Kung Kailangan Mo Ako (Part 3) Finale

By: Whiteshadow

Tumutupad naman si Mrs. Sebastian sa kasunduan nila ni Kuya Gani kaya nadadalaw niya anumang oras ang kanyang anak na si Jimboy. Araw ng bakasyon ng prep-school tuwang-tuwa ang bata. Namasyal ang mag-ama kasama ako. Pinuntahan namin ang iba’t ibang mall, shopping dito, shopping doon di ko alam kasama din pala ako sa budget. Lalo akong humanga kay kuya Gani dahil sa kanyang pagiging generous. Namasyal din kami sa mga kilalang games and amusement park di lang si Jimboy ang nag-enjoy maging ako rin mismo. Ngayon ko lang naranasang makasakay ng iba’t ibang rides, hanggang peryahan lang kase ang kaya naming puntahan noon.

Huling itinerary namin ang Tagaytay dalawang araw kami doon. Wala kaming sinayang na oras talagang inenjoy namin ang bawat sandaling magkakasama kami. Nakakainggit ang bonding ng mag-ama habang pinagmamasdan ko sila. Sana naranasan ko rin ito… mula kase sa aking pagkabata nakamulatan ko na ang walang ama. Marahil ito ang dahilan kung bakit madali akong nagkakagusto sa mga lalaking nakakatanda sa akin tulad ni kuya Gani. Sa isang artikulo na aking nabasa, “Father Figure” daw ang karamihang hinahanap ng mga taong maagang naulila sa ama.

Minsan natanong ko si Jimboy kung kanino ba talaga gustong niyang sumama sa lola o sa kanyang daddy. “Ayoko sa lola ko matapang siya… gusto ko sa daddy ko... ang daya-daya nga ni daddy sabi niya mahal na mahal daw niya ako tapos di naman niya ako mapasyalan araw-araw… di ko nga sya nakakasamang matulog.” Gustong tumulo ng luha ko…. nararamdaman ko ang damdamin ng bata. Tulad nya rin sabik din akong may yumayakap sa akin yakap ng isang ama. Ang malungkot sa panig ni Jimboy naririyan nga ang kanyang ama buhay na buhay di naman niya nakakasama araw-araw lalo na sa gabi. Naghahanap din sya ng yakap ng isang ama.

Sa swimming pole ng tinutuluyan naming resorts nakatayo si kuya Gani sa ibabaw ng diving board. Pinagtitinginan siya ng ilang mga naroroon sa ganda ng kanyang tindig at pangangatawan. Si Jimboy naman nasa paliguan ng mga paslit. Bigla syang nag dive. Palakpakan ang mga tao sa husay ng kanyang ginawa.

Sumisid sya pailalim ng biglang may kumagat ng aking hita. Pagahon siya pala. Tawanan kami na parang mga bata pagkatapos ako naman ang sumisid. Kinagat ko naman ang kanyang matambok na puwet. Pag-ahon ko nagpahabol ako sa kanya hanggang makorner ako sa isang sulok ng palanguyan. Inilapit niya ang sarili niya sa akin… napakalapit na halos magdikit na ang aming mga katawan. Pagkatapos meron siyang ibinulong sa aking, “James… mamaya ha…” sabay dakot niya sa naninigas kung titi. Sabi ng isip ko ‘sa wakas maaangkin ko na ang lalaking mahal ko.’

Ina-analyze ko ang kanyang character may pagka romantiko ang mokong. Una, dinala niya ako sa isang exclusive restaurant upang alamin kung taken na ako o hindi pa… wala siyang paki kung lalaki man o babae. Sumunod, ilang beses niyang ginagawa ang pambibitin sa akin sa iba’t ibang anyo ng mga paramdam. Mahirap siyang hulaan… parang he loves me? he loves me not? parang ganun. Heto na kami ngayon sa isang romantikong lugar ng Tagaytay… malamig… tahimik… habang tanaw na tanaw mo ang naaaaaapakagandang Taal. Hanggang pumasok na lang sa impresyon ng utak ko na hindi pwedeng paghiwalayin ang Taal Volcano sa Taal Lake… kahit magkaiba ang kanilang kalikasan sila’y para sa isa’t isa. Kapangyarihan lamang ng Dios ang makapaghihiwalay sa kanila.

Sabi niya sa akin kanina sa swimming pole “James… mamaya ha…” madali ko syang naunawaan dahil may nangungusap sa puso ko.

Matapos kaming magdinner maagang nakatulog ang bata dahil na rin siguro sa pagod. Si daddy Gani naman nasa living room nanonood ng television. Kaharap ng ilang beer in can sa table. Sleeveless shirt and shorts na pantulog ang suot habang panatag ang pagkakasandal sa sofa. Nang mapansin ako nag-iba ng porma medyo mapanukso ang dating. Syempre ayokong na muling mapahiya tulad noong mga nakaraan sa aking kwento. Hinintay ko na lamang syang mag-initiate.

Tinawag ako sabay abot ng isang beer in can. Siya na rin ang nagbukas. Umupo ako sa tabi niya. Lumiyad siya at ipinatong pa ang isang paa sa center table. Kinuha sa tabi niya ang remote control nilipat niya sa NBA games. Bago ko naubos ang beer nakita ko syang nakayukyok na ang kanyang ulo. Aba! In my surprise! Tulog na pala ang mokong. Dalawang beer sa lata ang nakalasing sa kanya? Sa isip ko hindi pa ito lasing baka naglalasing-lasingan lang.

Masama ang loob ko habang inaayos ko ang kanyang pagkakahiga. Anak ng teteng ang bigat pala ni kuya Gani! Kumuha ako ng unan at kumot sa kwarto. Habang inaasikaso ko sya parang gusto kong molestyahen ang mama… pero di ko magawa. Mataas kase ang pag-respeto ko sa kanya. Iniwanan ko na lang syang mag-isa.

Sa isang kama ng silid doon ako humiga pero hindi ako makatulog. Tama na itong kahibangan ko sabi ko sa aking sarili, mistulang larong dama ang ginagawa niya sa akin papadamahin ka lang…. sa bandang huli bokya ka. Tahimik akong umiyak… ramdam ko ang sobrang paninikip ng aking dibdib… parang gusto kong isigaw ang nasa kalooban ko.

Kinabukasan naghanda na kami sa aming paguwi. Ang mag-ama masyang-masaya. Naghaharutan. Nagyayakapan. Nagsusuntukan. Si James nakakatuwang bata talaga, malambing, panay ang yakap at halik sa ama. Dahil alam ng bata na matagal na naman bago ito mauulit.

Pagkahatid namin kay Jimboy sa kanyang byenan umuwi na kami. Nang biglang itinigil ni kuya Gani ang kotse sa isang bakanteng lote na walang katao-tao. Kinausap ako. “James… pwede mo ba akong matulungan?” “Tungkol saan kuya…? Medyo naguguluhan ako. “Gusto kong ilayo si Jimboy sa lola niya maghahanap ako ng isang bahay na hindi nila tayo masusundan.” “Eh sino po magaalaga kay Jimboy… mag-aasawa na po ba kayo?” “Hindi ako mag-aasawa… ikaw… ikaw ang magaalaga sa anak ko… tayong tatlo magsasama-sama parang ganun… huwag kang magalala sa pag-aaral mo ako nang bahala sa mga gastos hanggang makatapos ka.” “Ganun po ba?... kuya Gani aaminin ko na po ang totoo sa inyo balak ko na pong lumipat ng ibang boarding house... kase nahihirapan na ang damdamin ko.” “A-Ano ibig mong sabihin James?” “Matagal na po akong may gusto sa inyo… nahihirapan na ako sa aking sarili… mali kase ito di ba?” Hindi sya kumibo. Maya-maya pa hinawakan ni kuya Gani ang kamay ko pagkatapos ipinatong iyon sa kanyang harap. “Huwag mo kaming iwan ni Jimboy… please kailangan ka namin.” Nagulat ako nang buksan ni kuya Gani ang kanyang pantalon hanggang inilabas niya sa loob ng underwear ang kanyang titi. Pinahawakan niya sa akin sinabing salsalin ko daw… ginawa ko pinatigas ko muna saka sinimulan ko na syang salsalinl. Napapapikit si kuya Gani… hindi ko alam kong nasasarapan siya o nahihiya sa kanyang sarili.

Ilang minuto ang lumipas sinabing lalabasan na raw sya. Hanggang sa pilit nyang pinapasuso sa akin ang kanyang pagkalalaki. Kahit pwersahan ang kanyang ginawa sumunod ako dahil gusto ko rin naman. Marami siyang ibinuga may pumasok sa loob ng aking bibig ang iba nailuwa ko. Pagkatapos humarap sya sa akin ngumiti at kinindatan ako. Masayang-masaya ang kalooban ko dahil naangkin ko rin sa wakas si kuya Gani. Sa puso ko pumapayag na ako sa hinihiling niya. Tatanggihan ko pa ba ito? Sa aking ilusyon ng mga sandaling iyon kapag nangyari ito tuwing gabi sa aming pagtulog mayayakap ko na sya na para na kaming mag-asawa.

Pagdating namin sa bahay di pa kami nakakapagpalit ng damit ng biglang nag ring ang telepono. Si Mrs Sebastian ang nasa dulo ng linya. “Isagani si Jimboy nawawala”. Napasigaw si kuya Gani "sa telepono. Agad ko syang pinuntahan. Bad news! ang kanyang anak nawawala daw. “James dito ka lang sa bahay ha update mo ko kung may dumating na tawag. Aalis ako hahanapin ko anak ko.”

Magdidilim na subalit hindi naging sagabal sa isang ama ang gabi upang hanapin ang kanyang mahal na anak. Lahat nang pwedeng puntahan ng bata kanyang pinuntahan subalit wala si Jimboy. Agad siyang nagtungo sa pinakamalapit na estasyon ng pulisya dala ang malalaking larawan ng mukha ni Jimboy upang ipaskil sa mga poste at pader ang batang nawawala, Nangako naman ang mga pulis na hahanapin nila ang bata kahit saang sulok.

Pasado alas tres na ng madling araw ng dumating si Kuya Gani. Malungkot, matamlay at mukhang pagod na pagod. Pinagtimpla ko sya kaagad ng kape. Matapos kong ibigay, siya ay nagpasalamat. “James… iwanan mo muna ako…. matulog ka na… gusto kung mapag-isa…” Subalit hindi ako umalis sa halip tinabihan ko sya at hinilot-hilot ang kanyang ulo, pagkatapos ang kanya namang mga bisig ang minasahe ko. Nang bigla niya akong binulyawan. “Di ba sinabi ko sa’yo iwanan mo muna ako! nakakaintindi ka ba? Putang inang bakla ka malas ka sa buhay ko!”

Nang marinig ko iyon mabilis akong pumasok ng aking silid nangatog ang tuhod ko… natakot ako sa kanya. Gusto kung umiyak pero di ko magawa. Sandali ang lumipas… sumilip ako sa pinto kung nasa salas pa sya. Nang makita kong wala na siya nagmadali akong lumabas ng bahay.

Sa labas doon ko na ibinuhos ang nararamdaman ko. Umiyak ako ng umiyak…. sa buong buhay ko ngayon ko lang naranasang murahin at kutyain ang pagkatao ko. Lakad… takbo na walang dereksyon ang ginawa ko. Ayoko nang bumalik sa bahay na iyon dahil isa akong “putang ina at malas” sa kanyang buhay.

Nakikita ko pa sa lansangan ang mga kutitap ng mga pailaw ng pasko… madalang din ang mga dumadaang sasakyan halos wala rin akong makitang tao. Nang may napansin akong isang batang nakatalungko sa isang sulok ng kalye… kinabahan agad ako… namumukhaan ko na sya. Pag-angat ng kanyang ulo si Jimboy… si Jimboy nga! Patakbo ko syang nilapitan. Umiyak ako ng umiyak habang yakap yakap ko sya. “Jimboy hindi ka dapat naglayas nagaalala lahat sila sa’yo.” Sumagot ang bata habang humihikbi “Hindi ako mahal ni daddy iniwan na naman niya ako kay lola. Nagpromise pa sya na hindi na daw niya ako iiwan.” “Hindi totoo yan na hindi ka mahal ng daddy mo mahal na mahal ka niya… uwi na tayo… sobra na syang nag-aalala sa’yo.”

Pagpasok namin ng gate na bakal. Di ko inaasahang mabungaran namin si kuya Gani sa labas ng bahay. Napasigaw siya sa tuwa ng makita ang kanyang anak halos magkandarapa siya sa pagsalubong. Niyakap niya si Jimboy at kanya siyang pinaghahalikan. Pagkatapos humarap siya sa akin nakangiti na parang may gustong sabihin sa akin. Tumulo na naman ang luha ko dahil sa sama ng loob ko sa kanya.

Gusto kung pumalahaw pero pinigil ko ang aking sarili. Pagkapasok ko ng silid nilock ko ang pinto. Nilabas ko ang aking maleta at isa-isa ko nang nililigpit ang aking mga damit. Buo na sa isip ko na aalis na ako.

Nang marinig ko ang marahang pagkatok. Tok tok tok… “James…. sorry… please buksan mo naman ang pinto oh… patawarin mo ‘ko James… magusap tayo… please.” Binuksan ko ang pinto bilang pagrespeto sa kanya at makapagpaalam ng mabuti. Sinabi ko sa kanya na uuwi na muna ako sa amin.

Patuloy ako sa pagligpit ng aking mga damit sa maleta. Hinawakan niya ang mga kamay ko nakikiusap na huwag akong umalis. Gusto ko sanang punasan ng kamay ko ang mga luhang umaagos sa aking pisngi. Subalit ang mga palad na ni kuya Gani ang nagpahid nito. Niyakap niya ako ng mahigpit habang patuloy na humihingi ng tawad. Nagmatigas pa rin ako.

“Pabayaan mo na ko kuya Gani di ba ako ang putang ina na malas sa buhay mo?” nang bigla siyang lumuhod yakap niya ang mga hita at puwitan ko habang nakasubsub ang kanyang mukha sa aking pagkalalaki. “Hindi ako tatayo dito hangga’t di mo ko pinapatawad James… please sorry na patawarin mo na ako..” Hanggang sa naramdaman ko ang pagsakmal ng kanyang bibig sa aking si Junior.

Bumigay na ako ramdam ko naman kase na totoo ang kanyang paghingi ng tawad sa akin. Sino ba naman ako ang hindi magpapatawad… lahat naman ng tao ay nagkakamali dahil naitutulak ang kanilang mga damdamin ng mga alalahanin, takot at mga pangamba sa buhay. Sanhi na di na natin tuloy makontrol ang ating mga galaw at pananalita. Hindi natin alam may nasasaktan na pala tayo.

Nalaman ko sa doktrina ng kanilang sekta kinokondena nila ang relasyong homosekswal pero hindi ang pagiging homo. Sinasabing isang sumpa ang mga ganitong relasyon. Nang mawala si Jimboy ng ilang saglit sa kanyang buhay mabilis si kuya Gani na naging judgmental sa akin. May bunos pang “putang ina.” Meron pa palang siyang mabigat na pinapasan ang pagiging bilanggo niya sa kanyang tunay na pagkatao.

Sa mga nangyari nitong huli naging blessing in this guise pa ang lahat. Natupad ang hangarin niyang mapasakanyang poder si Jimboy na hindi na kailangan pang nakawin ang bata sa kanyang byenan dahil pumayag na si Mrs. Sebastian na ibigay ang kustodiya ng bata sa kanya.

Nagbukas din ng tunay na damdamin si kuya Gani sa akin… namuhay kami tulad ng magkuya, magkaibigan at sexual partner. Lahat ng mga pangyayaring nagdulot ng sugat sa aking damdamin pinaghilom ito ng matapat na pagmamahal ni kuya Gani.

Tapos na rin ako sa aking pag-aaral nakasuporta pa rin sya sa bawat mga plano ko basta makakabuti sa akin. Naroroon sya lagi sa aking tabi ganun din ako sa kanya. Hindi na kailangang marinig mula sa mga bibig namin ang salitang “kung kailangan mo ako” dahil naroroon kami lagi sa isa’t isa.

Maraming salamat po sa lahat ng sumubaybay sa kwentong ito nawa’y nakapagdulot ito ng kunting aral sa inyong mga buhay. Sa susunod muling kwentuhan. Thank you.

Wakas

Post a Comment

You need to login into your Google account to post a comment.
We will remove spams and duplicate comments.

[blogger][facebook][disqus]

Mencircle

{facebook#https://www.facebook.com/mencircle} {twitter#https://twitter.com/mencircleph} {google-plus#https://plus.google.com/+Mencircle} {youtube#https://youtube.com/mencircle} {instagram#https://instagram.com/mencircle}

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget