Anong Pangalan Mo

Anong Pangalan Mo

By: Cj Spielyar

Disyembre 21, 2017

23 years old. BS in Chemical Engineering sa TIP. Part-timer sa isa sa mga kilalang BPO company sa Pilipinas. May mapusyaw na tsokolateng mga mata na nangingislap ‘pag siya’y ngumingiti ng alanganin, labi na masarap halikan, at leeg na sadyang nakahuhumaling.

Pangalan? hindi ko alam. Tawagin nalang nating Mr. TIP.

Tinamaan ba ako sa kanya? Pitumput-pitong puting puta! Oo. Isang malaking chek! At isang malutong, malakas at nakaka-iyak na “putchang pag-ibig ‘yan.”

Nagkakilala kami sa isang sikat na gay “dating” site. Una akong nagpadala sa kanya ng mensahe. Nung mga panahong iyon kasi, abot-abot ang libog sa katawan ko. Pakiramdam ko nga noon, mismong sa mga butas ng balat ko sumisingaw yung kalibugan ko.

“Suck kita.” Yan yung pinadala kong mensahe sa kanya nung nakita ko yung profile niya na may icon na pulang apoy at nang masigurong in the vicinity lang siya. Bihira akong sumubo, bilang lang sa kanang daliri ko yung mga nakatalik ko at sinipsip ang kanilang mga kargada. Pero dala nga ng init ng katawan. Iyun ang nagsusumigaw na gawin ng isip ko.

Matagal bago siya sumagot kaya’t naisipan kong subukan ring magmensahe sa iba at talagang libog na libog na ako. Malaki rin kasi ang tiyansa na tumanggi siya kasi palagay ko pareho kaming top.

“Sure,” kasama ng isang devil’s icon yung sagot niya.

Sinundan ng “kelan ba pwede?” at “pic?”

Nagpadala ako ng larawan, sabay ng paghingi rin ng sa kanya. Nagpadala rin naman siya ng larawan at doon na nagsimulang mahaluan ang libog ng kakaibang init. Init na sakit lang pala maidudulot sa akin.

Top raw siya. Hindi siya nagpapakantot. Pero humahalik raw at marami raw siya kung magpalabas ng katas. Nang mga sandaling yun, naglaro sa isipan ko yung mga porno tungkol sa cum-dumping, yung mga bukkake at yung ilang sex vid sa twitter. At sa imahinasyon ko nga, andoon ako at ako yung pinaliliguan ng katas.

Walang pagdadalawang isip. Pumayag akong makipag-kita sa kanya . May itsura naman rin kasi. Malibog rin base sa mga tugon niya. Gusto rin raw niyang gawin yung mga sinabi ko. At higit sa lahat, puwede naman raw sa bahay nila dahil walang tao. Mainam yung kesa sa mag motel.

Gusto ko ura-urada nang gawin namin yon. Gusto ko agad nang maibsan yung init ng katawan ko. Pero hindi siya pwede nung araw na yon. Miyerkules daw siya pwede.

Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na maghintay pa. May ilan rin namang sumagot sa mensahe ko at pupwede ng oras na iyon at may mga lugar rin na pagpapalipasan ng libog. Pero nung nagmensahe si TIP, di ko na pinansin yung sa iba.

Ang tanga lang. Pucha. Maling-mali.

Sa dalawang araw na sumunod, nagkakapalitan kami ng mensahe. Puro libog lang naman ang laman noon. Karamihan ay tungkol sa mga experiences namin na paminsan-minsan ay nahahaluan ng personal na katanungan. Yung mga iyon yun iniiwasan kong sagutin. Gusto ko kasi sex lang. Alam ko kasi sa sarili na kapag inentertain ko yun, baka mahulog ako. Hindi pa naman mahirap mahulog sa isang kagaya niya.

Pero putangina!

Nahulog ako. Kahit anong pilit kong pigil. Walang pa-unti-unti. Hulog na hulog. Yun nga lang, walang sumalo. Lagapak ako sa lupa.

Dumating ang araw ng Miyerkules. Umaga palang hindi na ako mapakali. Naghihintay ako ng mensahe mula sa kanya. Mabuti nalang at may kaganapan sa BulSU* nuon, naging abala ako sa pagkuha ng larawan sa ilang volleyball games.

Subalit pumatak na ang ala-una, wala pa ring mensahe. Ewan ko ba. Alam kong minsan ganoon talaga sa dating platform na yun. Minsan hanggang sa mensahe lang ang mga plano. Trip trip lang kumbaga. Nangyari naman na rin kasi sa akin yun. Hindi na bago. At minsan nagawa ko na rin sa ilang mga naghahanap ng tawag ng laman noon. Kaya lang, iba yung dating sa akin ng pagbalewala niya. May hinayang. May kurot. Basta! Hindi ko maipaliwanag.

Nilamon ko na rin nga yung pride ko at ako na unang nagmensahe sa kanya. Nagpadala na rin ako ng SMS** sa bigay niyang numero. Pero ayun. Hello sa hangin.

Napagdesisyonan ko nalang ng araw na ‘yon na manuod nalang ng pang-gabing event sa BulSU kahit pa wala namang naka-tokang parte para sa akin. Pampalipas lang ng oras at panglansi sa hindi ko maipaliwanag na hungkag na nararamdaman.

Nakatanggap ako ng SMS mula sa kanya kinaumagahan. Pagod raw siya at nakalimutan niya yung usapan namin. Siyempre, alam nyo na ang isinagot ko.

“Ayos lang.” nakailan rin akong sumagot ng ganyan sa kanya. Wala rin naman akong magagawa pa. At isa pa, di ba nga ako naman yung naglagay ng kaibang damdamin sa usapan namin. Saka ano ba naman yung isa pang-chance. “Malay mo,” yan yung bulong ng isip ko.

Napagkasunduan naming magkita ng araw na yun. Nababahala pa siya na baka indyanin*** ko raw siya. Na baka gantihan ko yung hindi niya pagsipot sa usapan namin. Pero mas kinakabahan ako kaysa sa kanya. Pucha, baka pagkakita namin umatras ang loko. Gugulpihin ko na siya non!

Nauna na ako sa mini-stop. Doon yung napag-usapan naming tagpuan. Late na rin nga akong nakarating roon. At late naring nakapag sabi sa kanya na naroon na ako. Kinakabahan kasi talaga ako. Nanginginig pa nga yung mga kamay ko habang bumibili ng B’lue at palinga-linga baka dumating na siya. Tangna! Para akong bumalik sa pagiging teenager.

Blue shirt. Blue bag. Maong pants. Astig lang ng dating para sa akin. Sumenyas siya na sundan ko siya habang nauna nang maglakad papuntang sakayan ng tricycle. Bumalik yung libog ko nung makita ko yung leeg niya. Ang sexy kasi, parang ang sarap papakin.

Ilang minuto na kami sa tricycle pero tahimik pa rin siya. Nakikiramdam siguro. O kaya hindi ako sumakto sa inaakala niya. O talagang wala lang siya sa mood. Pero sinabi ko naman sa kanya yung mga palagay ko eh pweding maging dahilan ng pagtanggi niya. Saka kung ayaw niya sana dun palang sa mini-stop sinabi na niya kaya ‘wag niyang subukang mag-inarte pag nasa aksyon na kami.

Ilang sandali pa ay tahimik pa rin siya kaya ako na yung gumawa ng paraan para magkaroon kami ng munting pag-uusap. Sinimulan ko na rin siyang hipuan. Nung una, naiilang pa siya sa paghipo-hipo ko pero naramdaman ko rin naman yung pagtigas ng pagkalalake niya. Sakto lang sa palad ko ang laki non. Pero pinanggigilan ko yung tigas nun. Nagsimula na rin siyang mapangiti sa ginagawa ko. Kinilig ako sa libog at dating niya sa akin. Bigla tuloy akong nag-wish na sana… sana! Pero pilit kong binura yun sa isip. One time lang ‘to. Yan yung pinasok ko sa isip ko. One time lang!

Ramdam ko na rin yung panggigigil niya kaya’t tinigil ko na. Tutal naman malapit na raw kami sa kanila. Tama nga siya, minuto lang ang tinagal at huminto na kami sa tapat ng gate ng bahay nila. Nagmamadali siyang magbayad sa tricycle at pumasok na kami. Hindi pa man naisasara yung pinto hinalikan ko na siya. Ang lambot nung mga labi. Syet.

Agresibo ako. Taglibog na eh. Saka yun naman talaga eh, wala nang usap-usap. Kanina pa ako takam na takam sa kanya. Kaso pinahinto niya ‘ko. Aalisin muna raw niya yung damit nya. Kabitin!

Hinayaan ko na muna siyang alisin yung sapatos niya, i-ayos yung blue Herschel na bag sa mahabang mesa bago muling makipaglap-lapan sa kanya. Hindi na ‘ko makapaghintay. Kung kailangang daanin siya sa kulitan gagawin ko.

Kinagat ko yung pang-ibaba niyang labi. Ang sarap pakinggan ng ungol niya. Tinigasan na ako. Inulit ulit ko yung pagkagat at sipsip sa pang-ibaba niyang labi. Nakakahumaling kasi yung dulot ng magaspang at mahina niyang ungol.

Maya-maya pa ay nasa kwarto na kami. Hinuhubaran ko na siya sabay ng walang puknat na halikan. Hindi na baleng hindi kasing tindi ng halik ko yung mga tugon niya. Basta ang akin, mapaungol siya at mag-enjoy.

Unti-unti ko rin inalis yung puti niyang underwear, saka ko pinagmasdan yung hubad niyang katawan. Hindi siya macho, wala ngang namumutok na biceps eh at mejo malaki rin yung tiyan niya pero ang tindi ng hatak niya sa akin. Pumatong na ako sa kanya, pinagtatama ko yung katigasan niya sa balot ko pang pag-aari. May sasabihin pa sana ako pero idinaan ko nalang sa halik. Ayokong magkamali.

Dumausdos ako pababa patungo sa leeg niya. Dapat nang gawin yung napag-usapan namin. Sinimulan ko sa paghalik-halik sa leeg niya na kanina ko pa gustong papakin. Sa bawat halik ko sinusubukan kong mag-iwan ng marka. Hindi man maulit ito, kahit papaano, hanggang pasko may maaalala siya mula sa akin. Naka-pito rin ako sa kanang bahagi ng leeg niya, isa malapit sa adam’s apple at apat sa kaliwang bahagi. Tinuloy ko na yung paghalik pababa sa dibdib niya habang patuloy na nag-iiwan ng mapupulang marka. Nakikiliti siya pero sabi ko i-ungol lang niya. Hinalikan ko yun hangggang makarating sa pusod niya. Malinis yun kaya nagtagal ako sa pagkagat-kagat ng palibot noon.

Naramdaman ko nalang yung pagtulak niya sa akin pababa sa ari niya. Hindi na ako umarte pa. Parte ito ng usapan namin. Isusubo ko siya. Saka kahit siguro hindi na namin napag-usapan pa, sa sarap niyang yun. Hindi ako papayag na hindi siya matikman.

Mukha namang nasarapan ang loko. Mahabang ungol ang tugon niya sa ginagawa kong iyon.

“Masarap ba?” tanong ko.

“Sakto lang.”

“Sige, subukan ko ulit.”

Sinimulan kong dilaan yung di kalakihang bahay-semilya niya. Pinasadahan ng pinatigas kong dila ang palibot noon na nagpahaling-hing sa kanya. Lumipat ako sa kabila at ganoon ulit ang ginawa ko. Wala akong naririnig na mura mula sa kanya, pero napuno naman ng halinghing at mahihinang ungol yung apat na sulok ng kuwarto.

Mula sa bahay-semilya, pinasadahan ng dila ko yung puno katawan ng kanyang pagkalalaki. Ilang beses akong nagtaas-baba roon. Sinusubukang memoryahin ang kurbadang nakaturo paibaba. Nang sa sumunod kong pag-angat sa puno ng burat niya, nanatili na ako sa naglalaway ng ulo. Pinaikutan, sinipsip at walang pag-aalinlangang isunubo hangang sa ang mga labi ko’y dumikit sa gubat na nakapalibot sa kanyang ari.

Nung una ay ako lamang ang gumagawa, subalit kalaunan, sinasalubong na rin niya ng pag-angat ng kanyang balakang. Ang sarap. Lalo na pag amoy na amoy ko yung mabalahibo niyang puson. Subalit nang may malasahan ako na kung anong mapakla, tumigil ako at pahalik na muling umibabaw kay TIP.

“Masarap ba?” di ko napigil itanong. Gusto kong tadyakan yung sarili ko. Syempre nasarapan yun. Titigas ba ng ganoon katigas yun kung hindi.

“Oo. Pero sumasabit ngipin mo.”

Hinalikan ko siyang muli sa labi. Pagkatapos naman ay sa leeg. Kasunod naman yung kanang tenga.

“Ikaw naman taya.” Bulong ko.

“Ha?!” Lumayo sya ng bahagya mula sa akin. Tinignan ako sa mukha. Bakas roon yung ayaw niyang isatinig.

“H-hindi ko kaya.” Iling niya. “Hindi ako sumusubo. Jakolin nalang kita.”

‘Tangna. Kung nasa katinuan lang ako. Nagbihis na ako nun at umuwi. Pero nga hindi eh, Pa-fall eh.

“Eh anong kaya mong gawin?” balik kong tanong habang wala sa sariling niyayakap siya.

“Torrid kiss.”

“Yung romansa?”

“Hindi eh.”

“Ay pucha! Ano ‘to? Ako lang kikilos?”

Natawa siya sa tinuran ko. Nagpa-cute.

“Gayahin mo lang yung ginawa ko. Kiss mo ko sa lips, pagkatapos sa tenga, pababa gang nipples ko.” Paliwanag ko. Sinamahan ko na rin ng konting lambing at pagpapa-pogi. Aba, kung kaya niyang maglaro, lalaruin ko rin toh.

Ngumiwi siya, halatang pinag-iisipan kung gagawin ba niya yon o hindi. Tumagilid siya, saka naupo sa kama at sumandal sa pader.

“Ih. Di ko ginagawa yun eh.” Muli niyang tanggi.

“Madali lang. Tamo nga o, matigas pa rin titi mo.” Jinakol ko saglit iyon. Kailangang dahan-dahanin. Kahit nakaka-urat yung pagkapihikan o pagka-arte niya.

“Uwi ka nalang kaya? Bigyan nalang kita nung sanay.”

Di ko alam kung anong mararamdaman ko sa oras na yon. Eto ako, brief nalang ang suot. Sumuso ng burat ng lalake na kung nasa katinuan talaga ako ay hindi pasok sa panlasa kong susuhin, at ngayon pinauuwi ako nang lalaking iyon kasi hindi niya kayang sumubo o mangromansa man lang. Konti nalang talaga makakapag bitaw na ako ng hindi magandang salita.

“Sige ganito nalang, halikan mo ko. Yung torrid tulad ng napag-usapan natin. Pagkatapos, unti-untiin mo lang ibaba papunta sa leeg ko. Pag di mo talaga kaya, saka na natin pag-usapan yung pag-uwi.”

Umiling siya ng panibago.

“Subukan mo muna kasi.” Sabi ko ng may diin.

Napilitan na rin siguro siya, siguro nahintakutan rin sa may gaspang kong pagsabi sa kanya. Sa pwesto niyang nakasandal sa pader, inabot niya yung mga labi ko at hinalikan ako. Siya na ngayon yung may kontrol sa ritmo nito. Naglaban na rin yung aming mga dila, naroong sinisipsip niya yon na parang chinuchupa. Bumaba yung halik niya papunta sa leeg ko, ilang saglit lang at nasa kanang dibdib ko na siya, mabilisang sinipsip yung nakaangat at naninigas na utong ko. Saglit lang ay tumigil na. Bumuntung-hininga at sinabing hindi niya kaya.

Kung hindi ko lang siya gusto, sandamakmak nang mura yung kumawala sa nakatikom kong bibig. Pakyo talagang damdamin yan.

Muli ko siyang ninakawan ng gutom na gutom na halik. May halong diin. Marahas ang pagkagat ko sa kanyang mga labi. Hindi lang kasi ako naiinis sa kanya. Inis rin ako sa sarili ko. Itinuloy ko yung paghalik pababa sa leeg. Ngayon walang pagdadalawang-isip kong tinadtad ng chikinini**** lahat ng madaanan ng aking labi patungo sa kanyang burat.

Mabilisan kong sinubo iyong muling nabubuhay niyang pagkalalake. Nag-ipon ng laway habang pinasisikip pa ang pagsipsip sa buhay niyang laman. Hindi ko na alintana kahit may sumabit pang mga bulbol sa aking bibig. Dire-diretso lang ako sa pagtaas-baba.

Nang matantsa ko nang marami-rami nang laway sa aking bibig ay dinura ko ito sa kanang kamay. Binalot sa pang-gitnang daliri at dahan-dahang sinundot yung bukana ng kanyang puwet. Kung hindi niya ako chuchupain, bibiyakin ko yung puwet niya gamit ang aking daliri.

Nasa bukana pa lamang ako, naramdaman ko na yung pagtigas ng kalamnan niya. Muli kong tinuloy ang pagchupa sa ari niya at nang maramdamang nagrelax siyang muli, pinasok ko nang buo yung panggitna kong daliri.

Narinig ko siyang nasaktan. Nagmura. Pero nanduon na e. Naipasok ko na. At tumigas naman ng todo yung ari niya. Muli siyang napaungol ng bahagya kong ilabas-masok yun. Nagmura siyang muli. Pilit pinapaalis yung daliri ko pero hindi ako pumayag. Ano siya sinuswerte. Binabayo niya yung bibig ko tapos ako ni romansa hindi mabigyan.

Kaya nang muli siyang umungol, sinabay kong ipasok yung hintuturo ko. Dalawang matabang daliri na yung nakapasok roon. At siya, panay ungol. Panay mura. Hanggang nanlabot yung titi niya sa bunganga ko.

“Aray. Tangna. Ang sakit.”

“Kaya mo ‘yan.”

“Ang sakit talaga. Ang taba ng daliri mo eh.”

“Kaya mo nga ‘yan sabi. Ganyan lang sa una ‘yan.” Inayos kong muli yung puwesto niya. Binukaka ang mga hita at marahang nilaro ang nanguluntoy na ari. Pero bago ko pa siya nafinger muli, tumayo na siya at sinabing ayaw na nga niya at lumabas ng kuwarto ng nakahubad.

Sinundan ko siya at muli kaming nagkulitan sa may sala ng bahay nila. Nandoon na nagpambuno kami na may kasamang kilitian. Doon muli ko siyang chinupa at nafinger. Pero pag nararamdaman kong masasarapan na siya, saka siya umaayaw. Lalayo at ayun, balik na naman sa simula. Nakailang beses kami sa ganoong sitwasyon hanggang sa napagdesisyunan na magpalabas na siya tulad ng napag-usapan. Muli niyang niratrat ang bibig ko. Hanggang nauwi sa masaganang talsik ng katas niya sa aking katawan.

Kung tatanungin ako kung satisfied ba ako sa nangyari. Isang malaking pakyu. Pucha, hindi na nga ako nakapagpalabas, hindi man lang din nasayaran ng labi yung burat ko. Daliri ko lang ang nag-enjoy, saka yung kakaibang nararamdaman ko para sa kanya.

Pagkatapos naming maglinis ng katawan at magbihis, akala ko makakauwi na ako, pero ang loko, nag-aya ng cuddle-cuddle daw. At um-oo ako. Tanga nga eh. Tinamaan eh. Nauna pa ako sa kanya sa kama.

Habang magkayakap kami, inunahan ko na siyang magtanong. Mas safe ito para sa akin. Pakikinggan ko nalang yung mga sagot niya. Tatandaan kung pano siya magkwento, iuukit sa isip yung nunal niya sa mukha at putanginang isisiksik sa utak na eto lang yun. Na wala nang kasunod pa. Na isang beses nga lang at siya lang ang makaka-enjoy ng oral sex.

Marami-rami rin siyang naikwento tungkol sa kanya, sa trabaho niya at sa karanasan niya sa sex. Nagkwento rin siya tungkol sa mga kapatid niyang nurse sa Dubai, sa tatay niyang nasa abroad, at yung dahilan bakit walang tao sa bahay nila na yon. Minsan nagagawa niyang magsingit ng tanong para sa akin, pero magaling akong maglihis ng usapan. Nagagawa kong ibalik sa kanya yung mga paksa ng usapan.

Hanggang sa bigla siyang pumatong sa akin. Kusa niya akong hinalikan ng walang puknat. Sabay nuon yung pagkadyot-kadyot nya sa aming mga burat na ngayon ay balot na ng damit.

Matagal kami sa ganoong tagpo. Hanggang sa muli kaming naghubad, subalit ganoon nalang ang nangyari. Kiskisan at halikan. Ako na ang kusang nagpatigil sa kanya. Niyakap ko nalang at sa ganoong ayos naghintay umabot ng alas-sais ng gabi.

“Ayaw mong mag-girlfriend?” Bigla kong naitanong.

Iling. Ayaw raw niya.

“E boyfriend?”

“Ewan. Hindi naman ako naghahanap.”

“Talaga?” Pangungulit ko.

“Gusto mo ba?” Balik nya sa akin.

“Ikaw, gusto mo ba?” Muli kong balik sa kanya.

“Ayaw ko. Magulo yun…” may iba pa siyang sinasabi. Pero pinili ko nalang higpitan yung yakap sa kanya.

Pero kala niyo tumigil na ako, nako hindi. Masokisto yata ako eh.

“Mauulit ba’toh?” walang emosyon kong turan. Pambasag lang roon sa katahimikan namin sa naunang mga tanong ko.

“Siguro,” sabay bitaw ng yakap sa akin. “Depende eh.”

“Di ka ba nag-enjoy?”

Muli niya akong niyakap.

“Tingin mo?” balik tanong niya. Di ko na siya sinagot. Isang malaking putangina nalang pag ginawa ko pa ‘yon. Parang ang dating kasi sa akin, hindi ko naibigay yung gusto niya. E siya nga yung hindi tumupad sa usapan eh.

Sabay kaming lumabas ng bahay nila. Sabay rin nag tricycle patungo sa main highway at sabay sumakay ng Victory Bus na may karatulang Caloocan.

Habang nasa bus hindi ko na napigilang magtanong.

“Ano bang pangalan mo?”

“Savemore.” Sagot niya. “Pwede ring 7/11.” Dugtong niya binabanggit yung mga signage na nababasa niya.

Hindi ko na muna siya kinibo. Hindi ko nalang aalamin pa. Pero mga ilang sandali lang, ayun, nagtanong na naman ako.

“Ano nga kasi. Sige naman na oh.”

“Hahanapin mo lang ako eh. I-search sa FB. Wala akong FB.”

“Hindi ah. Gusto ko lang malaman yung pangalan mo.”

Iling. “Ikaw nga hindi mo sinabi pangalan mo eh.”

“Sinabi ko. Diba nga i-tinext ko pa sayo. Ikaw lang hindi nagrereply eh. Ano nga kasi, para ma-i-save ko number mo? Kyle name ko.”

“Ano?”

“Wala. So ano nga name mo?” pilit ko sa kanya kahit binalewala niya yung pagpapakilala ko.

“Cabanas. South. Grand Royale.”

“Lapit na ako. Name mo nga kasi.” Huling subok at pilit ko sa kanya. Na sinagot lang niya ng ngiti.

Bumaba ako malapit sa eskwelahang pinapasukan ko nang hindi man lang nakuha yung pangalan niya.

Nagpadala ako ng SMS sa kanya.

“Ingat sa byahe.”

Sumagot naman siya sa mensahe ko. Dalawa pa nga eh.

“salamat din pwera lang sundot at chikinini.”

Nagpadala ako ng smiley.

“di rin ako nakatulog kaya tutulog muna ako sa bus haha.”

“Sleeptyt –smiley-” Gusto ko sanang si heart ang ipadala kaso baka lalong mawasak.

Madaling araw eksakto 2:09AM ng maalimpungatan ako sa isang SMS niya.

“Anong virus ang dinala mo samin? nilalagnat ako ngayon and masakit katawan ko haha.”

Sinagot ko siya. Sinabing wala akong dala. Tinanong kung kamusta siya. Na baka napagod siya sa kulitan namin at pagbubunuan kanina sa kama. Na ako rin naman masakit ang katawan dahil sa pagpupumiglas niya kanina. Muli siyang nagpadala ng mensahe.

“nasa clinic kaya ako ngayon, medyo nahihilo ako pag kumikilos ako eh”

“wawa ka naman –tatlong crying emoticon- pa-kiss nga po.” Sagot ko.

Walang tugon.

Pagkatapos ng isang oras. Nag padala ulit ako ng SMS.

“Rest ka ng mabuti. Get well soon.”

Walang tugon.

Wala ni isa hanggang ngayon.

Post a Comment

You need to login into your Google account to post a comment.
We will remove spams and duplicate comments.

[facebook][disqus][blogger]

Admin

{facebook#https://www.facebook.com/mencircle} {twitter#https://twitter.com/mencircleph} {google-plus#https://plus.google.com/+Mencircle} {youtube#https://youtube.com/mencircle} {instagram#https://instagram.com/mencircle}

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget