Club Outdoors (Part 1)

Club Outdoors

By: Mike

Authors’ note:Hello readers! Sharing this new story/series. Inspired by true events. I did my best para gawing maayos, nakakatuwa at hindi madalian yung takbo ng kwento. Enjoy!

POV Mike

3:50 AM na kayat mabilis kong tinakbo mula Condo hanggang Mcdonald’s Griendfield District. “Good Evening Mike, we’re here already at Mcdo. San kana?”, text ni Sir Julius, yung organizer at head ng Club Outoors. “In a few minutes, Sir. Sorry”, reply ko. Kaya mas binilisan ko pa takbo ko. Hindi ko na ininda ang bigat ng bag ko, first time ko magha-hiking in Luzon kaya naman ayokong mahuli dito.

“Good Evening. Is this the Club Outdoors?”, tanong ko sa table na nasa labas ng Mcdo. May limang taong naghihintay doon. “Yes, Mike? I’m Julius. Welcome to Club Outdoors.”

“Sorry po. Nalate kasi ako ng gising. Sana di madelay ang lakad”, paghingi ko ng paumanhin habang hinihingal at pinupunasan ang pawis ko.

“Don’t worry. Just in time ka lang. Eto nga pala mga kasama natin. Actually, kami kami lang din magkakasama kada akyat naming ng bundok. Everyone, this is Mike.”

At isa isa na silang nag pakilala sa akin.

“To start, I’m Julius Santiago. Founder ng CO.”

“Hi Mike, Tricia nga pala”, sabay ngiti at wave ng kamay.

“Marco, Pare”, nagfist bump kami.

“Nikki pala Mike”, okay… Maganda tong babaeng to ah.

Binaling ko yung pagtitig ko sa natitirang miyembro ng grupo na busy naglalaro ng cellphone niya habang nakaheadset. Tinapik siya ni Sir Julius. “Uy ikaw na”, sabi niya sa lalaking nagulat.

“A-huh? Bakit?”, sagot naman niya habang tinatanggal niya ang isang earphone niya.

“Mike po pala”, inabot ko ang kamay ko para makipagkilala.

“Uh, my name is Seb. Nice meeting you”, hindi niya pinansin ang pag-abot ko ng kamay sa kanya. Sa halip ay binalik niya headseat niya sa tenga at nagpatuloy sa ginagawa. Nag aktong walang pake nalang ako sa ginawa niya, pero first impression talaga ay ang rude niya.

“Ah Mike, yan si Seb. Pwede din Baste kung gusto mo. Pinsan ko. Tsaka ganyan talaga yan walang pake sa mundo.”, Sabi ni Sir Julius sa akin. Tumango lang ako.

Dumating nadin ang van na sasakyan naming papuntang Tanay. Tinanong ko sila kung wala na bang ibang sasama sa amin. Tugon ni Sir Julius ay nag backout yung tatlong sasama sana the last minute. Ako lang pala ang bago sa group. Nalaman ko din na isang taon na pala ang CO, at silang lima ang palaging magkakasama. Mga regular kumbaga. Maximum of ten joiners lang tinatanggap ni Sir. Hindi narin ako nagtaka kung bakit magkakilala na silang lahat, parang magbabarkada na. First time kong sumama sa ganto. Nung first time ko kasing maghike sa Cebu, kami kami lang ng mga pinsan ko ang nagorganize. Dito kasi iba style.

Magbabayad ka sa isang organizer at lahat na ihahain na sa iyo. Weird nga lang kasi di mo lam kung sino makakasama mo. Going back… Dahil pito lang kami, kasama na driver, madaming space sa loob ng van. Naisip kong umupo sa likuran kasi bakante. Dun ako sa pinakagilid, right side. Maya maya ay may umupo din sa pinakagilid, left side. Si Seb. Binigyan ko lang siya ng pilit na ngiti, yung pang-acknowledge lang ba. Di niya pinansin. I gave him the benefit of the doubt, baka di lang niya napansin kasi madilim din sa van. So ayun, may gap kami sa gitna.

Hiking 001: Mt. Batolusong, Rizal Province

Maganda ang Inakyat naming bundok, di naman siya ganun ka hirap although hihingalin ka rin. Mahirap din ang trail kasi maputik. Bawal maarte. Ngunit nagpay off naman lahat ng pagod dahil sa Sea of Clouds na makikita mo sa summit. Sobrang ganda. Isa isa nang nagpapicture mga kasama naming. Panay ang awrahan, lalo na si Tricia. Pose dito, pose doon.

“Yung pang insta ha. Kakatikim ka Marco ha kapag blurred yan”, utos ni Tricia kay Marco habang kinukunan siya ng litrato.

“Kaw naman Mike, Kunan kita doon…”, sabi ni Nikki.

“Uh, hehe. Wag na. Kumuha na ako ng litrato ng Sea of Clouds kanina eh”, sagot ko.

“Ibig ko sabihin ikaw magpose doon at kukunan kita ng picture”

“Uh ok lang it’s fine Nikki. Hindi ako sanay magpapicture eh. Hehe”

Parang neweirdohan sa akin si Nikki. Tumango lang siya. Ngunit habang pababa na kami, nagkataon na kaming dalawa ang nauna, may tanong siya sa akin na kinagulat ko.

“Silahis ka no?”, sabi niya. Natanga ako sa tanong niya, natisod at muntik ng madapa.

“Huh?”

“Ay naku wag ka magdeny alam na alam ko yan”

“Teka. Pano mo naman nasabi”

“Gaydar ateng”

“You mean bakla ka?”, binatukan niya ako.

“Bakla mo mukha mo. Tingin mo peke tong boobs ko?”

“Uh sorry. Teka. Ikaw din?”, tanong ko.

“Apir!”

Maliban kay Sir Julius, Si Nikki yung naging kaclose ko sa group. Kabago bago palang naming nagkakilala ngunit sobrang dami na naming napagkwentuhan ni Nikki. Grabe ang daldal niya. Napag-alaman ko din noon na crush daw siya ni Seb at umabot sa puntong liligawan na siya neto, ngunit biglang umamin si Nikki while nag iinuman sila na yun nga, kung ano talaga siya, at nung time nayun, trip niya babae.

“Naku, kung alam mo lang. Di mo paipintaa mukha ni Sebastian noon. Haha. Pero oks na kami ngayon, utol ko nayun eh”, sabi niya. Bigla naman akong nakapagsalita ng unexpected. “Alam mo ang rude ni Seb kanina”.

“Trip mo si Seb no?”, pinindot niya bewang ko.

“Haha loko ka hindi”

“Pero aminin mo gwapo niya no”

“Um. Oo naman. May hitsura.. Pwede na.”

Kinabahan ako bigla dahil biglang may tumapik sa balikat ko mula likuran.

“Excuse me. Mauna na ko… Uh Nik dun ko nalang kayo hintayin sa baba. Bagal bagal nila Trish eh”, at tumakbo na siya. Bale nag overtake siya. “Naku muntikan na yun ah”, sabi ko habang tinapik dibdib ko sa gulat. “Haha buking ka na sana”, sabi ni Nikki. Sinabi ko naman sa kanya na ok lang. Di ko naman tinatago. Di ko sinasabe ngunit kapag may nakaalam at nagtanong, di ko naman idedeny. Sabi naman din ng mga nakakaalam, kilos lalake naman ako. Lalake naman talga ako eh. Nagkataon lang na aside sa babae, nagkakagusto din ako sa kapwa. “Pero alam mo Mike, ang cute mo naman. Pwede ka dun kay Seb… o kay Trish kaso taken na siya. Haha”. Medyo nag-isip ako nun kung bakit niya ako tinutukso kay Seb, ngunit tinawanan ko lang. “Malabo yan. High Standards ako”, sa ayun nagtawanan at nagkuwentuhan lang kami hanggang sa makababa na kami.

Dahil dalawa lang shower area, pilahan kami. Pero nagkataon din na konti lang hikers noon at di naman ganun kahirap pumila. Nauna na ako sa groupo dahil ang baho ko na din. Naglakad akong papunta ng shower area, pinakiramdaman ko muna kung may tao sa loob, kaya nang wala akong narining na ingay o talsik ng tubig, binuksan ko na agad…

“AAAA POTA!”, sigaw na tao mula sa loob. Bigla kong sinara ulit yung pintuan. Gulat na gulat ako sa nakita kong lalaking nakatalikod na hubot hubad. Taena.

“Sorry Sorry di ko alam may tao pala!”, sagot ko mula sa labas. Hindi naman sumagot agad yung tao sa loob ngunit bigla kong naramdaman na hinihila niya puntuan mula sa loob aktong lalabas na siya. Nakita ko siyang nakatapis lang ng tuwalya. Shet.

“Walangya Pre kita mo naman may tao sa loob e”, nakabusangot mukha niya. Di ako agad nakasagot dahil nakita ko siyang walang suot na Tshirt, at nakatuwalya lang. Maganda naman katawan, may kaputian din. Tumingala ako dahil matangkad kasi… narealize ko si Seb pala yun. Double Shet. Napalunok ako ng matindi.

“A—e---sorry. Di kasi nakalock. Ts—tsaka wala kasing ingay kaya akala ko walang tao. S—sorry balik nalang ako”, sabi kong pautal utal. Napansin niya di man lang ako makatingin sa mukha niya kaya naman humirit siya sa akin.

“Sus, gusto mo lang makaboso. Oh tapos na ako. Kaw na.”, lumabas na siya at naglakad papuntang van habang sinusuot yung tshirt niya. Narinig ko siyang tumawa saglit. KUNG DI KA LANG MASUNGIT NAKU… Sabi ko sa sarili ko. Then pumasok na ako at naligo.

Habang nagbibyahe pauwi, wala kaming imikan sa likuran. Nakinig nalang ako ng Music sa phone ko at nakatulog. Paggising ko ay nasa Greenfield na pala kami. Nagpasalamat ako kay Sir Julius at sa buong team nadin. Nagpalitan kami ni Nikki ng number at hiningi niya FB ko.

Nakarating ako sa condo bandang 6.30pm. Hindi nalang ako maliligo ulit. Solb na ako dun kanina. Hehe. Tamad lang.

Naalala ko bigla, may kailangan pa pala akong iemail na file sa client ko in Germany. Online Animator/Graphic artist pala ako, ngunit freelancer lang. Maayos naman kita ko, dollars kasi usually yung natatanggap ko mula sa mga clients ko. Tsaka di ko narin problema yung condo kasi nanay ko naman nagbabayad nun. Hehe. Salamat at supportive nanay ko sa akin. Problema lang ay majority ng submission ay gabi na o minsan madaling araw.

I checked my social media accounts and saw follow requests mula kay Nikki. I accepted her on FB, pwera nalang sa instagram.

***

POV Seb

Naisipan kong mag-overtake kina Nikki at … Sino pa nga ba yung bagong kasama namin? Mickey? Mike? Kalimutan ko na. Anyway, sobrang bagal kasi nila Trish at Marco, kaya iniwan ko na sila. Tsaka nakakailang balik nadin ako sa Batolusong kaya naman di na ako masyadong namamangha. Nasanay na siguro.

---

“AAAA POTA”, napasigaw ako sa sobrang gulat dahil may biglang bumukas ng pintuan habang nagbibihis ako sa loob ng shower room. Leche sino bang loko ang gumawa nun. Narining kong nagsorry yung lalaki mula sa labas. Pamilyar yung boses ah. Narealize kong di ko pala nalock. Sige, blessing ko nalang sayo na makita mo pwet ko. HAHA.

Lumabas ako at sa van nalang ako magbibihis. Nasira yung mood ko eh. Pagbukas ko, nakita ko si bagong salta. Ampota, nanlaki mga mata. May kutob tuloy akong bakla to. Sinungitan ko nalang siya at umalis na ako. Kainis. Haist.

Ang awkward ng atmosphere sa loob ng van. Busy si Tricia at Marco nag-eedit ng Pictures nila. Si Nikki naman… Si Nikki naman ay nakikinig ng music. Gamit parin niya yung headset na regalo ko last year. Nagsmile ako habang papasok na van, at nag peace sign lang siya at natulog.

Hay eto na naman. Magkatabi pala kami ni bagong salta. Napansin kong tumingin siya sa akin ngunit nang mahuli ko siya, bigla nalang siyang pumikit at nag aktong tulog. Bobo lang eh, halatang halata na. Makatulog na nga.

Sa Greenfield, napansin kong close na si bagong salta at Nikki. Ano naman kaya meron? Luh? Hiningi ni Nikki number niya? Tae. Kung alam mo lang Niks, Ako ang trip niyan. Haha… What the fuck, kadiri yung naisip ko ah.

Tinawag na ako ni Kuya Julius at sabay na kaming umuwi. Hinatid lang niya ako sa condo ko sa Makati at dumiretso na siya ng Alabang. Nagshower ako ulit, nagdinner at nagpahinga.

Biglang nag blink yung phone ko. Isang notification. Nagupdate agad si kuya Julius sa CO page niya. “Aba bilis ah”. I checked it. Next weekend’s event: DAYHIKE AT MT. MAYNOBA. Chineck ko ulit kung sino sino ba nagconfirm na sumama…

  • Julius Santiago
  • Tricia Alcantara
  • Some random new comer 1
  • Maria Nikkaella Isabelle Santos (ahem)
  • Marco Ang
  • Some random newcomer 2
  • Some random newcomer 3
  • Mike Daniel Hong (si bagong salta)

Post a Comment

You need to login into your Google account to post a comment.
We will remove spams and duplicate comments.

[blogger][facebook][disqus]

Mencircle

{facebook#https://www.facebook.com/mencircle} {twitter#https://twitter.com/mencircleph} {google-plus#https://plus.google.com/+Mencircle} {youtube#https://youtube.com/mencircle} {instagram#https://instagram.com/mencircle}

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget