”

Ano kaya ang kailangan ni Hunter? At diba nasa kalagitnaan pa sya ng klase? 12nn pa ang lunchbreak nila ah. Ano bang ginagawa nya?

“Hunter? Pasensya na, hindi kita marinig…” may kalakasan kong tugon dahil hindi ko sya marinig.

“SABI KO SAN KA PUPUNTA! WALA KAMING KLASE, SABAY TAYO MAGLUNCH!”

“EH?! SORRY, MAY LAKAD AKO EH!” malakas ko ring sigaw.

“SAAN?!” demanda nya.

Umihip ang malakas na hangin kaya’t imbes na sumagot ay dali-dali akong sumilong sa guardhouse. Namataan ko ang isang pulang kotse na bumusina naman, kaya tiyak kong si Brix na nga yun.

“Sir, patingin ng ID.” may pagdududa ang tingin ng guard bago ako makalabas.

“Sandali lang…” sumenyas ako kay Brix.

Bagong hire siguro si manong, kasi lahat ng guard ay kilala na ang mukha ko. Bakit ba sya nagdududa, eh suot ko naman ang uniporme ng uni? Hay, andami talagang judgemental ngayong panahon.

Maingat kong tinahak ang daan papuntang kotse ni Brix, nag-aalala sa kalagayan ng aking sapatos at baka tangayin rin ang aking payong. Pagkapasok ng kotse nya ay doon ko pa napagtantong hindi ko pa napapatay ag cellphone ko.

“Maya na lang tayo mag-usap. Wag kang magpapaulan ha? Bye.” bilin ko kay Hunter.

“Ready to go?” tanong naman ni Brix.

“Ah, oo. Salamat nga pala sa pagsundo sa akin. Nakakahiya naman sa’yo, naabala pa kita.” paumanhin ko habang nagmamaneho sya.

“Nawp, it’s fine. Besides, with this downpour, matatagalan ka bago makasakay ng jeep.” nakangiti nyang sagot.

“Eh, pwede naman akong sumakay ng taxi.” hindi ba sya napapagod sa kakangiti?

“Sus, taxi! Eh doble gastos ka lang nyan. By the way, who were you talking to sa phone kanina?” usisa nya.

“Sino pa ba? Edi yung kapatid mo, nagtatanong kung saan ako. Hindi ko na nasagot eh, ang lakas kasi ng ulan tapos hindi kami magkarinigan.”

“Hindi ba sya nagalit?” bahagyang kumunot ang noo ni Brix.

“Huh? Bakit naman sya magagalit?” pagtataka ko.

“Because you didn’t tell him where you were going. And magkasama pa tayo…”

“Bakit naman sya magagalit kung kasama kita? Saka kung ganon eh kelangan ko pa pala syang iinform everytime na mag-CR ako?”

Bigla na lamang natawa si Brix sa tinuran ko. Napailing-iling sya at sinabing hindi nya inexpect na palabiro din daw pala ako. Ngumiti na lamang ako at nakinig sa musika habang naghihintay na makarating sa aming destinasyon.

Sa isang Korean restaurant kami pumasok at sa entrance pa lang ay halos mag hyperventilate ako sa sobrang mahal ng presyo. Hihilain ko sana si Brix at yayayaing pumasok sa Jollibee, ngunit nang makita ko ang expression nya ay natigilan ako.

Ilang beses ko na syang tinanggihan, at ngayong napapayag nya na akong sumama sa kanya ay nag-aalinlangan na naman ako. Ayokong sumama ang loob nya, kaya kahit kinokonsensya ako ay nilunok ko na lang ang pride ko at pumasok doon.

Pagkapwesto namin sa mesa ay kaagad umorder si Brix. Nawala lahat ng pangamba ko nang makita syang nasisiyahan habang gini-grill ang mga piraso ng karne. Ngayon lang din ako nakakita ng restaurant na kayo mismo ang nagluluto ng pagkain nyo.

Napaka-attentive din ni Brix. Sya ang nagsi-serve ng pagkain ko at konting galaw ko lang ay tinatanong nya kung ok lang ako, o kung ano daw ba ang kailangan ko at sya na ang kukuha. Nahiya tuloy ako.

Napakahaba din ng pasensya nya habang tinuturuan nya akong gumamit ng chopsticks. Naisip ko, kung si Hunter siguro ang nagtuturo sa akin, malamang kanina pa yun nainis.

O di kaya ay kanina pa gumugulong sa katatawa. Habang iniimagine ang isiping iyon ay hindi ko rin mapigilang matawa.

“O, may problema ba?” pukaw ni Brix sa naglakbay kong isip.

“Hehe, wala naman. Sana kasama natin si Hunter, tyak na magiging masaya yung lunch natin.” sinabayan ko ito ng mahinang pagtawa.

“A-ah, y-yeah…” sagot ni Brix.

“Nga pala, bakit mo dinecline yung offer ng papa mo na maging head nung pagpasok mo palang sa kumpanya nyo?” pang-uusisa ko.

“Well, I want to prove something. You kow that thing na gusto mong ipamukha sa mga tao na you achieved that position dahil you worked hard? Hindi yung…yung…”

Nag gesture sya na parang may hinahanap syang term.

“Hindi yung ‘riding daddy’s coattails’ thing?” nag-aalinlangan kong dagdag.

“Yes, exactly! Kasi nga gusto ni dad na ako ang mag-inherit ng company, pero gusto ko rin na malaman yung ins-and-outs ng trade at makuha ang respeto ng mga employee doon. So ganun ang nangyari…” kibit-balikat nyang sagot.

Marami pa kaming pinag-usapan ni Brix habang kumakain. Tungkol sa buhay nya sa Australia, ang pinagmulan ng flower shop ko, at yung mga maliliit na bagay tulad ng paborito naming kanta o pelikula.

“Gus, is it ok kung ihatid na kita sa uni? I have to go back to work at 1pm eh.” mejo malungkot ang boses ni Brix.

“Ay naku, walang problema! Pasensya na at naistorbo ko ang trabaho mo.”

“Ano ka ba, it’s fine. I’m really happy we got to hangout and have lunch.”

Ngunit habang nagmamaneho sya pabalik ng uni ay nakaramdam ako ng matinding antok. Marahil dala ng malamig na panahon, o nang nanghehele nyang musika sa sasakyan, o sa labis na kabusugan.

Ilang beses akong napahikab. Wala na akong maintindihan sa mga sinasabi ni Brix at nanlalabo na ang mga mata ko. Walang anu-ano’y nilamon na ako ng kadiliman.

“Gus…Gus, gising. We’re here.”

Naramdaman ko na naman ang nakakairitang pagtapik sa aking balikat. Ilang beses ko bang sasabihan si mama na wag akong ginigising ng ganun? Nang tapikin nya ako ulit ay tinampal ko na ang kamay.

“Gus…?”

Hindi nagtagal ay nakaramdam ako ng mahinang kiliti sa aking tenga. Wala sa sariling napakamot ako sa bahaging iyon. Wala pang isang segundo ay naroon ulit ang kiliti.

“Ma!” naiinis kong saway.

Ngunit imbes na tumigil ay sige parin ang pangingiliti nya. Kaya sa sobrang irita ko ay napahablot ako sa direksyon na pinanggagalingan ng kiliting iyon.

“Aray! Oww, oww, Gus please let go… ow!” sigaw ng lalaki.

Huh? Boses ng lalaki? Kung hindi si mama…sino? Napamulat ako mula sa pagkakahimbing.

“B-Brix! S-sorry…!” kaagad kong binitiwan ang buhok nyang nahablot ko.

“Ow… God, you’re awfully cranky kapag bagong gising ha.” hinimas nya ang ulo nya.

“S-sorry talaga, a-ayoko kasing gisingin ako ng t-tinatapik eh. M-masakit ba? Nasaktan ba kita?” nataranta kong tanong.

“Tad bit, lakas ng hawak mo eh.”

“Sorry talaga Brix…”

Kinalas ko ang seatbelt saka lumapit sa kanya. Nang tanggalin ko ang kamay nyang nakasapo sa ulo ay nakita ko ang tatlong mahahabang marka sa gilid ng tenga nya.

“Sensitive ka pala kapag hinihipan?” natatawa nyang tanong.

Hindi na ako nakasagot. Sa halip ay pinag-aralan ko ang mga markang gawa ng sarili kong kamay. Namumula ang mga iyon, ngunit walang dugo.

“Brix, Brix… pasensya na talaga, nasaktan pa kita…” nanginig ang boses ko.

“Hey, get over it. I’m ok, sanay naman na akong nasasaktan.” pagbibiro nya.

“S-sorry talaga…” naiiyak kong sambit habang hinahaplos ang bahaging iyon.

“Hehe, I’m just kidding! Ok lang ako, wala ‘t—“

Hinawakan ni Brix ang kamay ko at hindi pa man ako nakakalayo ay lumingon sya sa akin. Parehong nanlaki ang mga mata namin. Gahibla na lang ng buhok ang espasyong namamagitan sa amin, at amoy ko ang mabango nyang hininga na dumarampi sa aking pisngi.

Hindi ko alam kung kailan nangyari, ngunit ramdam ko ang mainit nyang palad na humahaplos sa aking leeg. Ang mga matang kanina ay nakatingin sa akin, ngayon ay bumaba na at nakatutok sa—

BEEEEPPP!!

Pareho kaming nagulat sa malakas na tunog na iyon at dagli akong lumayo kay Brix. Ibinaling ko ang tingin ko sa gilid upang maitago ang nagliliyab kong mukha.

Pilit kong kinalma ang dumadagundong kong dibdib. Ano’ng nangyari? Bakit ganoon? Hindi ako makatingin ng direcho kay Brix.

“A-aherm… umm, so Gus? Papano, dito na lang?” tawag ni Brix sa akin.

“A-ah, o-okay… um, s-salamat nga pala. At pasensya sa abala, pati dun sa… dun sa ginawa ko kanina.” inangat ko ang mukha ko para tingnan sya.

“Uhm, did you have fun?” namumula rin ang mga pisngi nya.

“O-oo naman! Sa susunod isama na natin si Hunter. Siguradong magseselos yun kapag nalaman nyang kumain tayo ng barbeque. Mahilig pa naman yun sa barbeque.” pag-iiba ko ng usapan.

“Or something…”

“Ha? May sinabi ka?”

May malakas na ingay sa aking tenga kasabay ng pagdagungdong na sing bilis ng pulso ko kaya’t hindi ko narinig ang sinabi nya.

“Wala, sabi ko goodluck sa studies. Til next time?” nakangiti nyang tugon.

“Sa uulitin. Salamat ulit ha? Mag-ingat ka sa pagmamaneho.” paalam ko.

Pagbaba sa sasakyan ay muntik ko nang makalimutan na umuulan pala. Kung hindi pa ako tinamaan ng tubig ay hindi ko mare-realize na hindi ko nabuksan ang payong ko. Nanginginig parin ang mga kamay ko.

Kinakapos ako ng hininga at palagay ko’y umiikot ang paligid. Pilit kong kinalma ang sarili ko, ngunit nang maalala ko ang namumulang mukha ni Brix ay lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Gusto kong sampalin ang aking sarili. Hindi ito ang tamang lugar para isipin kung ano ang nangyari kanina. Ang importante ay makapasok ako sa klase nang hindi natatanggal ang suwelas ng sapatos ko.

Ngunit bigla na lamang naglaho sa aking isipan ang lahat nang naganap nang mamataan ko ang lalaking nakatayo sa labas ng guardhouse. Taliwas sa namumulang mukha ni Brix, ang lalaking ito ay nagtataglay ng mukhang mas madilim pa sa mga ulap.

Si Hunter, nakatiim-bagang at nanlilisik ang mata.

Hunter

Tanong: Ano ang dapat gawin ng isang taong kulang sa tulog at inaantok? Yes, very good children! SLEEP.

Kahit siguro si Stephen Hawking o Steve Jobs ang tanungin mo ay ganoon din ang isasagot nila. Isa ito sa basic needs na nakalagay sa Maslow’s Heirarchy of Needs.

Ngunit talagang may exception to the rule. Take for example this guy, top 1 DL sa buong campus. Imbes na matulog ay piniling makipagsapalaran sa ulan upang maglakwatsa. Kakaibang katalinuhan ang taglay ano?

Ako naman si tanga, muntikan nang madulas sa corridor dahil tinakbo ko ang library at clinic upang tingnan kung natulog sya doon. Gusto ko syang yayain mag lunch dahil finally, nagka-vacant period ako.

Ngunit nang makita kong wala sya sa dalawang lugar na iyon ay nagmadali akong sugurin ang classroom nila, baka kasi nagmatigas na naman ang baliw at nag-aral na naman. Yun pala, mas malalang kahibangan ang ginawa nya.

“Yung pangit na scholar? Nagmamadaling lumabas ng classroom kanina.” sagot ng babaeng tinanong ko.

Muntik nang huminto ang puso ko nang makita syang naglalakad, hawak-hawak ang lumang payong na halos tangayin na sa lakas ng hangin. Ang tagal pa bago nya sinagot ang tawag ko.

Only to find out na si kuya pala ang kakatagpuin nya. At wala akong kaide-ideya.

Nirespeto ko yung rule nya na bawal magtext kapag nasa kalagitnaan ng klase o di kaya ay nagrereview sa gabi. Nirespeto ko rin yung desisyon nyang bawal tumawag kapag wala namang importanteng sasabihin.

Pero bakit yung simpleng tanong kong “saan” ay hindi nya masagot? Kailangan ba talaga nilang ilihim na magkasama sila? Bakit hindi rin ako inimbita ni kuya? Ganun lang ba ang role ko sa buhay nila?

“Sir, hindi tambayan ang guardhouse.” sita ni manong guard.

“Sandali lang manong, may hinihintay lang ako.” struggle is real para itago ang pagkairita ko.

“Doon ka sa loob maghintay. Bawal ang mga estudyante dito.” pagtataboy ng gwardya.

Sa sobrang inis ay natukso akong sapakin si manong guard. Pero baka masuspend, or worst ma expel, ako at makarating kay mommy, kaya nagtiim-bagang na lamang ako at nagpunta ng cafeteria.

Maraming babae ang gusto sanang umupo sa table ko at makipag-usap sa akin, pero pinanlisikan ko silang lahat ng mata. Natatakot akong baka magmura ako oras na buksan ko ang bunganga ko.

Kare-kare ang ulam na iniluto para sa akin ni auntie, pero wala akong nalalasahan. Halu-halo ang emosyon ko, pero nangingibabaw ang hindi maipaliwanag na sakit.

Why does it hurt so much, knowing that the guy you love is together with your own brother? Ok lang naman sana eh, kaso parang iba rin kasi yung tingin ni kuya kay Gus. O ako lang ba ang nagbibigay ng malisya?

Pero hindi eh, nung nasa The Gardens kami, parang kapit-tuko sya kay Gus. Nakapako ang tingin nya sa best friend ko at binabaling nya lang ang atensyon sa akin kapag may tinatanong ako.

“Does he… i-is he attracted with Gus?” bulong ko sa sarili ko.

Post a Comment

You need to login into your Google account to post a comment.
We will remove spams and duplicate comments.

[blogger][facebook][disqus]

Admin

{facebook#https://www.facebook.com/mencircle} {twitter#https://twitter.com/mencircleph} {google-plus#https://plus.google.com/+Mencircle} {youtube#https://youtube.com/mencircle} {instagram#https://instagram.com/mencircle}

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget